Chapter 26
"Niana."
Napatingin ako kay Vandale nang bigla niya akong tinawag habang naglalakad kami papunta sa basement, kung saan ang cafeteria ng Accountancy building.
"Do you want to ditch classes?"
Kumunot ang noo ko sa narinig. Seryoso ba siya sa tinatanon niya sa akin? At bakit naman?
"May gagawin ka bang importante?" I asked him.
Seryoso siyang tumitig sa akin pero umiling lang ito at hindi sumagot.
"Vandale."
Hinawakan niya nang mas mahigpit pa ang kamay ko nang tinawag ko ang pangalan niya.
"I just want to spend time with you, alone," he told me.
Ngumiti naman ako sa narinig ko mula sa kanya, "Magkatabi naman tayo sa lahat ng subjects, kaya ayos na iyon."
"Opo," sagot ni Vandale na may pilit na simangot sa mukha na ikinatawa ko.
"Hindi mo bagay," natatawang sabi ko sa kanya.
Umiling si Vandale pagkatapos ay pinaupo na ako sa mga upuan sa may basement.
"What do you like to eat?" tanong niya sa akin.
"Isang order lang ng sisig at kanin," sabi ko sa kanya. Tumango naman si Vandale at pansamantalang iniwan ako para makabili ng pagkain.
Tahimik ko lang siyang pinapanuod na nakapila, medyo maraming estudyanteng nasa cafeteria sa ganitong oras dahil lunch time na ng mga Highschool na dumadayo sa basement namin para kumain.
Nang nakita kong nakabili na siya ng pagkain namin ay kinuha ko na ang pitaka ko para kumuha ng perang pambili ng inumin. Iyon kasi ang napagkasunduan namin. Siya ang bibili ng pagkain, pero ako sa inumin. Hindi naman ako makakapayag na siya lang ang gumagastos kaya pinilit ko siyang hayaan na akong gumastos para sa mga inumin namin.
Nang makalapit na siya sa mesa namin ay tumayo na ako bumili ng drinks. Gaya ng dati ay iced tea na naman ang binili ko. Mahilig lang ako sa tubig noon, pero nang magkasama kami ni Vandale ay natutunan ko nang magustuhan an iced tea, na siyang paborito nitong inumin.
Nang makaupo na muli ako ay nagsimula na kamin kumain. Ngayon kapag kumakain kaming magkasama ni Vandale ay halos hindi maputol ang kwentuhan namin. Pero noon ay sobrang tahimik ni Vandale kung kumain dahil iyon ang nakasanayan niya. Hindi tulad namin ni mama ay maingay kung kumain dahil iyon ang oras para sa kwentuhan namin.
Minsan ay gusto kong itanong kung bakit hindi sila magkasundo ng kanyang papa pero hindi ko magawa at hindi ko alam kung gusto niyang marinig ang mga ganoong tanong.
"I always wonder what's in your mind whenever you look at me like what you do right now, Niana."
Nahihiyang ngumiti ako kay Vandale na ikinailing niya. Binitawan ni Vandale ang mga kubyertos niya.
"What's going on in your mind, Niana? Tell me now," sabi niya sa akin sa matigas niyang Ingles.
"Hindi naman importante, Vanda-"
"I want to hear what's not important for you then."
Binitawan ko ang hawak kong kubyertos at uminom nang kaunti. Pinapanuod lang ako ni Vandale at mukhang hinihintay pa ang susunod kong sasabihin.
"May mga gusto kasi akong itanong sa iyo kaso natatakot ako na baka ayaw mong marinig," nakayukong pagtatapat ko.
Naramdaman ko ang paghawak ng kamay ni Vandale sa kamay ko kaya muli akong napatingin sa kanya.
"I am waiting for your questions, Niana. I've always wanted you to be curious about me," muli nitong pahayag.
"Uhm, gusto kong malaman kung bakit hindi maganda ang estado ng relasyon niyo ng papa mo. Okay lang sa akin kung hindi mo sasagutin-maiintindihan ko naman," naglakas loob kong sabi.
"It's fine, Niana," sabi niya sa akin at binigyan niya ako ng maliit na ngiti. "My mom and dad were arranged married, typical merging for wealthy families before. My mom loved my dad very much, but she didn't receive any recognition or appreciation from him. He was never in love with my mom."
Nasasaktan ako sa naririnig ko galing kay Vandale. Lumaki ako sa pagmamahal ng papa at mama ko. Maaga man nawala si papa pero alam kong mahal na mahal niya kami. Ipinaramdam niya sa amin iyon sa mga panahong mabubuhay pa siya. Kaunti man ang mga naaalala ko, pero alam kong naging mabuting papa at asawa ang papa ko sa amin.
"I should've understood their situation. There was an arranged marriage, they married for money. But I saw how he treated my mom. And she didn't do anything wrong to him, she was simply trying to be a good wife and trying to save their marriage," mahina pero sapat pa rin iyon para marinig at mabakas ang kalungkutan mula sa mga salita niya.
"My mom died unexpectedly. It wasn't my dad's fault, actually. They were on their way to my graduation when she died in a car accident," pagkukwento niya, mas humina pa ang boses niya.
Hinigpitan ko ang hawak ng kamay ko sa kanya sa ibabaw ng mesa. And I gave him an encouraging smile. Hinaplos niya nang bahagya ang kamay ko bago siya magpatuloy.
"My dad survived and he told me that he's regretting everything. I know that it was an accident, but I still feel the anger towards him. Like the anger I felt when I was a kid when I watched my mom trying to please my dad but she kept on failing," hindi ko maramdaman ang galit niya kundi ang sakit sa mga mata niya ang ramdam na ramdam ko.
"He should've treated my mom right, my mom deserved to be happy. She deserved anything good from this world. She was very kind, like a perfect mother. She was sweet and very feminine. She was very warm but I do still respect her a lot," may proud na ngiti sa mukha niyang nang ikwento niya sa akin ang mama niya. Napangiti rin ako sa narinig. Nanghihinayang ako kung bakit hindi ko siya nakilala.
"Do you have any question in mind, Niana?" he asked me.
Nakangiti akong umiling at ramdam ko ang paghaplos niyang muli sa kamay ko.
"Vandale, alam ko ang pakiramdam nang maiwanan. Pero dapat lagi mong tatandaan na may aalis talaga sa mga buhay natin, pero may mga makikila pa rin tayong bago. Hindi man natin kayang palitan sila, pero kailangan nating bigyan ng pagkakataon para mapatunayan na kaya nating sumaya kasama sila," sabi ko sa kanya.
Gaya ko, mabibilang lang sa isang kamay ang mga malalapit talaga kay Vandale. Hindi siya madaling magtiwala sa isang tao. Ayaw din niyang mapalapit sa iba.
Tiningnan ko ang mukha ni Vandale at nakitang nandoon na naman ang seryosong ekspresyon niya na parang may malalim na iniisip. Huminga ito ng malalim habang pinipikit ang mga mata niya.
"Vandale?"
Umiling ito at binigyan ako ng maliit na ngiti bago niya ako muling tingnan.
"Let's eat, Niana."
Habang kumakain kami ay tahimik din siya na parang may bumabagabag talaga sa kanya. Alam kong tungkol iyon sa sinabi ko kanina. Tinapos namin ang pagkain namin pero nanatili kaming nakaupo.
"Vandale..."
Muling hinawakan ni Vandale ang kamay ko, ramdam ko ang mahina panginginig ng kamay niya na ikinalukot ng noo ko.
"Anong nangyayari sayo?" nag-aalala kong tanong.
"Niana, no matter what happens, don't leave me. You will stay as Niana. You will stay as my Niana," halos pabulong niyang sabi sa amin.
Pakiramdam ko ay lumukso ang puso ko sa narinig. Parang iyon ang assurance niya na hindi niya ako iiwan.
"Please, Niana."
Nakangiting tumango ako sa kanya. "Hindi kita iiwan, saan naman ako pupunta na hindi mo ako mahahabol di'ba?" pabiro kong sabi sa kanya.
Ngumiti siya sa akin pagkatapos ay hinalikan ako sa pisngi at ibinulong niya na mahal niya ako.
BINABASA MO ANG
Two Worlds, One Word
FanfictionThe moment I fell, I told myself not to hope for anything. Your world is different from mine.