"What is he doing?"
Agad akong lumingon sa likuran ko at bumungad sa akin yung nangungunot na noo ni Cato habang nakatingin kay Noah na nasa tubig.
"He said he wants to compete with you in swimming. It's a total nonsense," sagot ko.
Hindi ko alam na makikita ko itong side ni Noah ngayon. Yung mga bagay na hindi ko akalaing magagawa niya ay ipinakita niya sa akin. Hindi naman sa pag-a-assume pero ramdam ko na nagseselos talaga siya kay Cato. He started acting like that when Cato arrived. Mabuti nalang talaga at mature kung mag-isip si Cato.
"Why would he do that?" naguguluhang tanong niya.
"Exactly! Bakit nga ba gusto niyang makipagkompetensya sa'yo 'e hindi na naman kayo bata," I pointed out.
Nagulat nalang ako nang biglang hinubad ni Cato yung damit pantaas niya. Bumilog yung mga mata ko sa nakita. Oh gosh! Huwag mong sabihin...
"Hoy! Ba't ka naghuhubad? Isuot mo 'yan!" sigaw ko sa kanya pero ngumisi lang siya.
Tinakpan ko yung mga mata ko gamit yung palad ko. I never saw him naked before kaya nakakapanibago. I always see him in lab gowns and polo pero never half-naked. Naninibago ako!
"Don't cover your eyes," I heard him chuckled. "Baka hindi mo na ulit makikita ang mga pandesal ko."
Hinawakan niya yung mga kamay ko saka inalis yung pagkatakip sa mata ko. I was taken aback by his well-defined muscles! Ang ganda din ng katawan niya! Hindi nalalayo kay Noah.
Ramdam ko na parang natagalan akong nakatitig sa abs niya kaya agad kong itinaas yung paningin ko.
"Are you accepting his challenge?" hindi makapaniwala kong tanong.
I can't believe this! Kampante ako na hindi siya kakagat sa hamon ni Noah pero mukhang nagkakamali ako. Anong nakain niya? Hindi ko ito inakala!
"You know what's important between us, men?" tanong niya.
Napabuntong hininga nalang ako. Tama siya. Isang bagay na kokompleto ng isang lalaki.
"Men and their ego," sagot ko.
In short, ayaw nilang magpapatalo kahit gaano pa 'yan na walang kwenta. They fight against each other.
"Correct," sagot niya. Hinubad niya yung pantalon niya leaving him with his boxers. Napairap nalang ako sa kawalan.
"Cato, 'wag na. May mga sugat ka na't lahat pero naisip mo pang pumatol sa kalokohan ni Noah? Okay ka lang?"
"M'lady, if it's you whom I'm fighting for, then it'll be worth it."
Hindi na niya hinintay yung isasagot ko. Diretso siyang tumakbo papalapit sa tubig. Bumaba yung magkabila konh balikat. I can't do anything to stop him. Magmumukha silang tanga. Akala ba nila mai-impress ako kung sino ang mas magaling lumangoy? Huh! Ang babaw ko naman kung ganun.
Umupo nalang ako sa buhangin habang nakatanaw sa kanila. Nasa malalim na parte na sila pero parang wala lang yun sa kanila. Bahala na sila. Matatanda na ang mga yun. Kung may pating man ay bahala na din sila. Pinasok nila yung sarili nila diyan.
Napag-isipan ko nalang ang bumalik sa sasakyan. Bahala na silang maglaro dun. Hindi naman ako yaya para bantayan sila.
Agad akong pumasok sa loob ng sasakyan saka umidlip. I never had sleep ever since I left the Grounds. I'm not depriving myself, sadyang hindi lang talaga ako makahanap ng oras para matulog. I was busy running away from death. Who would thought of sleeping?
"Baby, wake up."
"Baby? Psh. Ang korni."
"E ano ang tawag mo sa kanya?"
"In a classy way. Aherm. M'lady, wake up."
"That's really cringe."
"It's romantic."
Naalimpungutan ako sa dalawang boses na parang mag-asawang nagbabangayan. This scenario was somewhat familiar. Dahan-dahan kong dinilat yung mga mata ko na agad ding sinulubong nina Noah at Cato na nakangiti.
"You missed it," Cato pouted.
I rubbed my eyes before sitting properly. Naniningkit yung mga mata kong nilingon sila.
"I missed what?" tanong ko.
Halos magkasabay silang bumuntong-hininga at umiling.
"You're suppose to choose who swam the best," sabi ni Noah.
"But instead you slept," pagmamaktol ni Cato.
Nahilot ko yung sintedo ko. They are upset because of that? Ang simpleng bagay naman.
"I don't see why I should choose," bahagya kong nilingon si Cato. "Sabi ko naman sa'yo, diba? It's a total nonsense." Lumingon din ako kay Noah. "And it was childish."
"It wasn't!" kontra ni Noah. "It was a way to know if who's the best."
"I agree with you, m'lady, that it was childish, but Noah is also right," kontra sa akin ni Cato.
"A competition to get me? What am I? A trophy? Ulol! Mabuti pa't kumain nalang muna tayo. I'm famished!"
Nagkapalitan ng masamang tingin yung dalawa saka tumalikod at umupo na. Napailing nalang ako. Mabuti nalang din at nakinig sila sa akin this time.
"Baby, dito ka umupo sa shotgun," sabi ni Noah.
"Hindi. Dito ka lang sa tabi ko, m'lady," kontra naman ni Cato.
And then again, nagkapalitan ulit sila ng masamang tingin. I groaned in frustration. Kelan pa ba sila matatapos nito? They're already bickering!
Lumabas ako ng sasakyan na siyang ikinatahimik nila. Ramdam ko ang mga titig nila, sinusundan ako. Umikot ako then stopped in front of the door where Noah is sitting, the driver's seat. Agad ko itong binuksan at sumalubong sa akin ang naguguluhang mukha ni Noah.
"What?" tanong niya.
"Out. I'll drive," utos ko.
"No you can't," sagot niya. "Hindi ko pinapamaneho ang sasakyan nang kahit sino lang."
"So, isa ba ako sa mga taong kahit sino lang?" matigas kong tanong.
It caught him offguard. He opened his mouth to say something but nothing came out. Yumuko siya saka bumuntong-hininga.
"Ano? Aalis ka o ako ang aalis?" tanong ko.
Agad siyang nagtaas ng tingin habang bumibilog yung mata.
"Out," utos ko ulit.
He frowned and went out. Tinuro ko sa kanya yung pintuan ng backseat na padabog naman niyang binuksan. Pumasok na ako sa loob. I started the engine and fixed the mirror. Nilingon ko sila sa likuran na nakatingin sa magkabilang direksyon habang nakasimangot. Binalik ko nalang sa daan yung atensyon ko at sinimulan ang magmaneho. Gutom na talaga ako and I'm fiestier when hungry. 'Wag lang silang magkamaling galitin ako.
BINABASA MO ANG
The Legacy (COMPLETED)
Teen FictionI thought I was the type of girl perfectly described as a beautiful garden on a hillside next to the sunset. The type where I bloom everyday with peace and elegance. But, boy am I wrong. The thought of me being fragile is so far from me being a bloo...