XXVII. Cato Gordon

65 4 0
                                    

My vision got blurry because of my tears. Takbo lang ako nang takbo at hindi ko na pinansin kung matumba man ako. I want to get out of here!

"Via"

Napahinto ako nang marinig ko ang boses ni Chen. Nilingon ko siya at nababasa ko yung pagkagulat at pagkalito sa mukha niya. Agad kong pinunasan yung mga luha ko at pilit akong ngumiti.

"Chen." I smiled at her. Nalimutan ko kung ano yung sasabihin ko sakanya at ano yung pinunta ko dito dahil sa nararamdaman ko. I'm out of words.

"Okay ka lang?" She asked, worried.

"Oo. Ha-ha." Pinilit kung tumawa pero halatang peke.

"What are you doing here?" She paused. "Are you crying?"

"Hindi. Napuwing lang"

"Hindi ganyan ang mukha ng napupuwing"

Marahas kong pinunasan yung mga luha ko sa pisngi ko. Nakagat ko yung ibabang labi ko kasi nagbabadya na naman yung mga luha kong tumulo. I can't tell her why I was crying. I can't tell her that I saw her brother with another girl, kissing, and it made me cry.

"N-Nagmamadali ako, Chen. See you when I see you"

"Teka, Via, wait!"

Hindi ko na siya pinakinggan at agad pumasok sa nakaparadang sasakyan sa labas ng mansyon. Nagulat si Anna nang makita ako.

"Are you fvcking crying?!"

"No. I'm not. Can you just drive?"

"I can drive and that wouldn't erase the my thought of you crying." She rolled her eyes at me and started the engine.









Kinabukasan, maaga akong gumising. Agad akong nag-empake dahil yun yung sabi ni Mama. We're leaving at wala akong alam kung saan kami pupunta.

"Via. You ready?" Sumilip si Anna sa pintuan.

"Almost"

"Bilisan mo. Ikaw nalang yung hinihintay"

Mas binilisan ko yung kilos ko saka bumaba. I don't want them to keep waiting. Madaling mapikon si Mama kapag babagalan ko pa yung kilos ko.

Sumakay na kaming lahat sa van. Si Tito Sky yung nagmaneho, nasa passenger's seat si Tita Ace, sina Mama at Papa naman ay nasa gitnang parte ng van habang magkatabi kaming nakaupo ni Anna sa pinakalikod.

"Anna, iidlip muna ako"

"Kailangan mo yun"

Pinangkunutan ko siya ng noo. "Ang ano?"

"Kailangan mo ng tulog. Halatang hindi ka nakatulog nang maayos kagabi." She sighed. "Ano bang nangyari kahapon at magdamag kang umiyak?"

"U-Umiyak? Hindi no!"

"Hindi raw, 'e kung titimbangin ko yang mga namamagang mata mo aabot 'yan ng dalawang kilo"

"Grabe naman." Ngumuso ako at kinuha yung salamin sa bag ko. "Grabe ka namang magsalita." Tiningnan ko yung mukha ko sa salamin, dun nanlaki yung mga mata ko. "Shocks! Maleta!"

The Legacy (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon