Chapter 10

2.7K 118 22
                                    

Chapter 10

Lumipas ang halos isang taon at nagsimula na ang second semester. Maaga pa lang ay nasa bahay na si Vandale, nasanay na kami ni mama. Minsan ay dito na rin kumakain ng almusal si Vandale. Halos isang taon na rin simula nang naging magkaibigan kami.

"Tara na, blockmate!" natatawang sabi ko. By average ang pagbibigay ng section sa amin pero depende pa rin iyon sa estudyante kung susunod siya o hindi. Kami ang namimili ng section namin pero ang mga nasa president's list ay ang madalas sumunod doon sa by average, maybe for recognition.

Pinipilit akong sumama ni Vandale sa section nilang mga president's lister pero ayaw kong magmukhang trying hard. Kaya eventually, siya ang umalis sa section niya. Hindi ko siya pinilit, nagvolunteer lang siyang lumipat para maging magkaklase kami.

I was very confused. Hindi sa feelings ko, kundi sa feelings niya para sa akin. Madalas niyang sabihin na ako lang ang nag-iisa niyang kaibigan. Pero ang mga kilos niya ay parang pinapakitang higit pa sa kaibigan ang tingin niya sa akin. I didn't want to ask, ayaw kong maisipan niyang binibigyan ko ng malisya ang treatment niya sa akin.

"Alam mo ba kung anong iniisip ko ngayon?" natatawang tanong ko sa kanya habang bumibyahe.

"Nope," sagot niya at saka saglit siyang tumingin sa akin. "What are you thinking, mate?"

Uminit ang pisngi ko sa tinawag niya sa akin. Kahit na alam kong blockmate ang ibig sabihin ng tinawag niya, pakiramdam ko pa rin ay tinawag niya akong soulmate.

Dahil nasanay na akong umiinit ang pisngi kapag kasama ko siya ay parang normal na lang iyon. Ilang buwan na rin kaming magkaibigan, kahit na naging busy siya sa eleksyon ay hindi pa rin niya akong nakakalimutang ihatid-sundo. Mabuti na lang ay natapos na, syempre si Vandale pa rin ang University School Council President. Second year pa lang kami nang nanalo siya sa unang term niya. At ngayong nasa third year na kami ay muli siyang nanalo. Sino bang hindi boboto sa isang responsableng prodigy?

"Dahil classmate na kita, pwede na akong kumopya ng assignments sa iyo," pabiro kong sabi.

Nakita kong tumaas ang gilid ng labi niya. "Sorry, mate, because I don't tolerate cheating."

Nagkunwari akong disappointed kaya tinawanan niya ako. "Akala ko pa naman, sure passed na ako this sem."

"You will. I will tutor you. Cheating isn't a preparation for the qualifying exam," seryosong sabi niya pero hindi pa rin nawawala ang maliit niyang ngiti sa labi.

Doon naman ako nakaramdam ng kaba. Lagi talaga akong kinakabahan every time I hear quali exams. Iyon ang tinetake na exam bago magsimula ang next academic year. Sinasabi ng mga CPA ngayon na mas mahirap iyong quali kaysa sa mismong CPA Board Exam. Kung pumasa ka, kabilang ka pa rin sa Accountancy Program. Pero kung hindi, hindi ka makakapag-5th year sa university. Kailangan mo pang lumipat at humanap ng ibang school para makapag-5th year at pagkatapos ay para makapagtake ng CPA Board Exam. Scholar ako sa umiversity, wala akong pera para magtransfer. Kung bumagsak man ako, balak kong magtatrabaho muna ako para makaipon. Swerte lang at pumasa ako sa last quali kaya kasali pa rin ako sa program. Iyon ay dahil na rin sa tulong ni Vandale, sa pagtutor niya sa akin noong Summer vacation bago mag-qualifying exam.

"Iyon ang problema ko, Van. Himala na sa akin ang makapasa ng quali noong second year. Paano pa kaya this school year?"

"You can do that, Niana. Pinaghihirapan naman ang lahat, right?"

I don't think na nahihirapan ka. Tumango na lang ako at inisip na kakayanin ko.

"Don't you like music?" tanong ko. Matagal ko nang gustong itanong iyon sa kanya. Sa tagal ko ng sumasakay sa kotse niya ay hindi ko pa siya nakikitang nagpatugtog sa kotse niya and even on his phone.

Two Worlds, One WordTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon