Chapter 27

799 39 23
                                    

Chapter 27

"Vandale, paano nga kasi kapag bonus method?"

Kasalukuyan kaming nagrereview para sa prelim exam namin sa Advanced Accounting at wala akong ibang ginawa kung hindi magtanong nang magtanong dahil hindi ko masyadong naiintindihan.

"Ignore the revaluation of assets," sagot niya sa tanong ko, mukhang nasagutan na niya ang problem na pilit kong sinosolve.

Matagal kaming nagtitigan ng papel ko hanggang sa naramdaman ko ang paglapit ni Vandale sa akin. Nagsimula na siyang idiscuss sa akin ang problem kaya kahit papaano ay naintindihan ko at nasagutan.

"Alam mo, kung pwede lang makipagpalit sa'yo ng utak kahit ngayong prelims lang," sabi ko sa pabirong tono pero sobrang hinihiling ko na magkatotoo.

Napailing na lang siya sa akin dahil hindi ko na rin mabilang kung ilang beses ko nang sinabi iyon sa araw na ito. Muling binigyang pansin ni Vandale ang pinakalatest na book ni Joseph Mallari kaya nagpatuloy na rin ako sa pagrereview.

Pero minsan ay napapatingin ako kay Vandale na seryoso sa pagbabasa. Tahimik lang ito at halos hindi gumagalaw ang buong katawan. Nakakatuwa siyang panuorin habang binabasa niya iyong libro.

Ipiniling ko ang ulo ko at sinikap na makapagconcentrate sa nirereview ko. Nasa bahay namin kami para makapag-aral pero gaya ng dati, halos bantayan lang niya ako sa pagrereview or turuan. Ganoon siguro kapag biniyayaan ng umaapaw na talino.

Ilang minuto akong nagbabasa ng mga theories nang makaramdam ako ng antok. Tinapik-tapik ko ang mga pisngi ko pero nandoon pa rin ang antok. Kaya tumayo ako at bahagyang lumayo sa dining table kung saan kami nagrereview.

Nagstretching ako ng kaunti bago nag-jumping jack nang paulit-ulit. Huminto lang ako nang matamdaman kong medyo nawala na ang antok ko.

Muli akong lumapit sa pwesto ko kanina habang pinapanood ni Vandale ang bawat galaw ko.

"Do you always do that?" tanong nito sa akin.

"Oo, may nakapagsabi kasi sa akin na kapag inaantok na ay dapat magpahingal para mawala 'yung antok. Effective naman para sa akin," sagot ko sa kanya.

"You should have enough sleep, Niana," sabi niya sa akin habang nililigpit na ang hawak na libro.

"Mahirap kasing matulog nang walang alam," pagpigil ko. Maghahating gabi na pero balak ko sanang after ng exam na lang mamayang umaga ako matulog.

"You're done for tonight, and I believe you're ready for tomorrow," sabi niya at tuluyan ng iniligpit mga gamit namin.

"Kung sanang pakokopyahin mo ako, Vandale, e," biro ko pero may parte sa akin na umaasang papayag siya.

"Niana," may pagbabanta sa boses niya.

Tumayo na ako at inayos ang mga upuan. "Oo na po, nagbibiro lang ako."

"Saan ka matutulog?" tanong ko. Hindi kasi papayagan ni mama kung magkasama kami sa iisang kwarto.

"I can sleep here in the living room," sabi niya na parang wala lang iyon sa kanya. Pero nakakahiyang patulugin siya sa sala.

"Sa kwarto ko na lang, gusto mo?" nahihiya kong tanong.

"Of couse, gusto ko," mabilis na sagot ni Vandale na may pinipigilang ngiti pa.

Bahagya ko siyang hinampas sa braso dahil sa tingin ko ay iba ang iniisip niya.

"Sabi ko sa kwarto kita pero sa kwarto ako ni mama matutulog!" mahina pero madiin kong sabi. Natawa naman si Vandale at hinila ako para mayakap.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 26, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Two Worlds, One WordTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon