Chapter 1
"Pakibigay ito kay Mrs. Mallari." Inabot ng Dean sa akin ang folder na pinapabigay niya kay Mrs. Mallari
"Sige po," sagot ko bago umalis sa Dean's office.
Isa ako sa mga student assistant na nagtatrabaho before and after ng class ko. May matatanggap kasi na scholarship ang mga student assistant. Hindi ako ganoon katalino para maging President's Lister kaya kailangan kong magtrabaho para makapag-aral.
Nakakainggit nga ang mga estudyante na umuuwi ng maaga at marami pang oras para makapag-aral sa bahay. Madalas kasi umuuwi na ako ng sobrang late kaya itutulog ko na lang ang pagod. Gigising ako ng sobrang aga para makapag-review o makagawa ng mga assignments.
Pagkabukas ko ng Faculty Room ay nakita ko sa harapan ko si Vandale Ledesma. Tiningnan niya ako saglit pagkatapos ay dire-diretso ng lumabas.
Napahigpit ang kapit ko sa folder na hawak ko at tumalikod para sundan siya ng tingin. Pero nang mapagtanto ko kung anong ginagawa ko ay kusa akong huminto at napabuntong-hininga.
Nakita kong nakatingin sa akin Mrs. Mallari kaya bigla akong nahiya sa ginawa ko. Sana hindi niya nakita ang reaksyon ko kanina.
"Ma'am, pinapabigay po ng Dean," sabi ko at magpapaalam na sana kaso bigla niya akong nginitian na parang nanunukso. Isa si Mrs. Mallari sa mga mababait na professor sa University namin. Lagi siyang nakangiti at pilit na nagpapatawa, hindi kami natatawa sa joke madalas pero natatawa kami sa cuteness ng ginang kapag sinasabi niya 'yung joke.
"Akala ko ikaw lang ang hindi nagkakacrush kay Vandale dito."
Nag-init ang mga pisngi ko at napakamot sa ulo. Ngumiti na lang ako para pagtakpan 'yung kahihiyan na ginawa ko kanina.
"Ina-admire ko lang po siya, Ma'am. Ang talino po kasi," nahihiya kong sabi at saka tumawa naman si Mrs. Mallari.
Nang masiguro kong wala siyang ipapagawa ay agad na akong nagpaalam para makabalik na sa Dean's Office. Pero tulad ng kanina, pagkabukas ko ng door ay nasa tapat na naman si Vandale, muli niya akong tiningnan saglit at diretso nang pumasok sa room samantalang nanigas ako sa kinatatayuan ko.
Pakiramdam ko ay pulang pula na ang mga pisngi ko sa sobrang kilig na may kasamang hiya. Nararamdaman ko na naman iyong pakiramdam na parang kinakabahan kapag malapit siya.
"Miss?"
Lalo akong napako sa kinatatayuan ko nang marinig ko ang boses niya. Sa sobrang kaba ay hindi ako makalingon kahit na alam kong ako ang tinawag niya.
"Miss, pinapabigay ni Ma'am Mallari."
Narinig ko ang mababang boses niya na lalong nakakadagdag sa umaapaw na karisma niya. Naramdaman ko ang panginginig ng kamay ko nang inextend ko ang kamay ko patalikod para makuha iyong inaabot ni Vandale sa akin.
Naramdaman kong inilagay ni Vandale iyong isang folder sa kamay ko. Nagbilang ako ng tatlo bago ko naisipang lumingon, at nakita ko siya patalikod na naglalakad pabalik sa table ni Mrs. Mallari.
Nang makalayo na ako sa Faculty ay doon lang ako nakahinga ng maluwag. Bigla akong nahiya sa ginawa ko dahil nagmukha akong bastos kanina. Bakit hindi na lang akk humarap para kuhanin iyong folder na inaabot niya?
Ganito naman ako lagi, kapag nasa malapit si Vandale ay hindi nagfufunction ang ibang parts ng utak ko.
Binuksan ko ang folder at nakita ko ang ilang piraso na bond paper na wala mang nakasulat ng kahit ano.
Kahit na hindi ako ganoon katalino ay hindi ko na kailangan bumalik sa Faculty para itanong kay Mrs. Mallari kung para saan iyong folder. Alam kong sinadya niya iyon para makausap ko si Vandale pero hindi naman nangyari dahil sa kababawan ko.
"Hoy, Niana!"
Napalingon ako doon sa tumawag sa akin at nakita ko si Cristel na kasama kong student assistant sa office.
"Saan ka pupunta?" tanong niya sa akin at doon ko napagtanto na lumagpas na pala ako sa Dean's Office ng dahil sa mga pumapasok sa isipan ko.
"Wala wala, may tiningnan lang ako," palusot ko nang makalapit na ako sa kanya.
"Sayang at wala ka kanina! Pumunta si Vandale dito."
Pagkarinig ko ng Vandale ay bigla na naman akong kinabahan.
"Naghahanap siya ng student assistant na willing na sumali sa partylist niya," dagdag pa ni Cristel.
Malapit na kasi Election for SCO kaya kanya kanya na ang paghahanap ng mga kakandidato.
"Sigurado akong maraming gustong sumali d'yan," sabi ko sa tonong parang walang pakialam kay Vandale.
"Syempre pero kanina kasi tinanong ka niya kung nandito ka ba. Kakilala ka pala niya, 'no? Hindi mo man lang binabanggit."
Napalunok ako bigla sa sinabi niya. Seryoso? Hinanap niya ako?
"Ikaw yata ang gusto niyang ipasok sa partylist niya, e."
Pakiramdam ko ay bibigay ang puso ko sa sobrang lakas ng tibok nito. Kung totoo nga iyon, may malaking problema.
Takot ako humarap sa maraming tao.
Napaka-mahiyain ko, iyong tipong garalgal ang boses kapag nagrereport sa harapan. At iyong tipong kahit alam ang sagot ay hindi ako nagtataas ng kamay dahil nahihiya akong magrecite.
Sa klase namin ay hindi ako makapagsalita sa harapan ng maayos, paano pa kaya kapag sa campaign na?
At napakaimposible naman na ako ang gustong ipasok ni Vandale sa partylist niya. Balita ko mga mayayaman at sikat ang mga kabilang doon at masyado akong outcast para mapasali. Nega na kung nega pero iyon ang totoo.
May mga bagay talaga na magkaiba. Parang iyong mundo namin ni Vandale, magkaiba.
BINABASA MO ANG
Two Worlds, One Word
FanfictionThe moment I fell, I told myself not to hope for anything. Your world is different from mine.