Chapter 7
"Anak, kain na."
Sinubukan kong ngumiti kay mama nang pumasok siya sa kwarto ko. Binitawan ko ang hawak kong libro at sumunod sa kanya sa paglabas.
Tahimik ko siyang pinanuod habang hinahanda niya ang hapunan. She was happy, I could tell it based on the smile she was wearing.
"Ang bait na bata ng kaibigan mo, anak," komento ni mama kay Vandale.
Tumango ako at tipid na ngumiti. Mukhang nakaramdam si mama kaya nawala ang ngiti sa mukha niya at napalitan iyon ng pag-aalala.
"Masama ba ang pakiramdam mo?" tanong niya.
Kinagat ko ang labi ko at umiling. I shouldn't bring this up again.
"Pero bakit ganyan ang mukha mo? Alam kong may problema ka, Lee."
Ma, ikaw po iyon.
I loved my mom, very much. She would the woman I would love for the rest of my life. But sometimes, I wished I could just leave her, but I couldn't. I loved her so much that I would choose to stay with her, even if it hurt so much.
"Wala po."
I remembered every time I remind her that I am Niana, she would yell at me and ask me not to bring up her death.
"Liana..." tawag niya sa akin. Pumikit ako nang mariin at binitawan ang kutsarang hawak ko.
"Ma, Niana po."
"Wala na ang kambal mo, masaya na siya sa langit. H'wag mo na siyang problemahin, alam kong namimiss mo na siya--"
"Ma, hindi pa po ako patay," malumanay na sabi ko sa kanya. I did everything to make my tone more sincere. Gustong makita niyang hindi ako nagsisinungaling dahil hinding hindi ako magsisinungaling sa ganitong bagay.
Kumunot ang noo niya at tumahimik. I was looking at her, waiting for her to finally recognize me.
"Ma, ako po si Niana. Niana," pagbibigay diin ko sa pangalan ko.
Her confusion replaced by anger.
"Liana, tumigil ka."
"Ma, si Liana po ang wala na." The moment I said that it ached me even more. Sino bang gustong magpaliwanag na hindi siya ang namatay kundi ang kambal niya sa sarili niyang ina?
Matagal akong tiningnan ni mama at alam kong kinokontrol nito ang pagkairita niya sa akin. Dahil akala niya ay nagsisinungaling ako. She opened her mouth to say something but she closed it afterward. She realized something.
Nagsimula nang tumulo ang luha ko sa pag-aakalang naniwala na siya sa akin. But her next words almost killed me.
"Bakit ba lagi mong pinipilit iyang kasinungalingan mo? Hindi na nakakatawa."
After she said those words, she left me, sitting and dumbfounded.
**Pagkalabas na pagkalabas ko pa lang sa bahay ay nakita kong naghihintay na ang kotse ni Vandale. Hindi siya nagsabi kaya nasurpresa ako.
"Niana."
"Please, not now. Pagod ako," sabi ko sa kanya nang makalapit ako. Pagod ako mula kagabi, at naiinis rin dahil parang wala lang kay mama iyon. Para bang kinalimutan na lang niya iyong nangyari.
Pinagbuksan niya ako ng pinto at pumasok naman ako sa loob. Nagsimula na itong magdrive pero lagi ko siyang nahuhuling tumitingin sa gawi ko.
"Bakit mo ba ginagawa 'to?" I just really had to ask this. No need for me to elaborate, alam ko namang prangka si Vandale sa pagsagot. One good and bad thing about him.
"Because you are my friend."
I got frustrated every time he acts like this. Nambibitin siya lagi.
"Inunsulto kina noon diba?"
Tumaas ang isa niyang kilay, "So? I didn't take that as an insult," huminto ito tila nag-isip. "Maybe I did before my ego realized that you are actually right."
Natutuwa talaga ako kapag nagtatanong ako sa kanya. I liked honest people. Napapangiti nila ako ng dahil sa ugali nilang iyon. Especially Vandale, cute na honest and straight-forward.
"Sige na nga, I'm accepting your friend request," pagbibiro ko.
Kahit na diretso ang tingin niya sa daan ay nakita ko pa rin ang pagsilay ng magandang ngiti sa labi niya. Napahawak tuloy ako sa bag ko para mapigilan ang namumuong kilig sa sistema ko.
Wow. A smile. Really, miracle happens unexpectedly.
Natahimik na lang ako habang nakahinto ang sasakyan dahil sa traffic.
"Bakit pala ang aga mong pumapasok?" I ask. Maaga kasi ako dahil sa duty ko sa school.
Baka naman talagang gusto niya akong ihatid kaya pumupunta siya sa school ng maaga?
"University Student President's duties," tipid na sagot niya.
Hopia.
**"Do you want to have a breakfast in Mcdo?" pagyayaya ni Vandale dahil maaga pa naman.
Natahimik ako saglit at cinompute ang mga gastusin ko ngayong araw para malaman ko kung magkano pa ang matitira sa baon ko.
"Kung gusto mo ikaw na lang, hintayin na lang kita," pagtatanggi ko. Kahit kasi isang hash brown hindi na kakayanin ng budget ko. Poor kid problems.
"You already accepted my friend request, right?" tanong niya kaya tumango ako. "Then you should let me do something for my new friend."
"But I don't like it when it involves money."
Nakakalokong tiningnan lang ako ni Vandale pagkatapos niyang iparada ang sasakyan niya sa may parking lot ng Mcdo.
"So you think the gasoline is for free?" tanong niya sa akin. Very sarcastic, Vandale. Pero I must admit na tama naman siya.
"Oo nga, 'no?" nasambit ko. Ngumiti naman siya at lumabas na ng kotse kaya lumabas na rin ako.
Sabi ni Lord, h'wag daw tatanggihan ang grasya. I should make that my main motto.
Sabay kaming kumain at wala kaming ibang ginawa kundi mag-asaran. This is new. Nakakatuwa dahil kahit hindi namin pinag-uusapan iyong problema ko ay natutulungan pa rin niya akong kalimutan iyon kahit sandali lang.
Vandale has unique ways to help me. This is what I really like about him. I liked him before because of his reputation, being smart and respectful. I just saw what others saw in him. I saw how his other admirers saw him. But now, I liked him even more, with or without the reputation.
***Special thanks to my friend Endrei for answering my random questions. You aren't a good friend but I appreciate you a lot for being online always and for agreeing that the transpo fee on our hiking will be charged to you. With love and gold-digger-ness,
Joycei xx
BINABASA MO ANG
Two Worlds, One Word
FanfictionThe moment I fell, I told myself not to hope for anything. Your world is different from mine.