Chapter 70

20 0 0
                                    

Chapter 70

Nagsimula na nga ang pansamantalang pagpapanggap ni Angela bilang si Regiena sa St. Peter's Basilica na pinamumunuan na ng walang iba kundi ang Hari ng Impyerno at ngayon ng lupa na rin na si Satanas.

Sumama siya kina Paris, Lilith at sa tatlong demonyo nito upang magbigay pugay kay Satanas na nasa altar ng simbahan. Kinakabahan siya dahil baka mabuko siya nito. Gayunpaman ay nilakasan niya ang kanyang loob. Maaaring anumang oras ay gumawa ng hindi kanais- nais si Paris at ilantad ang kanyang lihim. Huminga siya ng malalim. May tiwala pa rin siya sa Diyos na nasa langit at hindi magbabago 'yun kahit na sa mga ganitong sitwasyon na tila ba wala nang pag- asa. Inalis niya ang mga iniisip niya upang hindi iyon mabasa ng sinumang naroon.

"Labis kaming nalulugod Panginoong Satanas, mahal kong Satanas." Panimula ni Lilith. Nangingilabot siya habang pinapakinggan ito. "Sa wakas makakapamalagi na tayo rito sa lupa. Sa wakas tayo na ang may kontrol nito. Ikaw na ang Panginoon. Natalo mo na ang Diyos ng langit at ng mga tao. Mabuhay ka Panginoong Satanas!"

"Mabuhay!" Sigaw ng mga demonyo at ni Paris na kahanay lamang niya. Yumuko siya ng mabuti upang hindi mapansin na hindi siya sumasabay.

"Maraming salamat mahal kong Lilith at sa inyo aking mga alagad." Naglakad ito palapit sa kanya. "Maraming salamat din sa iyo Regiena dahil naging kapanalig ka namin. Natupad ang propesiya dahil sa iyo. Hindi ka naging balakid sa akin. Ikinagagalak kong makatrabaho ka."

Huminto ito sa pagsasalita. Tila naghihintay ito ng tugon mula sa kanya. Nabalot ng katahimikan ang simbahan. Sila na lamang ang naroon. Nagsipag- alisan na ang mga tao.

"Ikinagagalak ko po ito Panginoong Satanas." Tumugon na siyang upang hindi siya mahalata. Kailangan niyang mapanindigan ang pagpapanggap na Regiena hanggang sa makabalik ito.

Muling naglakad si Satanas. Pumanhik itong muli sa altar. Nakarinig siya ng lagaslas. Tumingala siya upang tingnan iyon. Laking gulat niya nang makitang sinunog na pala nito ang krus ni Jesus at ang iba pang mga rebulto sa loob ng simbahan. Tumatawa ito hanggang sa maging abo ang lahat ng iyon.

"Wala na ang Diyos ng mga tao! Wala na ang mga rebulto at simbolismo ng Kristiyanismo sa mundo! Apoy na ang bagong sasambahin ng mga tao! Sa paghayo ng mga taong nanggaling sa itim na misa at ng lahat ng myembro ng Illuminati ay mabilis nating mapapalaganap ang mga bagong utos! Ang aking mga utos! Hahaha! Mamumuhay na ang mundo sa kasamaan! Lahat ng mahihina at patuloy na sasamba sa kanilang Diyos sa langit ay mamumuhay naman sa takot at pangamba! Mararanasan ng lahat ng Kanyang mga nilikha ang impyerno sa lupa! Hahahaha!"

Nagtagis ang kanyang bagang sa mga narinig.


All my friends tell me I should move on
I'm lying in the ocean, singing your song
Ahh
That's how you sang it

Loving you forever can't be wrong
Even though you're not here, won't move on
Ahh
That's how we played it

And there's no remedy for memory, your face is like a melody
It won't leave my head
Your soul is haunting me and telling me that everything is fine
But I wish I was dead

Every time I close my eyes, it's like a dark paradise
No one compares to you
I'm scared that you won't be waiting on the other side
Every time I close my eyes, it's like a dark paradise
No one compares to you
I'm scared that you won't be waiting on the other side

All my friends ask me why I stay strong
Tell 'em when you find true love, it lives on
Ahh
That's why I stay here

AN ANGELIC REVENGETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon