Chapter 19

2.1K 91 23
                                    

Chapter 19

Nakangiting sinundan ako ng tingin ni Vandale pagkatapos kong kumain. Tumango na lang ako sa kanya pagkatapos ay dumeretso sa kwarto para makapag-ayos. 

Sinuot ko ang kaisa-isang dress ko na regalo ng isang kaklase ko noon. Simpleng white dress lang ito na below the knee ang haba. Kapag may formal occasions ko lang itong sinusuot, I still prefer a simple shirt, jeans and rubber shoes.

Hindi ako manhid para hindi mapansin ang tingin ni Vandale sa akin nang makita niya akong nakadress. Napangiti na lang ako at sumunod na sa kanya palabas pagkatapos naming magpaalam kay mama.

"Saan ba tayo pupunta?" tanong ko.

Ngumiti lang siya pagkatapos ay pinagbuksan niya ako ng pinto na bihira lang mangyari. Habang nagmamaneho siya ay pinatugtog niya ang kantang minsan niyang kinanta na iniyakan ko.

"Vandale, bakit mo pinapatugtog iyan?"

"Tanda mo pa ba iyong sinabi ko sa'yo tungkol sa kantang 'to?" He asked me.

"Na ako ang unang taong kinantahan mo nito na nabubuhay pa?"

Naging malungkot ang ngiti ni Vandale pero tumango pa rin siya.

"I want you to meet her," sabi ni Vandale kaya bigla akong kinabahan.

"Pupunta tayo ng sementeryo?"

Nang tumango si Vandale bilang sagot ay mas lalo pa akong kinabahan nang sabihin niya ang sementeryong pupuntahan namin. Ayaw na ayaw ko kasi ang nagpupunta sa sementeryo iyon dahil masakit para sa akin ang makita ang pangalan ko sa mga lapidang nandoon.

"Pwede bang next time na lang?"

Nagbabaka-sakali lang ako kung papayag siya.

"If that's what you want. Anyway, I still have plans for us for today," sabi niya kaya nakahinga ako ng maayos.

Siguro may ibang babaeng aayawan ang ugaling ito ni Vandale, na planado na ang lahat at hindi na kailangan pang tanungin ang babae kung may sarili siyang plano. Para sa akin ang pagpaplano ni Vandale ay isa sa mga pruweba na pinaghandaan niya ang araw na ito.

"May gusto muna sana akong puntahan," sabi ko habang tinitingnan siyang mabuti.

"Saan?"

"Sa simbahan."


ISANG malaking pagbabago sa buhay kobang muling pagtawag ni mama sa totoo kong pangalan. Alam ng Panginoon kung ilang beses ko siyang kinukukit at nang tinupad na niya ang hiling ko ay napaka-unfair naman kung hindi ako magpapasalamat.

Parehas kaming nakaluhod ni Vandale habang tahimik na nagdadasal. Patapos na akong magdasal nang maramdaman kong nakatingin siya sa akin. Napangiti na lang ako at isinama siya sa mga panalangin ko.

"Lord, salamat po dahil nakilala ko si Vandale."

Nakangiti pa rin ako nang matapos at binalingan si Vandale na pinapanuod pa rin ako.

"Bumisita si Our Lady of Manaoag," sabi ko sabay turo sa may altar. Tiningnan naman ito ni Vandale pagkatapos ay hinila niya ako patayo. Maraming nakapila para makalapit sa Santo na usually na makikita sa malaking simbahan sa may Pangasinan. Pero matyaga pa rin kaming naghintay.

Nang kami na ang susulong ay lumuhod kami sa may tapat ng altar at may tali na ipinasuot sa amin na katulad ng sinusuot kapag kinakasal. Hindi ko alam kung bakit may ganito pa.

Muli akong nanalangin ng tahimik pero sa pagkakataong ito ay halos para kay Vandale ang mga panalangin ko. Hinintay muna akong matapos ni Vandale bago kami tumayo at sabay na lumapit sa imahe ng santo.

"Nakapunta ka na ba sa Manaoag, Pangasinan?" tanong ni Vandale habang tinitingnan ang santo, tulad ko.

"Oo, noong bata ako. Lagi daw kaming dinadala ng mama ko doon," sagot ko. "Ikaw ba?"

"Yes. Halos tatlong beses kaming pumunta doon sa isang taon. My mom was very religious."

Pakiramdam ko maiiyak ako nang mapansin ko ang ginamit niyang verb tense sa kanyang huling pangungusap.

Gusto kong magtanong pero mukhang mas mabuti sa ngayon na huwag muna at hintayin na lang siyang kusang magkwento tungkol sa kanyang mama.

Pinilit kong ibahin ang topic kaya tinanong ko na lang kung saan ang sunod naming pupuntahan.

"Sa bahay," simpleng sagot niya.

Two Worlds, One WordTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon