Chapter 8
Nakatingin ako sa estudyanteng umupo sa harapan ko sa isang table sa may cafeteria. Kakatapos lang ng duty ko for this morning kaya kumain na ako ng lunch bago pumasok sa class ko.
Hindi nagsalita iyong estudyanteng babae, hindi rin naman siya nakatingin sa akin kaya hindi ko na lang din pinansin. Pero may something sa kanya kaya hindi ko maalis ang tingin ko.
"Bago ka lang ba dito?" tanong ko sa kanya.
Tumingin siya sa akin pero hindi niya ako sinagot. Nakatingin siya sa akin na parang naiinis na naiinggit. Kinabahan na ako sa tingin niya kaya binalak ko ng umalis pero narinig kong tinawag ang pangalan ko.
"Niana."
Lumingon ako sa likuran ko at nakitang nakakunot ang noo ni Vandale habang tinitingnan ako.
"Oh? Kumain ka na?" I asked.
Umiling ito sabay tingin sa likuran ko. Tumingin din ako nang maalala ko iyong babaeng nasa harapan ko sa table. Nung lumingon ako ay nakita kong paalis na siya.
"Kilala mo ba iyon?" tanong ko kay Vandale habang umuupo ito sa harapan ko, na inupuan ng babae kanina.
"No," sagot ni Vandale habang nakatingin pa rin na parang may bagong nalaman na impormasyon tungkol sa akin.
"Why?" tanong ko. Nakakaramdam na naman ako ng kaba ng dahil sa tingin niya. Ano bang meron sa mga tingin ng mga tao sa akin ngayon?
"Aren't you aware?"
"Of what?" I asked, curiously.
"Of seeing some creatures that others can't see," sagot ni Vandale. Nadoble ang kaba sa dibdib ko nang sabihin niya iyon.
"A-ano? Ano bang sinasabi mo?" Napalunok ako at napapikit, trying to forget what he just said. "Tinatakot mo ba ako?"
"Why would I scare you?" tanong niya.
"Ibig mong sabihin hindi tao iyong babae kanina?" kinakabahan kong tanong.
Sasagot na sana siya pero bigla ko siyang pinigilan.
"Hep hep! H'wag mo na palang sagutin," natatarantang sabi ko. Ayaw kong malaman ang sagot niya.
Binitawan ko iyong sandwich na kinakain ko at uminom ng baon kong tubig. Sobrang kinabahan ako sa nangyari. Bakit ganoon makatingin iyong babae?
Tahimik lang si Vandale habang tinitingnan ako. Huminga ako ng malalim nang narinig ko ang alarm na nagsasabing limang minuto na lang bago magsimula ang mga klase.
"Vandale, pwedeng pasama?" nagpeke ako ng tawa.
"Sure."
Hindi ko alam kung nag-imagine ako o ano pero talagang nakita kong ngumiti siya ng kaunti.
Kaming tao lang ang nasa elevator, mukhang maraming estudyante ngayon ang naisipang magpalate para sa unang subject.
Paano na lang kung hindi ako nagpasama sa kanya, edi ako lang mag-isa sa elevator? Baka sumabay pa iyong babaeng multo.
"No, no, no. Tao iyon, hindi multo," I convinced myself more. Though, alam ko na may mali talaga sa taong iyon.
"Niana, don't think too much."
"Ewan ko ba, pero kinakabahan ako," sagot ko sa kanya.
"Are you scared?"
"No, bakit ako matatakot?" pagdedeny ko. Pero halos atakihin na ako sa loob loob ko
"I don't think this is your first time to encounter ghosts. Hindi mo lang alam dati na hindi na pala tao ang kaharap mo."
"Vandale naman, e! Bakit mo cinonfirm? Lalo lang ako natatakot tuloy," reklamo ko sa kanya.
"You admitted it, finally," nakangiting sabi niya kaya tulala ako nang bumukas na ang elevator.
"Let's go," sabi niya at pinauna niya akong lumabas ng elevator.
Nasa tapat na kami ng roo ng first class ko pero hindi pa rin ako pumapasok. May gusto akong sabihin kay Vandale pero hindi ko alam kung paano simulan.
"Hmm, ano, thanks," I said, not giving an end tone.
"You want to say something?"
"Ano, kasi..."
"Or should I say, you want to ask something?"
Napalunok ako dahil alam kong nagkakaroon na siya hint ng gusto kong sabihin.
"Pwede bang pasabay mamaya? Hanggang terminal lang," tanong ko. Nakita kong ngumiti ulit siya.
"Bakit ka ba ngiti nang ngiti?" I tried to sound irritated but I failed. The only reason is that I adored that smile very much.
He shook his head while trying not to smile. "I have to go. I will see you later."
Tumango ako at hinitay siyang umalis. Pero nakatingin lang siya sa akin na parang walang balak na umalis.
"Vandale?"
Ngumiti na naman siya bago ako sagutin. "H'wag kang matakot sa kanila, they just show up and then go."
"Vandale!" pagsuway ko sa kanya kaya tumatawa siyang naglakad na palayo.
Hindi pa rin ako makapaniwalang nakakita nga ako ng multo. I had no idea. I thought ghosts can be distinguished easily. Hindi pala. They are like humans. Very human, living but dead.
Hindi mo pala mapapansin lalo na kapag wala kang alam tungkol sa kanila. Hindi mo pala mapapansin na multo na pala ang kaharap mo. Inisip ko ang mga tao sa mall na nakakasalamuha ko, tao ba silang lahat o may ibang hindi?
"Did I just hear his laugh?"
Naputol ang malalim kong pag-iisip nang narinig kong may tinatanong ang isa kong classmate na isa sa mga president's lister tulad ni Vandale.
"Huh?"
"Narinig ko ba talagang tumawa iyong masungit na iyon?" tanong ulit ni Jenny or Jenna. I forgot her name. Halos matawa ako sa pagtawag niya kay Vandale.
"Don't get me wrong ha. Ayaw ko lang talaga sa boyfriend mo. I treat him as an enemy. You know, ranks are important to me," paliwanag niya.
Biglang namula ang pisngi ko sa narinig. "Ano ba, hindi ko siya boyfriend. Kaibigan lang."
"Okay, sabi mo, e," sabi niya pagkatapos ay tumingin sa suot niyang wristwatch. "Ang tagal naman ni Ma'am. She's three minutes already."
Napamaang ako sa taong nasa harap ko. Alam kong hindi siya multo. Pero kakaiba ang pagka-grade concious niya. Hindi iyong tipong nakikipagkompetensya ng palihim. Hindi siya nahihiyang ipakita ang totoong ugali niya.
"Ahm, Jen?" This is probably the safe name to call Jenny or Jenna.
"Who's that? My name's Donna," sagot niya sa akin.
Mabilis naman akong humingi ng tawad, "Pasensya na. Hindi talaga ako magaling magmemorize ng panagalan."
"Nah, it's fine. Ayan na si Ma'am. Pasok na tayo," sagot ni Donna and then walked in confidently.
Si Donna ang tipo ng babae na kapag makikita mo ay sasabihan mo ng walang ibang alam sa buhay kundi magpakasaya sa mga pera ng mga magulang. May part siguro sa kanya pero hindi niya sinasayang ang perang ginagastos ng mga magulang niya para pag-aralin siya. She's very smart. Parehas sila ni Vandale.
Napa-iling na lang ako sa pinag-iisip ko at minabuting isipin na lang ang mga multo kaysa sa bagay na makakadagdag lang ng insecurities ko sa buhay.
Hay, life.
He's not even mine in the first place, I thought.
BINABASA MO ANG
Two Worlds, One Word
FanfictionThe moment I fell, I told myself not to hope for anything. Your world is different from mine.