Chapter Ten

1.6K 23 2
                                    


Chapter Ten

Lumipas pa ang mga araw, sabay-sabay silang sumabak sa kanilang bagong buhay.

Napapansin pa rin nila ang pagbabantay ni Rosa sa mga kilos ni Jecka. Ngunit kapansin-pansin din ang pagpupursige ni Jecka na makapagbago. Halos hindi na ito tumingin sa mga lalaki upang makaiwas sa tukso at pagrespeto na rin kay Roland. Si Roland naman ay inspirado sa pagtatatrabaho. Napakarami nitong mga pangarap para sa ate at nobya nito. Tila nagtatagumpay na naman ang kabutihan.

Samantala, mas tumamis ang pagtitinginan nila Regiena at Jelor. Aminado siyang wala na siyang kalalagyan pa kundi ang tuluyang mahulog rito. Hulog na hulog sa pag-ibig nito.

Siya ang nag-aasikaso sa bahay kapag umaga bago tumulong kay Rosa sa tindahan nito. Kapag tanghalian naman ay pinupuntahan niya si Jelor sa palengke upang dalhan at sabayan sa pagkain. Kasabay nito ang kanyang pagkamulat sa mga bagay sa kanyang paligid at sarili.

"Ano'ng dala ng anghel ko para sa akin ngayon?" Tanong nito at halatang sabik ito sa pagbubukas ng dala niya.

"Anghel ka dyan. Demonyitong to. Tapang boneless bangus yan. Masarap daw yan sabi ni Rosa."

Tinitigan siya nito ng makahulugan. "Demonyito ako? Baka gusto... gusto mong patunayan ko sayo yan." Dinikit nito ang mukha sa kanya. Napatingin naman siya sa paligid. Nasa loob kasi sila ng slaughter house mismo ng palengke. May malinis na bahagi naman doon. Isang pagkakapareho nila ay ang hindi pandidiri sa malansang amoy ng dugo. Kaya imbes na makipagsiksikan sa masikip na kainan sa mismong palengke ay doon nalang sila at nakakapagsolo pa sila. May mga pagkakataong nakakagawa pa ng himala. Tanghalian at kumakain ang lahat ng matador. "Shirtless na ikaw ang mas masarap." Pang-aakit pa nito.

"Tumigil ka Jelor! Noong huli tayong nag-ano rito ay muntik na tayong mahuli. Wag kang ano dyan." Kunyari'y pagtanggi niya kahit na gusto niya rin naman. Kahit talamsik ng dugo ang nagkalat sa balat nito ay nangingibabaw pa rin ang malaanghel na imahen nito. Nakakaakit pa rin.

"Ayaw mo?" Saka nito bahagyang dinilaan ang kanyang mga labi at kinagat pa iyon. "Ayaw mo talaga?" Napatingin siya sa suot nitong pantalon. Nakabukol na roon ang ari nito na tila nagnanais nang kumawala.

"Gusto!" Hindi na siya nakapagpigil pa. Dinamba na niya ito para sa isang mainit na palitan ng halik. Magkaharapan sila sa isang pahabang kahoy na upuan. Nilapag nalang nila sa tuyong bahagi ng sahig ang mga pagkain. Doon mismo sa upuan siya humawak at tumuwad para sa isang mabilisang pagtatalik. Kung buhay lang ang mga patay na hayop sa loob ay malamang nasilipan na sila ng mga iyon.

"Dali mo..." sambit niya habang umuungol.

"Oo." Tugon nito. Nakatalikod naman siya rito kaya talagang mapapabilis ang lahat. Paboritong posisyon iyon ni Jelor.

Narating naman nila ang sabay na paglabas bago pa makarating ang ibang mga matador. Nagkalat sa lapag ang mga likido pero hindi na halata dahil sa madilim at madumi ang lugar.

Kinahapunan ay inabangan niya sa labas ng palengke ang nobyo. Isang linggo nalang kasi at kapyestahan na ng lugar nila sa Las Piñas. Aayain niya itong maglibot sa karnibal na nakahanda para sa mga nasasakupan ng lugar.

"Jelor!" Dagli siyang lumingkis sa braso nito ng makita ito.

"Oh mabaho ako at madumi." Nakasuot ito ng sando na may mga mantsa pa.

"Gwapo ka pa rin naman. Tsaka mabango ka pa rin para sa akin." Nakangiti nyang tugon dito at mas hinigpitan pa ang pagkakakapit sa nobyo.

"Bolera ka pala talaga. Mas mambobola ka pa sa akin." Saka siya nito hinalikan sa kamay.

AN ANGELIC REVENGETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon