XLII. Pawn

46 2 0
                                    

"Bilisan mo!"

"Ito na nga!"

Inis kong isinuot yung dress na ibinigay ni Kenjie sa akin para suotin. Hindi ko kasi agad nasuot kasi kanina ko pa ito minamasdan. Paano ba naman e sobrang expose ng back ko. I do wear clothes that shows some skin pero grabe naman 'to. Ang taas pa naman ng slit.

Inabot din niya sa akin yung shoes na susuotin ko pati yung mga alahas. Hindi ko alam kung anong klaseng party yung dadaluan namin. I hope that it doesn't involve the Mafia. Hindi pa ako handang harapin sila.

On second thought, it would be better to meet them earlier. Sa ganun ay malalaman ko kung sino yung makakaharap ko. Through that I may know who I'm against with. Kung ano yung itsura nila.

Matapos kong makapagbihis ay tiningnan ko yung sarili ko sa salamin. Okay na sana pero wala akong make up sa mukha. Napasimangot nalang ako.

I do know how to put make up on, pero hindi ako confident sa skills ko. Basic lang yung alam ko at paniguradong hindi yun babagay sa suot ko at sa party na dadaluhan namin. Si Anna kasi yung taga-make up sa akin. Gaya ng sabi ko noon, siya yung make up artist slash hair stylist.

Nakasimangot kong binuksan yung pinto. Bumungad naman sa akin ang naiiritang mukha ni Kenjie.

"Are you even for real?" hindi makapaniwalang tanong niya. "What took you so long? Wala ka namang make up."

He glared at me like time was the most precious thing to him. I rolled my eyes heavenwards.

"The dress is uncomfortable, tsaka hindi ako marunong mag-make up," yuko ko.

"Seriously?"

Tumango lang ako. Sinabunutan niya yung sarili bago huminga ng malalim. Mukhang pinipigilan niya yung sarili na saktan ako.

Nilingon niya ako at magsasalita na sana nang biglang tumunog yung phone niya. He fished his phone from his pocket and answered the call.

"Freya... I thought you're not coming?" pinasadahan niya ako ng tingin bago ibinalik sa kawalan yung mga mata niya. "I don't need you anymore. I already found a date."

Ang bastos naman magsalita nito! I don't need you anymore. That is so inappropriate and very childish thing to say. It's like you are only acknowledged when they want something from you.

"Teka lang, I need you pala," he paused. "Bring your make up thingy with you. I'll text you the address."

Hindi na siya nagpaalam sa kausap niya at diretsong binaba yung tawag. He's really rude. I bet the person he was talking to was suppose to be his date. Unfortunately, Kenjie chose me to be his date— which I'm not happy about.

Bigla nalang niya akong tinalikuran at  naglakad papalayo— hindi humihinto.

"Teka lang, saan ka pupunta?" sigaw ko sa kanya.

He stopped on his tracks and sighed. "We're going. Are you expecting me to escort you out?" he asked still not facing me. "Huh! In your dreams Einstein," he then continued walking.

Hindi ako makapaniwalang napatawa. Wow ha! Siya pa nga 'tong may kailangan sa akin tapos siya pa 'tong may ganang pakitunguhan ako ng ganyan? Ang galing naman!

Baba balikat ko siyang sinundan. Huminto siya sa harap ng isang itim na sasakyan saka pumasok. Namangha naman ako sa nakita. He can drive? Of course he can. He's a mafia. He needs a car for runaway.

Hindi na ako naghintay sa kanya na pagbuksan ako. Kusa akong pumasok sa loob ng sasakyan niya. Saktong pagsara ko pa ng pinto ay agad niyang pinaharurot yung sasakyan.

The Legacy (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon