Chapter 37

38 1 0
                                    

Chapter 37

"A- ako si Jelor?" Tanong ni Alex kay Regiena.

"Oo Alex. Ikaw ang lalaking pinakamamahal ko."

..........

"Anong dahilan kung bakit ka narito? Sabihin mo sa akin. Lahat ng iyong mga tanong ay aking sasagutin." Tanong ng Mahiwagang Babaylan kay Regiena.

Hindi na siya nag- aksaya pa ng oras. Una niyang itinanong ang mga pinapatanong nila Alex sa kanya.

"Magtatagumpay nga ba ang mga Illuminati sa pagpapalaganap ng kasamaan sa simbahan?" Una niyang tanong.

"Hindi." Matipid nitong tanong.

"Kung gayon ay sino ang magiging tagapagligtas na makakatulong nila?"

"Ikaw." Matipid na naman ang naging tugon nito. Sa pagkakataong iyon ay hindi siya naniwala. Bakit siya? Pinagloloko ba siya nito?

"A- ako? Hindi po ako nakikipagbiruan Mahiwagang Babaylan."

"Mukha ba akong nagbibiro? Tanging katotohanan lamang ang lumalabas sa aking bibig. Espesyal ka higit sa iyong inaakala. Hindi ka ordinaryong nilalang. May natutulog na kapangyarihan sa iyong puso na kailangang gisingin." Huminto ito. "Ikaw ang magiging katuwang ng mga kaluluwang naipit upang matalo ang kasamahan. Ikaw ang nakasaad sa propesiya. Ikaw ang hindi pinakita kay Satanas sa salamin. Ikaw Regiena Nicolle."

"Ako? P- paano nangyari 'yun?" Bulong niya. Bago pa siya mawalan ng oras sa kaiisip kung anong klaseng papel ang gagampanan niya sa nalalapit na digmaan ng kabutihan at kasamaan ay minabuti niyang tanungin ang isinadya niya rito. "Bakit niyo sila tinatawag na mga kaluluwang naipit sa lupa? Sino ba sina Angela, Santi at Santo? Lalo't higit sino ba talaga si Alex?"

"Dahil tunay na sila ay mga kaluluwang naipit dito sa lupa. Wala pang huling pasya si Kamatayan kung anong mangyayari sa kanila. Kung sa langit, impyerno o purgatoryo sila mapupunta. Ang kaibihan nila sa mga kaluluwang ligaw ay sila hinihintay pa nila ang pasya sa kanila ni Kamatayan. Ang mga kaluluwang ligaw naman ay tumakas sa kanilang hatol kaya nagpapagala sa lupa at mananatiling kaluluwa hanggang sa matugis ni Kamatayan. Ang iyong mga kaibigan bilang mga kaluluwang naipit sa lupa ay pwedeng magkatawang tao. Magagamit pa rin nila ang kanilang dating katawan. Ngunit wala na silang maaalala mula sa kanilang dating buhay. Habang naghihintay sa kanilang hatol ay kailangan nilang manatili sa lupa at gumawa ng kabutihan. Sila Alex, Angela, Santi at Santo ay naatasang sugpuin ang Illuminati na sisira na muling sisira sa simbahan. Kakaiba ang taon na ito. Ngayong taon nakasaad ang propesiya kung saan nakita ni Satanas ang paglaganap ng kasamaan at pagbagsak ng simbahan."

Napakahaba na ng pagsasalaysay nito ngunit wala siyang nawaglit sa kanyang isipan. Nagpatuloy ito.

"Ang bar na tinutugtugan nila ay sagradong lugar. Ang tugtog na nagmula sa kanilang mga instrumento ay tila ba isang dasal upang protektahan ang pook na iyon. Doon din nakatago ang mahiwagang mga bagay na ginagamit nila kung bakit sila may kakaibang kakayahan at kapangyarihan. Lahat ng iyon ay pahiram ng Bantay ng Lupa upang maging matagumpay ang kanilang misyon. Bawal lamang silang magkwento ng buong detalye sa iba. Nakikinig ang bantay. Bawal silang pumatay ng tao man o demonyo. Bawal nila akong kausapin pati na ang iba pang mga elemento. Kaya hinahanap nila ang tagapagligtas. Hindi nila alam na ikaw na pala iyon."

Nagsimula nitong ilahad ang dating buhay ng bawat isa kina Alex. Parang orasan na ang tingin niya sa mukha ng Mahiwagang Babaylan. Natatakot siyang maubusan ng oras na hindi nito nasasagot ang kanyang personal na tanong.

"Si Angela ay isang dating anghel bago mamatay dahil sa pakikipagsagupaan sa isang demonyo, ang kanyang tunay na ngalan ay Mystica Sia. Si Santi at Santo naman ay kambal na bantay sa purgatoryo. Mga dati silang mortal na nabigyan ng espesyal na tungkulin sa purgatoryo sapagkat mga bayani sila noong sila'y nabubuhay pa."

AN ANGELIC REVENGETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon