Chapter 12

2.3K 106 19
                                    

Chapter 12

Naging normal lang ang lahat pagkatapos, except sa confusion na nasa isip ko. Kung kumilos si Vandale ay parang wala lang na may nakita akong picture ko sa wallet niya at parang wala siyang pakialam na nalaman niyang may tinatago rin akong picture niya. Iniisip ko na lang na baka walang malisya para sa kanya. Pero bakit naman siya magtatago ng picture ko? Hindi ko maiwasang hindi mainis sa pinapakita niya. Parang wala man sa kanya ang mga nangyari samantalang halos hindi ako makatulog dahil doon.

Iyan ang laman ng isip ko sa loob ng isang linggo habang nasa duty. Minsan ay napapalakas ang katok ng mga estudyanteng nangangailangan ng assistance sa glass window ng office dahil sa pagkakawala ko sa sarili.

"Huy, Niana. Ilang araw na iyan ha," inis na sabi ni Cristel na inaasikaso ang mga class schedules.

"Pasensya na, Cristel. Marami lang talaga akong iniisip," sabi ko bago sinimulan iyong iniwan kong trabaho.

"Napansin ka ni ma'am kanina, Niana. Sabi niya puntahan mo daw siya pagkatapos mo d'yan mamaya."

Bigla akong napapikit sa narinig. Ang Ma'am na sinabi ni Cristel ay ang Dean. Mabait naman siya pero minsan ay sobrang strikto.

Binilisan ko ang trabaho ko dahil ilang minuto na lang ay uwian na ni Ma'am. Lalo ko lang siyang gagalitin kung paghihintayin ko pa siya.

"Ms. Lee, come inside my office now." Narinig namin ang malakas na boses ng Dean bago ko pa man matapos ang ginagawa ko.

"Huy, dalian mo!"

Tumango na lang ako kay Cristel at mabilis na pumasok sa private office ni Ma'am.

"Good evening po, Ma'am," magalang kong bati.

"What happened to you, Niana? Isang linggo ka ng absentminded," kalmadong sabi ng Dean.

Yumuko ako ng bahagya, "Pasensya na po, Ma'am. Marami lang po akong iniisip pero hindi ko na po uulitin. Sorry po talaga."

"Niana, remember that the university gives you benefits for you to be a benefit also. You're different from the other students. You can just do everything you want here, if you will pay for your own tuition fee. But you don't," tiningnan niya ako sa mata. "I'd like to think that you understand what I'm saying, Niana," kalmado pa ring sabi ni Ma'am.

Pakiramdam ko ay nanliit ako sa mga sinabi niya pero tama naman siya. At may karapatan siya na isumbat sa akin iyon dahil may pagkakamali naman ako.

"Naiintindihan ko po, Ma'am, pasensiya na po kung hinayaan kong madistract ako. Sorry po talaga," paghingi ko ng paumanhin sa ikalawang beses.

Tumango ang Dean, "Don't just apologize, Niana. I will be observing you from now on."

Nagpaalam na siya sa akin pagkatapos ay lumabas na ng office. Tulala ako nang bumalik ako sa trabaho. Talagang kinabahan ako doon, kinakatakutan kong mawala ang scholarship na pinaghihirapan ko.

"Earth to Niana."

Nagulantang ako nang marinig ko ang boses niya. Hindi ko na kailangang luminga dahil nasa mismong harapan ko na siya.

"Anong ginagawa mo dito, Vandale?" nagtatakang tanong ko.

"It's already nine thirty PM. Ikaw, anong ginagawa mo?" masungit na tanong niya na kinainit ng ulo ko. Sanay na ako sa kanya pero talagang may part sa akin na siya ang sinisisi kung bakit natutulala ako these past few days.

"Bakit mo pa ako hinintay? Sana umalis ka na. Kaya kong umuwi mag-isa."

Mukhang nabigla siya sa sagot ko. Pero hindi na siya nagsalita. Kinuha ko na lang ang mga gamit ko pagkatapos ay lumabas na ng office. Alam kong nakasunod siya sa akin.

Two Worlds, One WordTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon