Chapter 16

2.1K 125 23
                                    

Chapter 16

Nabigyan ko ng mahinang hampas si Vandale ng dahil sa sinabi niya. Tumawa lang siya pagkatapos ay nagpatuloy na kami sa pagkain. Gaya ng dati kong gawain kapag kaarawan ko ay binibilhan ko ng bulaklak si mama. Bumili ako ng single rose at binigay iyon kay mama.

Kasama namin si Vandale nang nagdinner ulit kami sa bahay. Hindi siya umaalis agad sa amin dahil sa kagustuhang marinig niya ang gusto ko ring marinig mula kay mama. Pero imbes na pangalan ko ay ang pangalan ng kambal ko na naman ang binati niya.

Hindi na lang ako nagsalita at pinakinggan na lang si Vandale habang pinagpapaalam niya ako sa mama ko.

"Tita, pwede po ba kaming pumunta sa may malapit na park dito sa inyo?" nakangiting tanong ni Vandale habang hinahawakan ang kamay ko sa ilalim ng mesa.

Pagkatapos ng mahabang do's and don't's ni mama ay pinayagan pa rin kami kahit na maghahatinggabi na. Gaya nga ng sabi niya ay dinala niya ako sa isang park. Walang masyadong tao sa lugar kung saan siya nagpark kaya malaya kaming nakapag-usap sa labas ng kanyang sasakyan.

"Niana," titig na titig si Vandale sa mga mata ko kaya pakiramdam ko ay nakikita niya ang kaluluwa ko.

"Okay lang ako, Vandale. I don't know kung bakit. Kasi every birthday ko lagi ko talagang iniiyakan iyong tungkol sa bagay na iyon pero siguro darating talaga iyong oras na magsasawa ka na," malungkot kong sabi.

"It's your birthday, I want you to be happy," he said.

"Hindi mo alam kung gaano mo ako pinasaya, Vandale. Napakasungit mo kaya hindi aakalain na may superpower kang magpasaya ng isang tao." Hindi ko maiwasang hindi mapangiti nang maalala ko na naman ang mga nangyari kanina sa café.

"You also have no idea how much you make me nervous and happy each day since I met you," sabi niya sa akin.

Napahawak ako sa kanyang kamay nang may nararamdaman na naman akong kaba sa dibdib ko. You always make me nervous, Vandale.

Napakunot ang noo niya kaya lalo itong gumwapo sa paningin ko. Lalo na nang may sumilaw na maliit na ngisi sa kanyang mga labi pagkatapos ay dahan dahan siyang yumuko hanggang sa halos maramdaman ko na ang mga labi niya sa mga labi ko.

"Vandale..." tinawag ko ang pangalan niya pagkatapos ay napalunok na lang at nakalimutan na ang gusto kong sabihin.

Dahan-dahan kong ipinikit ang mga mata ko nang sinimulan na niya akong hinalikan. Hindi kagaya ng kanina ay sa sobrang pagkabigla ko ay hindi ko nasagot ang halik niya. He was kissing with so much affection. Ilang sandali lang ay sinabayan ko na siya. It was very slow yet very romantic and I felt our affection for each other.

Mabilis ang pintig ng puso ko at nararamdaman ko din ang mabilis na pagtibok ng kanya. Pareho kaming hinihingal nang tapusin niya ang halik at niyakap ako. Hinahaplos niya ang buhok ko kaya lalo akong nanghihina habang yakap yakap niya ako.

"Niana..." pagtawag niya sa akin at lalo akong kinabahan sa malambing niyang tono. "Thank you so much for always making me happy."

Sa pagsabi niyang iyon ay naalala ko ang ilang taon na palihim ko siyang sinusulyapan, kung ilang buwan ako pumupunta sa may tapat ng whiteboard para makita ang pagdaan niya sa classroom namin.

"Vandale, gisingin mo ako kung hindi ito totoo,"nakapikit na sabi ko pagkatapos ay naramdaman ko ang bahagyang paglayo niya sa akin. Sunod ko namang naramdaman ang paghaplos niya sa pisngi ko.

"Why are you crying?" he carefully asked.

"Hindi kasi talaga ako makapaniwala. Ngayon lang talaga nag-sink in," sabi ko kaya napangiti ko na naman siya.

He kissed my whole face,  from my forehead, down to the tip of my nose, down to my chin and lastly down to my lips.

"Do you feel this, Niana?"

I nodded.

"So this is real," he said with a broad smile on his face.

"NAKS, sabay," nanunuksong sabi ni Jasmin nang nakita kaming sabay na papasok sa classroom.

"Ikaw talaga, Jasmin," sabi ko pero tinawanan lang niya ako.

"Fafa Vandale, kumusta?" tanong ni Jasmin. Tumingin muna si Vandale sa akin bago niya sagutin si Jasmin.

"I'm fine and by the way, thank you for accompanying Niana while we weren't in good terms." Napangiwi ako sa kaprangkahan ni Vandale. Dapat na talaga akong masanay.

"No problemos!"

"Ano na namang sinisigaw mo diyan, Ms. Jasmin Lumbres?"

Sabay sabay kaming napatingin kay Ivan na kadarating lang.

"Wala kang pakialam," inis na wika ni Jasmin pagkatapos ay umupo na sa pwesto niya sa bandang likod. Samantalang umupo na rin kami ni Vandale sa may harapan.

Sa buong araw ay maraming nakapansin sa kakaibang aura namin ni Vandale. Madaming nagtanong kung kami na at ako ang laging sumasagot na hindi pa. Gusto naming parehas na maranasan iyong pakiramdam na nanliligaw at nililigawan. At hindi naman kami nagmamadali.

That night sa amin na naman nagdinner si Vandale para personal na magpaalam na liligawan niya ako. Sobrang tuwa ni mama nang malaman iyon at sinabing sagutin ko siya agad.

That night, also, muli ko na namang napanaginipan si Lianna. Hindi pa ako sigurado noong una kung ako ba o si Lianna iyon dahil talagang magkamukhang-magkamukha kami simula pa pagkabata. But when she talked, I already knew that she was Lianna. She was crying in my dream, yet she kept on saying the same phrase Vandale has told me.

I want you to be happy, Nee.

And I didn't understand why my twin was crying in my dream.

Two Worlds, One WordTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon