Chapter 3
"'Nak, tigilan mo na muna saglit iyan. Bentahan mo iyong bumibili."
Gaya ng utos ni mama, binitawan ko saglit ang pagbabasa ko ng ebook sa tablet namin na bili lang sa supermarket na pinakamalapit sa lugar namin. Ayaw ko pa sanang ihinto ang pagbabasa ko ng inspirational stories ng sikat na author na si Mr. Joseph Mallari.
Sa may labas ng tindahan namin ay nakita kong may nakaparadang magarang kotse sa may tapat. Pumasok na ako sa loob para pagbilhan iyong bumibili.
"Miss, may palit kayo dito sa isang libo?" tanong nung inakala ni mama na bumibili. Kaaaar lang.
"Wala po," tipid kong sagot at pinilit na hindi ipakitang naiinis ako. Kita namang ang liit lang ng sari sari namin, ni hindi nga kami kumikita ng kalahati ng pera niya sa isang araw.
"Kahit tig-iisang daan lang?" tanong ulit ng lalaki na may katandaan.
"Wala po talaga."
"Oh pabili na lang ng dalawang pisong double mint," sabi pa nung lalaki. Hindi ko alam kung maiinis ako o magpapasalamat dahil gusto niyang bumili.
"Mister kung gusto niyo pong mantrip, lipat po kayo ng ibang tindahan," inis kong sabi at tatalikuran ko na sana iyong lalaki nang may narinig akong boses sa mau labas.
"Manong, tara na po. May barya pala ako sa bulsa."
Napatingin din ako sa lalaking nasa loob ng kotse. Si Vandale. Nakita kong tumingin siya saglit sa akin pero ni hindi niya ako nginitian.
Sabagay, pagkatapos ng mga sinabi ko sa kanya ay wala ng dahilan para ngitian niya ako o batiin.
Humingi ng pasensiya ang manong na mukhang driver ni Vandale bago samahan sa loob ng kotse si Vandale na sobrang gwapo sa suot niyang white shirt.
Pinanuod ko ang pag-alis ng kotse at saglit akong nakatulala nang mawala na sila sa paningin ko.
Yes, you can't have everything you want, even what you need. He is just...very unreachable.
Kinuha ko ang tablet at bumalik sa pagbabasa ng book na Fate.
"When she passed away and I realized, life is short, we must do the best thing. The best thing that will make us happy."
These words were written in the Author's Note. Kahit ilang beses kong basahin itong book na ito ay lagi na lang ako naiiyak.
The story of Mr. Joseph Mallari and Ms. Alexandra is very tragic. But Mr. Joseph realized a lot of things and shared those realizations to the world. Someday I will meet him and will thank him for his words.
**
"Hoy, Niana! I-kwento mo sa akin iyong date niyo!"
Umiling lang ako kay Cristel na kasabay ko sa paglabas sa Dean's Office. Kakatapos lang ng duty namin para sa araw na 'to.
"Ang daya mo naman, e. Kwento mo lang naman," pilit pa niya sa akin.
"Basta nag-usap kami tapos umayaw ako," and then I insult him. Muli akong umiling, "Basta iyon lang."
Cristel rolled her eyes, "Ang damot nito. Osiya, babye!"
Nginitian ko na lang siya at nag-wave. Magkaiba kasi kami ng sinasakyan kaya hindi kami sabay.
Malayo-layo pa ako sa side gate nang may bumusinang kotse sa likuran ko. Kotse ni Vandale. Ito iyong kotseng sinakyan ko, hindi iyong nakita ko sa tapat ng tindahan namin.
Mabilis akong umalis doon sa line na iyon. Daanan lang kasi iyon ng mga sasakyan pero dahil pasaway ako, ginagawa kong shortcut iyong side gate para agad na makalabas. Medyo malayo kasi ang main gate na siyang labasan ng mga masunuring estudyante.
Nagpatuloy lang ako sa paglalakad nang nakalabas na iyong kotse niya. Pagkatapos ay lumakad ulit ako doon sa daanan ng mga kotse.
"Manong guard, padaan ha," sabi ko sa umiiling na gwardiya. Best friends kami ni manong guard kaya sanay na ito sa akin.
Palakad pa lang ako sa may sakayan ng jeep nang may batang nagtitinda ng sampaguita na lumapit sa akin. Alam ko ang strategy ng mga batang ito.
"Ate, sampaguita po."
Umiling ako, "Libre ba?"
"Hindi po."
"Naku, muslim ako," nakakalokang sabi ko saka ko binilisan ang lakad ko.
Ako lang ang natawa sa sarili kong joke. Hindi talaga ako sigurado kung nag-aalay pa ng sampaguita ang mga Muslim. Pero madalas kong gamitin iyong joke na iyon sa mga batang makukulit na nagtitinda ng mga sampaguita.
Dahil sa bilis ng paglakad ko ay hindi ko napansin na may kalakihang bato sa dinadaanan ko na naging dahilan ng pagkadapa ko.
Agad akong tumingin sa paligid at nakahinga ng maluwag nang makitang walang tao sa banda ko. Umupo ako sa may gilid upang punasan iyong galos ko na may kaunting dugo.
Ang bilis nga naman talaga ng karma.
Paika-ika akong naglakad sa may sakayan ng jeep nang may nakita akong bote. Kinuha ko iyon at pasimpleng inalis ang sapatos ko. Humawak ako sa may pader para pansuporta. Nilagay ko sa talampakan ko ang bote at idiniin iyon ng pa-back and forth. Napapapikit ako sa sakit ng paa ko pero kailangan gawin ito para makapaglakad ulit ako ng maayos. Malayo layo pa kasi talaga ang nilalakad ko.
Natigil ang pag-aalipusta ko sa bote nang may pumaradang kotse sa may gilid ko. Mabilis kong sinuot ang sapatos ko at umayos ng tayo sa may gilid ng kalsada.
Bumukas iyong bintana at lumitaw ang gwapong mukha ni Vandale.
"Come in."
Mabilis akong umiling at nag-inarte, "Ay, h'wag na. Salamat na lang."
Nagulat ako nang lumabas sa kotse si Vandale at nilapitan ako habang nakatingin sa may paa ko.
"Ihahatid na kita sa inyo."
Holy gospel! Hindi siya galit?
BINABASA MO ANG
Two Worlds, One Word
FanfictionThe moment I fell, I told myself not to hope for anything. Your world is different from mine.