Chapter 14
He stopped. He stopped chasing me.
Sabi nga nila, mararamdaman mo lang ang panghihinayang kapag wala na. Gusto ko siyang kausapin pero hindi ko alam kung anong sasabihin. Dapat ay hinayaan ko na lang siya. Mukhang wala naman talaga siyang nararamdamang iba para sa akin.
"Huy, babae! One week na iyang LQ niyo ha?" curious na tanong ni Jasmin na sinasamahan akong maglunch bago kami pumasok sa unang klase.
"Ang tibay mo naman," dagdag pa niya.
"Hindi kami lovers," giit ko.
"Anong gusto mo Friends' Quarrel? FQ? Parang fvck you?" biro ni Jasmin. "Ang pangit, diba? Kaya h'wag ka ng kumontra sa LQ!"
Napailing na lang ako sa kanya at binilisan na ang pagkain. Ilang minuto na lang ay magsisimula na ang mga klase para sa mga may afternoon schedules.
Nang matapos akong kumain ay sabay na rin kaming pumasok ni Jasmin. Gaya ng nakasanayan ko ay si Vandale ang unang hahanapin ng mga mata ko pagkapasok. Wala pa siya kaya sobrang nagtaka na ako.
Nililingon ko ang lahat na pumapasok sa silid namin pero hindi pa rin siya dumarating. Nagdasal ako ng tahimik na sana ay nasa maayos siyang kalagayan. Sobrang kinakabahan na ako. Hindi siya madalas magkasakit at napaka-imposibleng tamarin siyang pumasok.
Isa siya sa mga may perfect attendance every sem. Iyon ang bali-balita dati na ni minsan ay hindi ito umabsent. But why now?
Nanatili akong lutang nang dahil sa kanya. I don't know what's happening to him. Nilagnat ba siya or worse kung naaksidente. I just want to see him now.
Hindi ko na naisip na may nagbabantay pala sa akin sa work ko. Si Vandale na lang nasa isip ko.
"Ba't parang naiiyak ka?" tanong ni Cristel na may halong pag-aalala habang nililigpit na ang mga gamit niya. Tapos na kasi ang duty namin.
"Hindi, hindi naman," sagot ko pagkatapos ay huminga ng malalim. "May pantawag ka ba?"
"Sige, five minutes na lang yata iyong call ko," sabi niya habang ibinibigay ang phone niya sa akin.
Kinuha ko at nagpasalamat. Pumasok muna ako sa CR bago siya tawagan.
Memorized ko ang numero niya kaya hindi ko iyong kinailangan tingnan sa phone ko. Laking pagtataka ko nang lumitaw ang name ni Vandale. Hindi ko alam kung bakit may number si Cristel sa binata.
Ilang ring lang ay agad ding sumagot si Vandale. Hindi ko alam kung magseselos ba ako o matutuwa. Knowing that this is Cristel's and he seemed so eager to answer the call.
"Cristel? Did something happen?" concerned na tanong ni Vandale.
I was thinking kung kay Vandale ba sinayang ni Cristel ang pantawag niya kaya ngayon ay limang minuto na lang ang natitira.
"Hello, Vandale--"
"Niana," mabilis niyang narecognize ang boses ko.
"Ako nga. Uhm, hindi ka kasi pumasok. Tanong ko lang kung may nangyaring masama sa iyo," maingat kong tanong. Kumunot ang noo ko nang narinig ko ang paghalakhak niya.
"I'm fine, Niana. But yes, something bad happened."
Kahit na sinabi niyang ayos lang siya ay kinabahan pa rin ako dahil sa sinabi niya may nangyaring masama. Hindi ko na namalayan na tumulo na pala ang mga luha ko na kanina ko pa pinipigilan sa sobrang pag-aalala.
"Why are you crying, Niana?"
Lalo lang akong naiyak sa concern na narinig ko sa boses niya.
"Natatakot ako," sagot ko.
BINABASA MO ANG
Two Worlds, One Word
FanfictionThe moment I fell, I told myself not to hope for anything. Your world is different from mine.