XXVIII. The Grounds

60 6 0
                                    

Two weeks. Two weeks kaming nananatili sa islang ito. At ano ang ginagawa namin sa loob ng dalawang linggo? Training. Puro pasa na nga yung katawan ko ngayon. Kung sa bagay, ito naman yung pinunta namin dito.

Nung una, nagmamakaawa ako kina Mama na umuwi na kami. Sobrang sakit ng dinanas ko dito, as in! Akala ko  makakaya ko lahat ng obstacles na inihanda nila sa akin pero hindi pala. Ang hirap!

Fist fight yung unang tinuro sa akin. First teacher ko? Si Anna. Magaling kasi siya sa pakikipagsuntokan. Tinuruan niya din ako kung saan dapat tatama yung suntok ko. Kung paano ako tatayo. Ang harsh nga lang ni Anna. I thought she would go easy on me since she's like my sister. Nagkamali ako.

"Harder!"

'Yan yung palagi niyang sinisigaw niya sa akin kapag sobrang hina ng mga suntok ko sa punching bag.

Hindi kaya ako sanay!

Pangalawang tinuro sa akin ay yung pagiging alerto. Si Papa yung nagturo sa akin. All of my senses should be open. Dapat marunong din akong makaramdam sa paligid. Importante yung pandinig ang sabi ni Papa. Dun kasi natin malalaman kung may nakabuntot ba sa atin.

Once nga akong niyaya ni Papa na maglaro. Akala ko mag-e-enjoy ako. Piniringan lang naman niya ako at pinagbabato ng tennis balls. Alam mo yung masakit? Yung pandinig mo nalang yung maaasahan mo kasi nakapiring ka. Ang sabi ni Papa na iiwasan ko daw yung nga binabato niya sa akin which is sobrang hirap!

Third was how to dismantle a gun and put it back together again. Si Tito Sky yung nagturo sa akin. Nung pinakita ni Tito sa akin kung paano yun gawin, ang dali lang pala! Ang dali lang palang tingnan pero kapag ginawa mo na ang hirap! He made it look so easy! He also put me on a timer kung ilang minuto ko yun matatapos.

I focused on how to do it at nagawa ko naman! Nag-uunahan pa nga kami ni Tito Sky kung sino ang unang makatapos.

"You're a fast learner, kid."

Komento ni Tito Sky. Naunahan ko kasi siya. Ewan ko ba kung seryoso siya dun o sinadya lang niyang bagalan yung kilos niya. Alam kasi niyang napagod ako sa training and he might thought that winning against him might motivate me. He wasn't wrong though– kung yun man iniisip niya– mas ginanahan akong magpatuloy sa pag-e-ensayo.

Fourth, Tita Ace taught me first aid. Ang sabi niya kailangan ko daw yun. Paano daw kuno kapag napuruhan ako, edi alam ko ma kung ano yung dapat gagawin ko. She also taught me different kinds of healing plants. Marami daw akong makikita sa paligid na makakatulong sa akin. In addition, she gave me an elixir that can heal any wounds. Take note, it's in gas form. How cool is that?! Nilagay siya sa isang perfume bottle and if you push it from the top, it will release the gas. All you need to do is face the pump to the wound and poof! It will heal any at any minute!

Lastly, si Mama. Sobrang galing niya sa archery. She said that she was an archer back in highschool. Natatamaan niya ang bullseye kahit nakapikit siya. Una palang nag-e-stretching kami ni Mama. Pagkatapos ng stretching ay tinuruan niya ako kung paano hawakan yung bow. Mabigat siya. Mas matangkad pa nga sa akin pero kinaya kong buhatin. I tried a lot of times to hit the bullseye but failed.

Pagkatapos ng archery, Mama taught me how to shoot. Mas komportable ako sa baril keysa bow and arrow. Magaan kasi siya at madaling bitbitin. And I must say that I learned faster in using the gun compared to the bow and arrow. Tumatama naman ako sa dapat tamaan pero hindi yung bullseye.

The Legacy (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon