"Babe! Ito bagay sa'yo!" my friend, Anna, handed me a black dress. My face crumpled when I saw its color."Black?! Ew, I hate black. I want pink or pastel."
"You hate black? Eh halos black nga yung mga gamit ng parents mo 'e! Pati yung mga sinusuot nila araw-araw black. Seriously parang nilalamayan sila araw-araw."
"Hey! Walang kinalaman ang fashion sense ng parents ko dito okay? Tsaka hindi naman dahil sa black ang gusto nila black na din yung gusto ko, diba?"
"Fine," she rolled her eyes heavenwards.
Nagpatuloy lang kami sa paghahanap ng masusuot para sa Acquaintance Party ng school namin. Next month pa naman yun pero napag-isipan namin na bumili agad ng masusuot. Hindi masyadong excited?
Medyo natagalan kaming pumili kasi nga mapili ako. Gusto ko perfect! Para naman ako yung Eye catcher of the night, diba? We decided to go home after that. Magkapit-bahay lang kami ni Anna so sabay na kaming umuwi.
"Saan ka'yo nanggaling?" bungad sa amin sa ama niya.
"Tito Sky!" I beamed at him.
Binaba ni Tito Sky yung sigarilyo niya at humarap sa amin. Mukhang galit na ito.
"Alas syete na ng gabi," halukipkip niya.
Tinulak ko si Anna paharap kay Tito Sky na nag-aaso na sa galit.
"P-papa, may binili lang kami ni Via," paliwanag ng kaibigan ko.
"Diba sabi ko naman sa inyo na hindi kayo pwedeng magpapagabi?"
"Ano ba Sky ang laki ng bunganga mo!"
Lumabas si Tita Ace sa bahay at sinuway si Tito Sky-- kakambal niya. Ibinaling naman agad ni Tita Ace yung atensyon niya sa amin.
"Oh kids! You're here! Nakapag-meryenda na ba kayo?"
"Hindi pa Tita" sabay naming sagot.
"Meryenda? It's dinner time already!" Tito Sky snapped.
"Edi hapunan. Galit?" irap ni Tita Ace.
Pinapasok na kami ni Tita Ace sa bahay nila para kumain. Nilagay muna namin yung bags namin sa sofa bago tinungo ang dinner table. Agad kaming umupo nina Anna at Tito Sky habang naghahanda naman si Tita Ace.
"Tita? Sina Mama po?" nagbabasakali kong tanong.
Ilang araw nang hindi umuwi sina Mama at Papa. Hindi ko alam kung ano yung inaasekaso nila. I'm thinking that it's more important than me. I miss them already. But I can't do anything about it.
"Via, may importanteng inaasekaso pa kasi yung parents mo. Sana maintindihan mo," pagpaliwanag ni Tita.
Magkapatid sina Tita Ace at Tito Sky and they're really good friends with my parents kaya magkapit-bahay kami. Anak naman ni Tito Sky si Anna. Walang ina si Anna for a very complicated reason which I don't know what.
"Okay lang Tita. Naiintindihan ko naman" I smiled.
"Thanks for understanding hija. Let's eat!"
BINABASA MO ANG
The Legacy (COMPLETED)
Подростковая литератураI thought I was the type of girl perfectly described as a beautiful garden on a hillside next to the sunset. The type where I bloom everyday with peace and elegance. But, boy am I wrong. The thought of me being fragile is so far from me being a bloo...