Chapter 21
Hindi ito ang unang pagdikit ng mga labi nito. Dati nang nagdikit ang mga labi namin dahil sa pag-aakala niyang nauubusan ako ng hininga. Nakaawang ang mga labi ko ng kaunti nang itinigil niya ang halik pero hindi niya pa rin ako binitawan. Hindi ko rin siya magawang bitawan.
Kalmado ang mukha niya habang nakatingin sa akin pero ang kanyang mga mata ay punung-puno ng emosyon. Dahan-dahan niyang hinahaplos ang mukha ko nang paulit-ulit kaya sobrang nagwawala na ang puso ko.
"Vandale..."
Ngumiti siya sa akin at muling inilapit ang mga labi niya sa mukha ko. Akala ko ay ididikit niyang muli ang mga iyon sa mga labi ko pero bahagya akong nadismaya nang dumampi lang ang mga iyon sa tungki ng ilong ko na lagi niyang pinipindot.
Muli na namang napaawang ang mga labi ko at wala sa sariling napahawak sa t-shirt ng lalaki.
"Vandale..." muli kong tawag sa kanya.
Tila bang kumikislap ang mga mata niya nang muli na naman niyang nilapit ang mukha niya sa akin. But this time, he claimed my lips. He kissed me gently but with so much passion. Halos mapunit ko ang kanyang t-shirt nang dahil sa mahigpit kong pagkakapit doon. Pakiramdam ko kasi ay kapag inalis ko ang mga kamay ko sa t-shirt niya ay mapapaupo ako sa sobrang pangihihna ng mga tuhod ko.
Nagtagal ang halik niya kaya nang pakawalan niya ang mga nasisiyahang labi ko ay parang sumali ako sa isang marathon. Hindi niya inalis ang tingin niya sa akin pagkatapos ng halik at hindi pa rin siya humihiwalay sa akin. Siguro, kagaya ko ay nahihirapan din siyang humiwalay sa akin.
"Hindi mo pa ako sinasagot sa lagay na 'to, Niana," sabi niya sa akin habang kumikislap ang mga mata niya dahil punung puno iyon ng mga emosyon.
Sobrang namula ako nang mapagtanto iyon. Wala sa sariling napakagat ako sa labi at napalunok.
"Ano...ano kasi," pilit kong hinahalukay ang utak ko para makahanap ng sasabihin pero mukhang pati ang utak ko ay nanghihina kapag magkalapit kami ng ganito ni Vandale.
"I can wait, Niana. I am more than willing to do that for you. And besides, I still want to court you."
Halos dumugo ang lower lip ko dahil pinipigilan ko talagang mapatili sa kilig.
"Alam kong...sobrang cliche. Pero may gusto talaga akong itanong sa'yo. Bakit ako, Vandale?" nahihiya kong tanong pero simula ng sabihin niyang gusto niya ako ay iyon na ang gusto kong itanong sa kanya.
"Why not you?" pagbalik niya ng tanong sa akin na lalong nagpabilis sa pintig ng puso ko.
Bahagya akong napayuko at hindi ko magawang tingnan siya sa mga mata. "Wala namang special sa akin. Mas madaming babaeng matatalino at mas hamak na maganda kaysa sa akin. Bakit ako?"
"I chose you because you are Niana. I like you because you are my Niana," masuyo niyang sabi sa akin pagkatapos ay muli niyang hinaplos ang pisngi ko kaya napatingin ako sa mga mata niya. Halos maubusan ako ng hininga nang makita ang sinseridad sa mga magaganda niyang mata.
"And my Niana is innocently beautiful and sweet. That's why I fell for her."
Namuo ang mga luha ko nang marinig ang sunod niyang sinabi. Sobrang saya ang nararamdaman ko na pakiramdam ko ay ilang sandali lang ay sasabog ang puso ko. Imbis na mamula ay sobrang namutla ako kaya muli ko na namang nasilayan ang mukha ni Vandale na sobrang nag-aalala.
"Niana. Are you okay?"
Yes, yes.
Nagsalita ako pero walang lumabas na sound. Para bang hindi ko makontrol ang katawan ko. Nagsimula nang tumulo ang mga luha ko kaya mas lalong nag-alala si Vandale.
May sinasabi siya na hindi ko na marinig.
Hindi ko alam kung paano pero biglang nandilim ang paligid at muli kong naramadaman ang batang ako. Ang Nee na kasama ni Lee habang nag-aagaw buhay ang kambal niya.
Vandale!
Hindi ko maintindihan kung bakit ang pangalan ni Vandale ang isinisigaw ng isip ko.
"Niana! Wake up!"
Nawala ang batang ako at ang batang Liana. Nagbalik ang nag-aalalang mukha ni Vandale sa harapan ko.
"Damn, Niana. You scared me to death," masuyong sabi ni Vandale pagkatapo ay hinila ako sa sobrang higpit na yakap.
"Hindi ko alam kung anong nangyari. All I know is I couldn't breathe. And then it felt like I was having a nightmare but I wasn't sleeping," paliwanag ko.
Lalong humigpit ang pagkakayakap ni Vandale sa akin, tila takot na takot siyang mawala ako.
"Vandale," pilit akong humiwalay sa kanya.
"Anong nangyayari sa akin?" naguguluhan kong tanong.
Nakatingin siya sa akin na para bang may gustung-gusto siyang sabihin sa akin pero hindi niya masabi-sabi.
"Vandale, sagutin mo naman ako oh," kinakabahan kong pakiusap sa kanya.
Huminga ng malalim si Vandale at muli akong niyakap pero hindi kasinghigpit ng yakap niya kanina.
"There's nothing wrong with you. You're my Niana, remember that."
BINABASA MO ANG
Two Worlds, One Word
FanfictionThe moment I fell, I told myself not to hope for anything. Your world is different from mine.