I am still assessing the necklace I was wearing. Ano ba ang meron dito? Bakit niya ito binigay sa akin? I've got a lot of questions but I chose to set it aside, for now.
"O-Olivia, right?" tumingala ako at bumungad sa akin ang isang pamilyar na babae.
"Yes. Can I help you?"
"S-Salamat nga p-pala kanina" nakayuko niyang sabi. Naalala ko siya. Siya yung babaeng nabully. Naalala ko siya dahil sa kulot niyang buhok.
"Kkaren, right?"
"O-Oo" she stuttered.
"You're welcome." Nginitian ko siya. "Umupo ka muna" Hindi siya nag-alinlangang umupo sa harap ko. Nasa library kasi kami ngayon kaya tahimik yung paligid. Wala ding masyadong estudyante na pumupunta dito. Hindi na ako magtataka. Mukhang ako lang ang palaging bumibisita dito kapag vacant.
Hindi ko natuunan ng pansin yung binasa ko dahil nagsimula na kaming magkwentuhan ni Kkaren. She's not that bad. Masaya naman pala siyang kasama, malayong-malayo sa sabi nila na boring. Huminto ako sa pagsalita nang may kumalabit sa akin.
"Let's go" bumungad si Chen sa akin na sobrang atat. Okay? Anong meron?
"Where?"
"Sa field"
"Bakit? Anong meron sa field?" Oh no. Don't tell me may patayan na magaganap dun?
"May maglalaro ng football kaya tara na bago pa magsimula." Hindi pa nga ako nakasagot ay hinila na niya ako. Naalala ko si Kkaren na kausap ko kanina kaya huminto ako.
"What's wrong" kunot-noo niyang tanong.
"Kasama ko si Kkaren" sabi ko sabay turo kay Kkaren na nakaupo. "Wala siyang kasama." Lumukot naman yung mukha niya.
"No. Okay lang Via. Sumama ka na sakanya, sanay naman akong mag-isa 'e" sabi ni Kkaren. Naawa naman ako. Sanay na siyang mag-isa? She must be so lonely being alone.
"Narinig mo yun, diba? Kaya tara na!" Without waiting for my answer, kinaladkad na ako ni Chen palabas ng library. Hindi ko tuloy nahiram yung librong kailangan ko. Tsk.
Bakit ang hilig ng magkakapatid na ito ang manghila? So weird.
Pagdating namin sa field bumungad sa amin ang hiyawan. Hindi na ako magtataka, kung makakakita ka ng nga estudyante na nagkukumpulan, asahan mong maingay sila sa kakahiyaw.
"Excuse" sabi ni Chen sa mga taong nadadaanan namin. Harsh. Wala bang please?
"Hey Stein! Didn't expect you to be here!" Napahinto sa paglakad si Chen at hinarap yung lalaki. Ang taas niya tsaka malaki din yung katawan niya. He's good-looking but not my type. Mukhang babaero.
Napansin ko ding paika-ika din siyang lumakad. May benda din siya sa bandang ulo.
"I'm not talking to you" matigas na sabi ni Chen at nilagpasan yung lalaki.
"Hey, hey, is this about yesterday? Look, walang personalan. I was just following my urges as a man"
"Perv!" At dahil dun nakatanggap siya ng suntok mula kay Chen. The side of his lips is bleeding. Matataranta na sana ako ngunit parang wala lang sakanya yung suntok. He chuckled like it was nothing!
"Still playing hard to get eh?" Sabi nung lalaki ngunit napahinto siya nang makita niya ako. "And who's this beautiful creature?" He asked as he roam his eyes all over my body. I instinctively cover my body with my hands.
"Back off, Rodriguez" sabi ni Chen. Rodriguez? Parang familiar.
"What? You--" napahinto siya na para bang may nag-sink in sa utak niya. He then grins. "Kaya pala ayaw mo sa akin, kasi babae ang gusto mo? Damn Gretchen. Hindi ko akalaing tomboy ka pala"
BINABASA MO ANG
The Legacy (COMPLETED)
Teen FictionI thought I was the type of girl perfectly described as a beautiful garden on a hillside next to the sunset. The type where I bloom everyday with peace and elegance. But, boy am I wrong. The thought of me being fragile is so far from me being a bloo...