XL. Dinner with the Devil

55 2 0
                                    

Para akong nabunutan ng tinik nang makapasok ako sa boarding house. Well, hindi ako sa likuran ng bahay pumasok. Talagang sa front door ako ng bahay kasi mas madali.

Napahinga ako nang maluwag at napaupo sa sahig. Muntikan na yun. Buti nalang naging mabilis ako. Nilingon ko yung mga pinamili ko. Paniguradong nahulog yung iba dahil sa kakatakbo. Napapikit nalang ako. Mabuti nalang talaga't naligaw ko siya.

"Hija? Okay ka lang?" tanong nung landlady sa akin.

"Ahh... Opo!" agad akong tumayo at inayos yung sarili. "Ayos lang po ako."

"Para kasing may humabol sa'yo," napahinto yung matanda saka napakurap. "Jusko! Hinabol ka ba sa mga taong nilayasan mo?!"

Agad nanlaki yung mga mata ko sa sinabi niya. Saan niya naman nakuha 'yun?

"Hindi po... A-Ahh... Hinabol po ako ng aso. Yun!" palusot ko.

Alam ko namang hindi ako magaling magsinungaling pero may magagawa pa ba ako?

"Hay naku! Talagang hindi nakikinig 'yang mga kapit-bahay. Matagal ko na silang sinabihan na itali yung mga alaga nilang aso," reklamo niya.

Pilit akong ngumiti. "Huwag po kayong mag-alala. Okay lang po talaga ako."

I feel sorry for the dogs. They were accused. Wala lang naman silang ginawa. Talagang naubusan ako ng palusot at yun talaga yung lumabas sa bibig ko.

Naubusan nga ba? Well, hindi lang talaga ako marunong magsinungaling. Buti nalang kumagat siya sa lame kong palusot.

"Osya! Sige. Malapit na pala ang hapunan. Dito ka nalang kaya kumain?" aya niya.

I peeked outside the window. Maggagabi na pala. Hindi pa ako nakasaing at nakaluto ng ulam. Isa pa,  gutom na talaga ako. Mula kagabi, hindi pa ako kumain. Nakarating kasi ako dito ay hapon na. I had a hard time maneuvering the yacht. Talagang nahirapan ako. Nakalimutan ko na ngang kumain.

"Huwag ka nang tumanggi! Umuwi yung apo ko. Minsan lang yun umuwi," sabi niya.

"Naku po! Okay lang po talaga ako. Tsaka baka madisturbo ko po kayo sa bonding time ng apo niyo."

"Hija, samahan mo nalang kami. Ano nga yung sinasabi ng mga kabataan ngayon? 'The more the merrier'? Yun! Kaya wag ka nang tumanggi. Saka, refusing an offer is an insult."

Napayuko nalang ako at bumuntong-hininga. As much as I want to, ayokong masira yung lola-apo bonding time nila. Pero dahil mapilit siya, sige.

"Sige po," lingon ko sa kanya.

Lumiwanag yung mukha niya matapos marinig yung sagot ko. Pumalakpak siya saka tumalon-talon.

"Yes! Tara puntahan natin apo ko," sabi niya saka niya inangkla yung kamay niya sa braso ko.

Naguguluhan akong nagpatianod sa hila niya. "Saan po tayo pupunta?"

"Sa kusina. Nandun yung apo ko. Nagluluto. Kapag bumibisita 'yan sa akin, sagot niya yung pagkain. Depende yan kung bibili siya or siya mismo ang magluluto."

Napatango nalang ako. That's good to hear. Not all grandchildren cooks for their grandparents. Mabuti naman at may bumibisita sa kanya dito. Mukha kasing mag-isa lang siya dito sa malaking bahay kasama yung mga pusa niya.

Nung narating namin yung kusina ay agad bumungad sa amin ang isang lalaki na nakatalikod. Mukhang nagluluto nga.

"Apo, ito mga pala yung bagong boarder natin!" sabi nung matanda.

Parang nags-slow motion yung paglingon ng lalaki sa direksyon namin. Agad nanlaki yung mga mata ko nang magtagpo yung mga mata namin. Nagulat din siya nung makita niya ako pero agad nakabawi. Madali itong napalitan ng isang nakakainis na ngisi.

The Legacy (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon