"Hoy, Cato." Siniko ko si Cato sa tabi ko. "Pansinin mo na yun 'o. Kanina pa yun nagpapansin sa'yo." Turo ko dun sa bakla.
Nasa field kami ngayon. Kasama namin yung mga reapers na nag-eensayo dito. Nakalinya kami at nasa tabi ko si Cato. Nakatayo lang din kami kasi hindi kami binibigyan ng mauupuan. It's part of our training. Kahit anak ako ng nagmamay-ari nitong training grounds, wala akong special treatment. We were all treated the same. Pwera nalang kung bibigyan ako ng special lesson ni Anna.
"Tumigil ka nga. Nandidiri ako!"
"Ayy. Homophobic?"
"Hindi naman sa ganun. I support LGBTQ+. Kaya lang ang creepy kaya. Tingnan mo nga siya."
Nilingon ko yung bakla na nasa malayo pero nakay Cato pa rin yung tingin. Ay! Ang beki nagpapakyut! He's constantly batting his eyes at Cato.
Err. Cringy.
"Ano ka ba. Parang bago naman 'yan sa'yo. Marami nagkakagusto sa'yo dito at ganyan din yung mga ginagawa nila." Bulong ko.
"Pero bago nga ito sa akin! First time kong makatanggap ng confession mula sa bakla. It brings shivers down my spine." Bulong niya pabalik.
"He's just an admirer. Hindi naman ibig sabihin nun jojowain mo siya. Pansinin mo nalang. Ngitian mo!"
"No way."
"Sige na. Bakit ba sobra kang apektado? Hindi kaya.... Omgee."
"Olivia..."
"May gusto ka din sa kanya?!"
"Fuck it! No! Wala akong gusto sakanya!"
Napalingon sa amin yung ibang reaper kaya agad akong humingi ng tawad. Binalik ko yung tingin ko kay Cato at ang sama ng mga tingin niya sa akin!
"What?" Maang-maangan ko.
"Bawiin mo yung sinabi mo."
"Ano ba ang sinabi ko?"
"Yung sinabi mo kanina."
"San dun? Yung may gusto ka nga sakanya?"
Nagtiim-bagang siyang tumingin sa akin. Matatakot na sana ako pero tinuruan ako ni Mama kung paano tagalan yung masasamang tingin na ibinabato sa akin. Dapat hindi mo pinapakita yung totoong nararamdaman mo.
"At inulit mo pa."
"Yung--"
"Hep!"
"Ano?"
"'Wag mo nang ulitin"
"Ang ano nga? Yung--"
"Sinabing 'wag mo nang ulitin."
Nginitian ko siya ng sobrang tamis habang asar na asar na siya sa akin. 'Yan nga. Maasar ka sa akin.
"Hindi ko na uulitin." I paused at bumuntong-hininga naman siya. "Unless ngingitian mo siya."
My smile widened while he frowned. Wala na siyang magagawa kundi ang sundin ako. Kung ayaw niya akong sundin edi maaasar talaga siya.
Pikon masyado.
"You win this time." He surrendered at dahan-dahang nilingon yung bakla. Para namang himatayin yung bakla nung lumingon sa kanya si Cato. He did fell hard. Nakakatuwa lang.
"Smile..." I whispered to him.
Napilitan siyang ngumiti sa bakla. Namilog yung mga mata nung bakla at akmang titili na sana pero pinigilan niya yung sarili niya. Hindi kasi pwede dito ang pagiging malambot. For short, bawal ang babakla-bakla. Wala siyang nagawa kundi ang pagpigil-kilig. Namumula na yung mga pisngi niya pati yung mga tenga niya.
BINABASA MO ANG
The Legacy (COMPLETED)
Fiksi RemajaI thought I was the type of girl perfectly described as a beautiful garden on a hillside next to the sunset. The type where I bloom everyday with peace and elegance. But, boy am I wrong. The thought of me being fragile is so far from me being a bloo...