Wala na akong nakitang reaper simula pa nung tinakbuhan ko sina Diem. They were too busy firing at each other that they forgot about me. Mabuti yun. Hanggang sa nag-gabi ay wala akong nakitang reaper. Gusto ko na sanang isipin na ako nalang yung naiwan pero feel ko pa rin na hindi ako nag-iisa. Atsaka ang pangit naman kung haharangin ako bilang August Candidate 'e hindi ko pa nga nagawang pumutok ng baril. Ang easy naman kung ganun.
Inakyat ko na naman yung puno kung saan ako natulog kagabi. Hiniga ko yung sarili ko sa malapad na sanga tsaka pinagmasdan ang mga dahon ng puno. Sumilip ang mga bituin sa mga dahon kaya napangiti ako.
Parang kailan lang akong pumasok sa paaralan para sa mga patapon. Hindi naman ako patapon pero pinag-aral ako nina Mama dun. Useless din naman kasi umalis din kami sa lugar na iyon. Pinaranas lang talaga sa akin yung sakit. Psh. Hindi ko nga masabi kung ano kami ni Noah pero nasaktan pa din ako.
May dumaang drone sa ibabaw ng puno kung nasaan ako. Hindi na ako nagtaka. May mga drones talaga para bantayan kami. No one knows, baka may manloko. Hindi din imposible na baka may gustong tumakas.
Kinaumagahan ay agad akong nag-unat saka tinanggal yung pagkatali ko sa sarili ko. Tinalon ko yung pagitan ng puno at lupa. When my feet reached the ground my senses began ringing. Nararamdaman ako na parang hindi ako nag-iisa.
I felt someone approaching me from the back but before he or she could grab me, I took his/her arm. Binalibag ko siya sa ere kaya napasinghap siya. It was a high-pitched squeal.
"I know... I shouldn't have...underestimated you." Putol-putol niyang sabi.
It was Diem. Bago pa man siya makakikos ay inapakan ko na yung balikat niya habang siya ay nakahiga sa lupa.
"I could take this limb off of you." I threatened her. Totoo. Kaya kong hablutin yung kamay niya papahiwalay sa balikat niya. Anna taught me.
"I know you can..." She smirked. "...but you can't"
"Why not?"
"Kasi hindi pwede. I could die if you do it. The rule says don't kill. If you do, it would eliminate you from being the August."
Binitawan ko yung kamay niya saka yung pag-apak sa balikat niya. "I was disappointed at your answer. I don't care about the title. Hindi ko kayang ipaghiwalay ang braso mo mula sa katawan mo hindi dahil natatakot ako na baka hindi ako haharangin bilang August. Ito ay dahil hindi ako ganung tao. I'm not a monster."
Tumawa siya ng mahina tsaka tumayo at pinagpag yung sarili niya. Hinawakan din niya yung balikat niya kung saan ko siya binalibag.
"Are you not? Hahaha."
Kunot-noo ko siyang tiningnan. Isang metro lang yung layo namin at kaya ko siyang sugurin nang walang kahirap-hirap pero pinigilan ko lang yung sarili ko. I'm not a monster!
"Excuse me? Kung akala mong kaya kong pumatay ay nagkakamali ka."
"So you're proclaiming that you're clean? Sa pagkakaalam ko kaya kayo nandito— kaya KA nandito because you killed someone."
I froze. Parang nag-flashback sa akin yung pangyayari. Yung pagsaksak ko sa lalaking yun. It wasn't my intention to kill him. Ginawa ko lang kung ano ang dapat kong gawin. If I didn't do it, I could die. I was merely saving myself, right? Self-defense lang yun at hindi iyon murder, right?
Wrong.
Kahit self-defense lang yun ay hindi ko maialis sa sarili ko na napatay ko siya. I murdered him.
"Yes. Tama ka. I killed someone at hindi ko 'yun tinatanggi. But that's not the reason why we are here. Why I am here."
"Then tell me. Why are you here?" Humalukipkip siya.
BINABASA MO ANG
The Legacy (COMPLETED)
أدب المراهقينI thought I was the type of girl perfectly described as a beautiful garden on a hillside next to the sunset. The type where I bloom everyday with peace and elegance. But, boy am I wrong. The thought of me being fragile is so far from me being a bloo...