Pigil-hininga kong pinihit yung door knob. Deep inside, nagdadasal na ako na sana walang bantay sa labas. Pero kung meron man edi idadaan ko nalang sa dahas.
Hindi ako lalabas sa silid na ito na walang dalang armas. Buti nalang talaga isang mafia yung may-ari ng silid. As a mafia, hindi sila nauubusan ng armas. Pagkabukas ko pa lang ng cabinet nita kanina ay bumungad sa akin yung iba't ibang klaseng baril. Sobra akong namangha kasi yung mga mahirap makita ay nandun. Kompleto pa. Syempre yung mga magaganda yung kinuha ko. May maliit na kutsilyo din kaya hindi na ako nagdadalawang-isip na kunin din ito saka ko ito inipit sa pantalon na suot ko.
I am wearing the usual outfit of a mafia na nakikita ko sa mga pelikula. Yung mga leather jacket. Nagsuot din ako ng cap para hindi mahuli.
Nung naibuksan ko na yung pinto ay sumilip ako para makasiguro. Napahinga ako nang maluwag nang makitang wala namang bantay. Hindi na ako nag-aksaya ng oras at lumabas na ng silid. Ni-lock ko muna sa labas yung pinto bago humayo.
Sobra akong nabighani sa loob ng bahay. Bahay pa ba ito? Mansyon na ata ang tawag nito! Natatakot ako na baka maligaw ako. Pero may tiwala naman ako sa sarili.
Nakarinig ako nang yabag kaya dali-dali akog nagtago sa isang pillar. Sobrang bilis nang tibok ng puso ko. Paano kung malaking lalaki yung papalapit? Hindi ko pa nasisigurado na sapat na ba ang lakas ko para makapaglaban.
Palapit nang palapit yung yabag kaya inihanda ko na yung sarili ko. Kinuha ko mula sa pagkaipit sa panatalon ko yung maliit na kutsilyo na nakuha ko sa silid ni Kenjie. I can only use guns for long ranges. Nung nasigurado kong malapit na siya ay saka na ako lumabas saka inambaan siya ng saksak nang masalo niya yung pulsuhan ko bago pa man siya masaksak.
"Via?" sabi niya.
Natulala muna ako bago naibalik yung sarili sa reyalidad.
"Noah?"
Hindi ko napigilan ang sarili kong yakapin siya. Sobrang saya ko lang na nakita ko siya.
He froze. He didn't expect my hug, pero agad din siyang nakabawi. Niyakap niya ako pabalik bago kami kumalas.
"What was that for?" he asked as he rested his forehead against mine.
Nakangiti naman akong umiling. "I don't know."
Ngumiti siya saka tumawa nang mahina. "Silly."
He angled his face to kiss me but I stopped him. "Let's not waste time."
He groaned. "Oh come on! Kahit isa lang?" he plead.
"Noah," may pagbanta sa boses ko.
"Kahit smack lang?" pagpupumilit niya.
"Mamaya na," pinal kong sabi saka siya nilagpasan.
Napangiti nalang ako nang tago. I missed him and that's a fact. Seeing him now puts me at ease. Siguro dahil ilang buwan din kaming nagkita.
Narinig ko yung mga yabag niyang sumunod sa akin. "So the elixir worked?" tanong niya sa akin.
"I guess so. Konting hapdi nalang yung nararamdaman ko," sagot ko naman.
He took big steps until he walked side by side with me. Kahit nasa harap yung mga mata ko ay nararamdaman ko siyang nakatitig sa akin.
"Noah. Stop staring. It's awkward," sita ko sa kanya.
"Why are your lips swollen?" biglang tanong niya sa ikinahinto ko.
"Ha?"
He took a few steps until he stood in front of me. Napatingala ako sa kanya habang siya naman ay nakatitig sa labi ko.
"Ah," napahawak ako sa labi ko. "Wala 'to," simple kong sagot saka siya nilagpasan.
Agad din naman siyang nakasunod sa akin. "Via, tell me. What happened?"
His voice was demanding but it didn't intimidate me like how it used to be before. Malakas na yung loob ko ngayon. Sana noon ko pa ito nakita sa sarili ko. Hindi na sana ako nakaramdam ng takot.
"Noah. Whatever happened to me, it's the least of your concern, okay? May mas malaki pa tayong hinaharap ngayon."
"Tsk."
Alam kong marami siyang tanong. Alam ko din na marami nang bumubuo sa utak niya, na baka may katiting na alam siya sa nangyari pero nagpasalamat ako na hindi na siya naging makulit. Mabuti nalang at nakinig siya sa akin at tumahimik, kahit may bumabagabag sa isip niya.
I fished something on the pocket of the pants that I'm wearing and put it against the wall. I press something and it made a sound.
"What is that?" tanong ni Noah.
"It's a bomb," sagot ko. "Nakuha ko ito sa silid ni Kenjie."
"At ano naman ang ginagawa mo dun?" tanong niya.
Napahinto ako sa tanong niya. Ito na. Napabuntong-hininga nalang ako saka yumuko. Nilingon ko siya na nakakunot yung noo. Akala ko pa naman hindi na siya mangungulit.
"Noah, please, not now," puno ng pasensya kong sabi.
"Why can't I ask?" tanong niya saka tinapunan ng tingin yung suot ko. "At bakit ngayon ko lang napansin yung suot mo?" lumapit siya sa akin saka sininghot yung suot ko. "It's a man's perfume!"
"Noah! 'Wag muna, please," I half-screamed, half whispered. "Now's not the time for that!"
"Who goes there?!"
Nagulat nalang ako nang may biglang nagtanong mula sa likuran namin. Nakarinig ako ng pagkasa ng baril at alam kong nakatutok na ito ngayon sa amin. Agad naming itinaas yung dalawa naming kamay.
"Both of you, face me," she asked in a high-pitched voice. Teka, parang kilala ko yung boses na yun a! Hindi agad ako nakakilos dahil sa narinig kaya unang humarap sa kanya si Noah.
"Stein!" pagulat niyang sabi. "Gising ka na pala."
How can I forget that voice? It's the person who I thought had a big crush on the mafia. Well, I still think she still have. Pawn.
"Ikaw, humarap sa akin," I know she's referring to me kaya bago pa man ako makakilos ay inihanda ko muna yung sarili ko. I oriented myself first on how I would get the knife or the gun. Hindi ko na din siya pinahintay pa at humarap na sa kanya.
"August," she nodded as if she knew it was me all along. "What did you do to my Kenjie?"
Alam na niya? Oh well, malalaman naman talaga nila. Napaaga nga lang. Instead of answering her, I decided to annoy her.
"Your Kenjie?" natatawa kong tanong. "Are you now declaring ownership to a mafia official? Ang taas mo namang mangarap e isa ka lang pawn."
I saw how she flinched by my words. Well guess what honey, truth hurts.
"Even though he's not yet mine, you have no right to touch him," pigil-galit niyang sabi.
"Touch him?" I heard Noah whispered but I didn't bother to look at him.
"It wasn't me who started it," pang-aasar ko sa kanya. "And besides, he enjoyed it. How's that my fault?"
"B*tch!" sigaw niya.
Dahil sa galit ay napaputok niya yung baril sa direksyon namin na agad din naming nailagan. Binunlot ko yung kutsilyo sa tagiliran ko saka ito tinapon sa direksyon niya. Bumaon yung kutsilyo sa kamay niya na siyang ikinabitaw sa dala niyang baril.
"Ahh!" sigaw niya.
"Takbo!" sigaw ko kay Noah.
Kailangan naming makalabas dito bago pa huli ang lahat. Nasa kamay ko yung controller ng bomba kung kailan ko gusto itong ipasabog. Habang tumatakbo kami ay nadadaanan namin yung mga tauhan ni Kenjie na wala nang malay. Naisipan ko na baka kagagawan ito ni Noah kaya nilingon ko siya para pasalamatan ngunit isang nakamamatay na tingin yung bumungad sa akin.
"What?" tanong ko.
"He enjoyed it, huh?" tanong niya.
Oh please. 'Wag muna Noah.
BINABASA MO ANG
The Legacy (COMPLETED)
Teen FictionI thought I was the type of girl perfectly described as a beautiful garden on a hillside next to the sunset. The type where I bloom everyday with peace and elegance. But, boy am I wrong. The thought of me being fragile is so far from me being a bloo...