Chapter 5
Tipid akong ngumiti nang bumati si mama. Masakit man pero dapat ko siyang intindihin. Hindi na lang ako nagsalita at nagsimula ng ayusin ang mga pinagkainan namin.
Paano kaya kung dalawa pa kami? Paano kaya kung kasama ko pa rin siya habang pinagdiriwang ang birthday namin?
"Matulog ka na pagkatapos, anak ha?"
Narinig kong bilin ni mama kaya tumango na lang ako. Hinintay ko munang makapasok si mama sa kwarto bago nagsimulang hugasan ang mga plato.
Hindi ko na napigilan ang pagpatak ng mga luha ko nang mapagtantong nasayang na naman ang isang buong taon sa misyon kong marecognize ako ni mama. Akala ko ako na ang babatiin niya. Akala ko natanggap na niya na wala na ang kambal ko.
Tinapos ko na ang mga hinuhugasan ko at natawa na lang sa kadramahan ko sa buhay.
"Ikaw Nee, ako Lee."
Naalala ko ang sinabi niya sa akin noon. Isa lamang ito sa mga kakaunting alaala niya na malinaw pa rin sa akin. May isang diary ako kung saan nakasulat ang mga bagay na naaalala ko para kahit magdaan man ang ilang taon ay hindi ko siya makakalimutan. Ayaw ko siyang makalimutan, kahit sa mga memorya na lang ako magkakapatid ay sapat na sa akin.
Ilang taon na nang namatay si Liana at ilang taon ko na ring pinipilit na intindihin si mama. Pero sa totoo lang hindi ko maintindihan kung bakit ako ang pinilit niyang isiping namatay.
Nang nabubuhay pa ang kapatid ko at si papa ay hindi ko naramdaman ang maiinggit sa kambal. Laging pinararamdam nina mama na pantay kami sa kahit na anong bagay. Pero kung kailan wala na ang kambal ko ay doon ako nakaramdaman ng matinding inggit sa kanya.
Gaya ng madalas kong gawin kapag napapansin kong nagdadrama naman ako ay dinidistract ko sarili ko. Ginawa ko lahat ng mga assignments pati na rin ang mga papers na ipapasa palang next week.
Patapos na ako at malapit na ring magmidnight nang may natanggap akong text message.
Happy birthday. -V. L.
Hindi ko na kailangang magdalawang isip kung sinong nagpadala noon. Hindi ako nagreply kahit na kating kati na ang kamay ko. Wala naman kasi akong load.
Hindi ko alam kung paano niya nalaman, hindi ko naman siya friend sa Facebook (kahit in real life). Pero isa siya sa mga sinendan ko ng friend request nang gumawa ako ng account. Pero hindi naman niya inaaccept iyon, sa pagkakaalam ko.
Kahit na sobrang sakit ang nararamdaman ko ay nagawa pa rin niya akong mapangiti. Matagal kong tiningnan ang text niya kaya nakita ko ang paglitaw ng numero nito sa screen ng makaluma kong cellphone.
Nanginginig ang kamay ko nang sagutin ko ang tawag niya at bigla na lang nag-init ang gilid ng mga mata ko.
"Hello?" Matagal pa bago siya nagsalita.
"Happy birthday, Niana."
Hindi ko alam kung bakit pero bigla na lang tumulo ang mga luha ko. Patapos na ang araw ng kaarawan ko pero ito ang unang greeting na natanggap ko na para sa akin talaga.
"T-thank you," sabi ko at pumeke ng tawa. "Grabe, ganito ka ba talaga ka-late bumati?"
Matagal ulit bago siya sumagot, tiningnan ko pa ulit ang screen sa pag-aakalang tinigil na niya ang tawag.
"Are you crying?"
This time, it was my turn to be quiet. Pigil ang paghikbi ko dahil ayaw na ayaw kong kaawaan ako. My pity for myself was already enough.
"Ano? Hindi ah, ganito lang talaga ang boses ko kapag inaantok na ako," palusot ko. I was not really good in lying but I hoped that time it was effective.
"You can hang up if you are really sleepy," malumanay na sabi nito pero rinig ko ang natural na lamig ng boses niya.
Tahimik lang ako at naghihintay pa ng susunod niyang sasabihin. Gusto kong naririnig ang boses niya. Para bang gusto kong sabihin lahat ng nararamdaman ko. Parang gusto kong sabihin lahat ng hinanakit ko.
"Niana, I am talking to you." Narinig kong sabi niya.
"Sorry, sorry. May sasabihin ka pa ba?"
I sounded rude but I couldn't help it. I was dying to tell him but I knew well enough that we weren't friends.
"Niana," he stopped for a while. "Sometimes it is good not to voice out what you feel, but it is better to have someone to show your weakness with. We can't just pretend to be happy at all times."
Sa pagkakataong iyon ay hindi ko na nagawang pigilan pa ang mga hikbi ko. I wept so hard while my phone was still touching my left ear.
Hindi nagsasalita si Vandale parang pinapakinggan lang niya ang bawat pag-iyak ko. But somehow, I felt better.
"Salamat, Vandale. Salamat," naiiyak ko pa ring sabi.
Narinig ko ang pagbuntong hininga niya sa kabilang linya.
"It's okay. Feeling better, Niana?"
"Oo, salamat sayo. Good night, Vandale."
"Good morning, Niana."
And that made me smile in my sleep.
BINABASA MO ANG
Two Worlds, One Word
FanfictionThe moment I fell, I told myself not to hope for anything. Your world is different from mine.