Nakakamatay pa rin yung mga tingin sa akin ng mga school mates ko. Pero mukhang nasanay na ako. It doesn't affect me anymore. Hindi ko na pinapansin yung mga tingin nila sa akin. Kasama ko si Chen ngayon sa cafeteria.
"Nakakainis talaga! Makakatikim talaga sa akin yung lalaking yun sa susunod na Martes" Ako yung naawa sa cake ni Chen. Kanina pa kasi niya ito sinasaksak gamit ang tinidor.
"Sino ba yan? Bakit ang laki ng galit mo sakanya"
"Si Sigmund Rodriguez kasi, muntik na niya akong magahasa kahapon. Hindi ko napigilan yung sarili ko na lumpuin siya at masaksak. Binigyan tuloy ako ng warning. That perv!"
"Sorry..." Tanging sabi ko. Feeling ko kasi kasalanan ko. Nabunot ko yung defense kaya wala kaming karapatang pumatay ng lalaki.
"Hindi mo kasalanan-" naputol yung sasabihin sana ni Chen nang may gulong nangyari.
"'Wag ka ngang humarang!"
"Ito para sa'yo"
*sampal*
"B*tch I'm gonna kill you!"
Hindi ko napigilan yung sarili ko na tumayo. Hindi naman ako chismosa but my gut told me to check it out. Hindi ko na hinintay si Chen at dumirecho sa nagkumpulan na mga estudyante. Mula sa kinatatayuan ko, nakita ko yung isang babae na may kulot na buhok. Hawak-hawak niya yung pumupula niyang pisngi. Nakayuko lang siya habang sinisigawan ng tatlong babae na nasa harap niya. Hindi ba siya lalaban?
"Sino siya?" Tanong ko sa sarili ko.
"That's Kkaren Rivera" hindi ko namalayan na nasa tabi ko na pala si Chen.
"Bakit hindi siya lumalaban? Akala ko palaban lahat ng mga estudyante dito?"
"Lahat ng estudyante dito ay palaban, maliban sa kanya"
"Why?" Naguguluhan ako. Hindi siya mapupunta sa eskwelahang ito kapag weak siya, diba?
"Tinapon siya ng mga magulang niya dito for one thing: she killed her own sister"
I gasped. She killed her own sister?! Bakit naman niya gagawin yun?
"Ang sabi nila, may sakit daw siya sa utak. Pero mukhang malabo. She looks really fine and normal. Anuman ang dahilan sa ginawa niya sa kapatid niya, sigurado akong ginawa niya lang yun for something. She's not that bad"
"Ang harsh naman ata ng mga magulang niya. This school is hell. She doesn't belong here" She doesn't belong here neither do I. Masyadong delikado ang lugar na ito para sa aming dalawa.
"Ahh!"
Nagulat nalang ako nang biglang buhusan nung isa si Kkaren ng isang malamig na tubig. That was too much!
"Oops. Sorry. Hahaha"
Kumukulo yung dugo ko sa tatlong babae. Bakit nila ginawa yun? Hindi ko napigilan ang sarili ko na lumapit sa direksyon nila. Hinarap ko yung tatlo kaya nagulat sila.
"Oh, another weakling wants to join the party" sabi nung isa kaya nagsitawanan yung dalawa niyang kasama. Nakitawa din yung mga estudyante sa paligid. Seriously hindi ba sila aawat? Walang aawat?
"Can you stop it? Wala namang ginagawang masama yung tao sainyo 'a"
Naalala ko yung araw na ipinaglaban ako ni Chen mula kay Melissa. But now, I'm the one who's going to save somebody. Someone needs my help kaya tutulungan ko siya. Hindi ko ito ginagawa para magpasikat, ginagawa ko ito dahil mukhang walang may lakas na gagawa nito. They're all bullies, what would you expect?
"Walang ginagawa? She's f*cking blocking my way!" sigaw nung nasa gitna. Siya ata yung leader.
"You can just go around her. Mahirap ba yun?" I'm trying to give her my point here pero mukhang ayaw niyang makinig.
"Kilala mo ba kung sino ang binabangga mo?" she challenged. "Ako lang naman ang anak ng isang pinakamayaman na drug lord sa Pinas. One call and you'll be dead right here, right now" she threatened.
Bigla akong natakot sa sinabi niya. Totoo kaya? Kaya niya akong ipapatay ngayon? Kahit natatakot ako hindi ko pa rin pinapahalata. I should stay strong para hindi matakot si Kkaren.
"I don't care who your dad is. Show some respect" kalma kung sabi. I should give myself a tap on the back. I was really brave on saying that one.
"I'll give you respect" she said as she steps forward, closer to me. "You're gonna get respect from me"
Oh shit!
Mukhang sasampalin niya ako! Ipinikit ko nalang yung mga mata ko at hinintay yung kamay niya na dadapo sa pisngi ko.
5 seconds
8 seconds
10 seconds
Hindi ko pa rin nararamdaman yung kamay niya kaya unti-unti kong binuksan yung mga mata ko. Namumutla yung babae pati na rin yung dalawang kasama niya. Para silang nakakita ng multo. Not so brave after all.
"K-King..." bulong ni Kkaren sa tabi ko kaya napalingon ako sa likuran ko. There he stood. Noah Stein.
He's looking coldly at the three women in front of me. Kahit wala pa siyang sinasabi nakakatakot pa rin siya. Binabalotan siya ng itim na aura. He's so intimidating that it creeps the hell out of me.
"Try to touch her again and you'll die" he said in a low voice. Napalunok naman yung tatlo at parang natatae na ewan. Nakakatawa nga 'e. Parang kanina lang ang siga nila na parang liyon, ngayong nanginginig sila na parang mga tuta.
"Y-Yes K-King" the three of them stutter. In a split second, nawala na sila sa paningin ko. Ang bilis naman ata. Para silang sinapian ni Flash.
"What are you looking at?" sabi niya sa mga estudyante na nakatingin pa rin sa amin. Sabay silang napayuko at lumisan.
Nagulat ako nang bigla akong kaladkarin ni Noah. Saan niya ba ako dadalhin? Yumuyuko yung mga estudyante na nadadaanan namin. Nalilito din silang napatingin sa akin. Hindi lang sila yung nalilito, pati na rin ako. Bigla akong napaisip. Close ba kami ng isang 'to para kaladkarin ako? Gusto ko sanang magreklamo pero 'wag nalang. Baka papatayin niya ako at sabihin yung paborito niyang linyang "You wanna die?"
Huminto kami sa likuran ng school kung saan walang estudyante. May kinuha siya sa bulsa niya at tinapon sa akin. Nagulat ako dun kaya mabilis ko itong nasalo. Napatingin ako dito. It's a necklace with a lion pendant. The pendant was black at yung mga mata naman ng liyon at pula. Namangha ako sa desinyo nito. Mukhang pina-customize ito 'a.
"What's this?" I asked still assessing the necklace.
"Just wear it" sagot niya. Nakaupo siya sa ilalim ng puno habang nakapikit. Sinunod ko yung sinabi niya at sinuot yung necklace. It was heavy around my neck pero okay lang. Hindi naman siya masyadong mabigat. Sakto lang. Masasabi mong pure ito dahil sa bigat.
"Why are you giving me this? Para saan?"
"You'll be untouchable once you wear that. Just don't take it off. Got that?"
I nod. Hinawakan ko yung pendant at tiningnan ito. Ang ganda naman. Magpapasalamat na sana ako sakanya nang bigla siyang nawala. Noah Stein is very unpredictable. Ang daming katanungan sa isip ko ngayon. Ginagawa niya ba ito dahil iniligtas ko siya? Hindi ko alam ang sagot kaya Noah Stein stays a mystery to me.
New Book Cover made by my sister *0*. Gondoo!
Don't forget to vote, comment, and share with your friends.
Lovelots!
BINABASA MO ANG
The Legacy (COMPLETED)
Teen FictionI thought I was the type of girl perfectly described as a beautiful garden on a hillside next to the sunset. The type where I bloom everyday with peace and elegance. But, boy am I wrong. The thought of me being fragile is so far from me being a bloo...