XLI. Party Date

49 2 0
                                    

"Don't worry, I'll spare your life," he said.

Pinagtitigan ko siya sa mata ngunit yung mga mata niya ay nasa tinidor na pinaglalaruan ng mga kamay niya. Parang sinasabing huwag akong magkamaling kalabanin siya.

Well, wala naman akong balak na sapakin siya. Pinigilan ko lang talaga yung sarili kasi baka maisagawa ko yung hindi plinano. Kung titingnan pa lang dehado na ako. He's a male at miyembro ng mafia.

Kataka-taka kung bakit kailangan nila yung August— ako. Although I don't see myself as one pero as of now, ako pa rin naman yung August, diba? Ano kaya ang kailangan nila sa akin?

"You're not gonna take me away? Or kill me?" tanong ko sa kanya.

Bahagya siyang ngumiti saka tumingala bago nagtama yung mga mata namin.

"You are not my target. Therefore, I have nothing to do with you. I am bound by my promise to the mafia. Susundin ko lang yung utos. Kapag pumaslang ako na hindi sinabi ng boss ay maitatawag na traydor," he said.

Mas lalo akong naging interesadong malaman ang tungkol sa Ahedres. I heard from the reapers that they are merciless. Kung may papatayin sila ay hindi mabilisan. The way they kill is brutal. Talagang iparamdam pa nila ang paghihirap bago malagutan ng hininga yung prey nila. They do it in the most cruelest and brutal way possible.

If they will know that I am the August, will chop my fingers little by little until I die? Will they torture me to the point that I'd wish that they should've shoot me instead? The thoughts gave me goosebumps.

"Hindi tulad niyong mga reapers, we are loyal and trusted. The boss would give us all his trust," he added.

"What's the difference with the reapers of the Ground?" tanong ko dito.

If I'm not mistaken, the reapers will forever be loyal to the August to the point that they would be willing to die for the August.

"Reapers are untrustworthy," sagot niya. "Akala mo totoo sila sa'yo pero ang totoo ay may hidden agenda sila. They would betray you in the most unexpected time."

Paano niya nalaman ang lahat ng ito? Una kong narinig 'yan mula kay Anna. Nung sumali ako sa Run and Gun, ang sabi niya wala siyang tiwala sa mga reapers, lalo na kay Diem. Pero may batas naman silang sinusunod, hindi ba? Gaya ng sabi ko, loyal sila sa August. Well, I guess that depends if they like the August.

"Anong ibig mong sabihin?" maang-maangan ko.

"Let's put it this way. Sa harap mo, nagtatawanan kayo. Sobrang pinaniwala nilang totoo sila sa'yo. The next thing you'll knew, they're plotting against you. That is how reapers work."

Napatingin nalang ako sa kawalan. Alam kong hindi ako dapat makinig sa taong ngayon ko lang nakilala. Pero base sa mga kilos ni Diem, hindi malayong ganun nga. Posible kayang may namumuong grupo sa Grounds para mapatumba ang August? Or worst, ang kataas-taasan?

"You look surprised. I wonder why," pagbasag ng katahimikan ng taong nasa harap ko. "Mukhang bago sa'yo ang lahat ng sinabi ko sa'yo."

Blangkong-tingin ko siyang nilingon. Hindi ako sumagot. Nakatingin lang ako sa kanya, hinihintay yung kadugtong niya.

"Are you even a reaper?" natatawang tanong niya. "The first time I met you, you were pointing your gun at me. I can't see any hesitations in your eyes— which was brave by the way— but your stance doesn't give you uniqueness. Ibang-iba ka. Kumbaga, you're nothing like a reaper."

Kumirot ang dibdib ko matapos marinig yun mula sa kanya. It's like another way of saying that I'm not intimidating enough. Hindi na nga ako mukhang reaper, yung August pa kaya?

The Legacy (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon