XXXVI. Long Live the King

58 2 0
                                    

"Good morning," masiglang bati sa akin ng isang reaper paglabas ko ng bahay.

"Good morning," bati ko pabalik. Naguguluhan man ay nagawa kong ngumiti.

Maganda yung gising ko. Knowing what happened yesterday, I should be tired. Pero mukhang puno ako ng energy ngayon. Ewan ko lang kung bakit.

"Good morning," magkakasunod-sunod na bati ang bumungad sa akin pagkadating ko training grounds.

This feels so new to me! Lahat kasi ng reaper na makakasalubong ko ay bumabati. I'm sure that this has something to do with me being the August. I'm just not used to it.

"Good morning, m'lady," someone greeted from behind.

Hindi ko maintindihan yung pagkabog ng dibdib ko. Naalala ko lang yung nangyari kagabi, di ko mapigilan ang ngumiti. Nakangiti kong nilingon si Cato at bumati.

"Good morning Cato!" I greeted with a wide smile.

Kumunot yung noo niya saka napangiti.

"What's with the smile?" tanong niya.

"Wala lang," I smiled. "Maganda lang gising ko."

Napailing lang siya ang messed my hair.

"How was your first day, my August?" tanong niya and then he bowed.

Nanlaki yung mga mata ko saka siya hinampas ng mahina.

"Hoy! Ano ka ba? Tumayo ka nga d'yan ng maayos."

"Why?" natatawa niyang tanong. "I'm supposed to bow down in front of my August."

"You don't have to do that. You're my friend tsaka ayokong yuyuko ka sa akin."

"Right," biglang nawala yung sigla sa mga mata niya. "Your friend."

Natuptop ko yung bibig ko nang mapagtanto ko kung ano yung nasabi ko. Ang careless careless ko talaga! I mentally slapped my face.

"Cato..."

"No," tipid niyang ngiti. "It's fine. I know my line."

I suddenly feel bad. I made him upset and I'm blaming myself to the core. Hindi ko naman intensyon na saktan siya. I chose the wrong words and that was my mistake. I didn't mean to make him feel that way.

Naging awkward yung paligid namin— parehong nasa magkabilang direksyon yung mga mata habang magkaharap.

Napabuntong-hininga nalang ako saka yumuko. I breathed deeper saka ako tumingala para humarap kay Cato.

"I'm sorry," buong tapang kong paumanhin.

He sighed before meeting my eyes.

"I'm not angry. Please don't misunderstand," he smiled weakly.

"Hindi. Kasi—"

He cut me off.

"Via, I told you. I'm fine," inilagay niya sa magkabilang balikat ko yung mga kamay niya, putting some weight into it. "Hindi ako galit. Maybe upset pero hindi ko kayang maging awkward tayo, okay? I know that you can't reciprocate the way that I feel towards you, but that's okay."

Naluluha ko siyang tiningnan. What did I do in my past life to have you by me?

Hindi ko napigilan ang sarili kong yakapin siya. I felt him froze when I hugged him. It took him a few seconds  bago niya ako niyakap pabalik. Ibinaon niya yung ulo niya sa leeg ko.

He's the most kind-hearted person I've ever met. Ni minsan hindi niya ako iniwan mag-isa. Palagi siyang nasa tabi ko sa puntong nasanay na ako na nasa tabi ko siya palagi. Ang kinatatakutan ko ay darating yung panahon na aalis siya sa tabi ko at maiwan ulit akong mag-isa. Siya yung sandalan ko sa lahat ng bagay magmula nung dumating kami dito. I don't know what will happen to me if I lose him.

The Legacy (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon