Chapter 75

31 0 0
                                    

Chapter 75

Matapos ang ilang linggong pamamalagi sa buwan ay sa wakas naging handa ring bumaba si Regiena sa daidig upang tapusin na ang laban at gawin ang kanyang misyon bilang Tagapagligtas. Pinag- aralan niyang mabuti ang lahat ng nakasulat sa upuan. Marami rin siyang nasirang bato at kalupaan sa buwan upang mapag- aralan ang kanyang kapangyarihan bilang babaylan. Walang pakialam sa kanya ang ama. Pinapanuod lang siya nito.

Sina Angela, Santi at Santo sana ang una niyang hahanapin at tatanungin ang lagay ni Jelor ngunit ang lalaking kanyang pinakamamahal ang sumalubong sa kanyang pagbabalik sa Maldives.

"J- jelor? Narito ka pa rin?" Tanong niya rito. Saka siya nagtatakbo upang yakapin ito.

"Syempre naman hinintay ko ang iyong pagbabalik." Bigla nalang ito humiwalay sa kanya.

"Oh bakit?" Tanong niya rito at siya naman ang lumayo. "Napakagandang pagtanggap naman 'nun Satanas. Ikaw pa talaga ang sumalubong sa akin."

Hindi siya nagkamali kaya ito lumayo dahil sa kakaibang basbas na binigay niya sa kanyang katawan na hindi siya madidikitan ng mga kampon ng kadiliman lalong higit si Satanas. Nagbagong anyo na ito. Bumalik sa orihinal nitong pagkatao.

"Oo naman Tagapagligtas. Gusto kong ako mismo ang magsabi sayo na nakaligtas ang pinakamamahal mo sa init na kanyang pinagdaanan para lang maihatid ka sa buwan." Ngumiti ito. "Pero pinaslang ko na ang kanyang katawang lupa. Ang kaluluwang naipit sa lupa na iniibig mo ay wala nang katawang babalikan. Hahaha!"

Nanggalaiti siya sa narinig. Namuo ang luha sa kanyang mga mata. Pinigilan niyang tumulo iyon. Simula na ng laban at wala na siyang planong umurong pa. Hindi niya sasayangin ang pagbubuwis ng buhay ni Jelor. Bibigyan niya iyon ng katarungan. Umaasa siyang mapupunta pa rin ang kaluluwa nito sa langit. Hindi na siya tulad ng dati. Buong- buo na ang kanyang loob.

"Bilang sinalubong mo na rin naman ako Satanas. Gusto mo bang dito na natin tapusin ang laban?" Paghamon niya rito.

"Hindi ka man lang ba makikipagkita sa mga kasamahan mo? Hahaha! Wala man lang ba kayong planong bubuuin upang labanan ako?"

"Hindi na kailangan. Kaya kitang tapusin ngayon din. Ibabalik na kita sa impyerno. Sisiguraduhin kong hindi ka na makakatapak pa sa lupa kahit na kailan."

Nagbago ang itsura nito. Halatang nainis sa kanyang mga sinabi. "Masyadong malakas ang loob mo Regiena. Kung naisahan mo ako noon sisiguraduhin kong hindi na ngayon. Kung laban ang nais mo pwes ibibigay ko sayo. Susunugin kita at walang alaala ang iiwan ko."

"Puro ka dada Satanas. Laban na!"

..........

Nagpadala ng hudyat si Regiena kina Angela. Ito na raw ang bahala kay Satanas. Ang kailangan nilang gawin nila Santi at Santo ay magtungo sa Vatican at kalabanin ang mga kampon ng hari ng kasamaan. Kailangan nilang mapaghina ang pwersa nito.

Hindi na sila nagdalawang isip pa. Alam nilang si Regiena ang nagpadala ng mensahe dahil sa kakaibang puting kapangyarihan na bumabalot sa mensaheng iyon. Nagtungo na sila sa St. Peter's Basilica upang isakatuparan ang kakaibang plano.

"Wow! Talagang nagtungo kayo rito at hindi niyo tinulungan ang Tagapagligtas ninyo huh?" Si Lilith ang bumungad sa kanila. "Hinihintay niyo talaga ang inyong katapusan no mga kaluluwang naipit sa lupa. Ibibigay ko 'yun sa inyo. Dement?"

Si Dement ang unang pinasugod ng reyna ng kasamaan.

"Sandali lamang Dement." Pagpigil niya rito. "May nais kumausap sa iyo."

Isang babae ang lumitaw sa kanyang likuran. "Siya po ba si Dement?"

"Siya nga." Tugon niya. "Naaalala mo pa ba si Maria, Dement?"

AN ANGELIC REVENGETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon