Chapter 15

2.1K 131 46
                                    

Chapter 15

Hinayaan lang akong umiyak doon ni Vandale. Medyo nahiya pa ako nang dumating iyong service crew para ibigay ang order namin.

"Vandale, umabsent ka ba para dito? Para ma-videohan ito?" tanong ko habang pinupunasan ang luha gamit ang panyo niya.

"Of course not," sagot niya pagkatapos ay may kinalkal sa kanyang bag. "I went to ask him to sign these books for you."

My jaw dropped when he brought out the complete collection of Mr. Joseph's books.

"Para sa akin ang lahat ng ito?" I asked and welled up again when he nodded.

Dahan-dahan ang pagbukas ko sa unang librong naabot ko, ang librong Fate. I was so mesmerized when I saw Mr. Joseph's signature on the first page. Binuksan ko lahat ng librong nasa table. At iyong pinakahuling librong nakapatong ay mukhang nagamit na dahil may maliit na lukot na sa cover. Isang copy na naman iyon ng Fate, Mr. Joseph's first ever book.

"Bakit dalawa iyong copy ng Fate?" curious kong tanong sa kanya.

"That's my copy," turo ni Vandale sa librong hawak ko.

Bago pa ako mapigilan ni Vandale ay nabuksan ko na iyong libro. Napakunot ang noo ko sa nabasa.

"Dearest Niana,

If you're reading this then good, Vandale's true to his words. I gave this copy to him because I want him to realize something. This copy is for him and the book as well. I heard from him how much you love us and I thank you for that.

Maybe you're wondering why I gave this to Vandale yet this note-letter is adressed to you. This is because I want you to help me with Vandale. I may not know you both personally but I know what's going on between the two of you. You are my reader and I believe you know what I mean by that.

I wish to meet you, Niana, with him and all smiles.

-Joseph Mallari"

Pakiramdam ko ay nakanganga ako habang paulit ulit iyong binabasa.

"Is this real?" tanong ko sa kanya.

Nang tumango siya ay agad ko siyang niyakap ng mahigpit sa sobrang saya habang paulit ulit akong nagpasalamat.

"Happy birthday, Niana," bati niya sa akin. This is my second birthday na magkakilala na kami.

"Thank you, thank you talaga, Vandale," sabi ko sa kanya habang yakap ko pa rin. Mahigpit din ang yakap niya sa akin.

Nakangiti si Vandale at mamula mula ang pisngi nang lumayo na ako sa kanya, "Let's eat?"

Tumango ako at bahagyang nahiya sa ginawa kong pagyakap sa kanya.

Habang kumakain ako ay nanatili lamang siyang nakamasid sa akin kaya nailang ako bigla. Iyong tingin ay parang may gusto siyang sabihin pero hindi niya alam kung paano.

"May gusto ka bang sabihin, Vandale?" tanong ko sa kanya.

Nagulat ako sa pinakitang reaksyon niya dahil may naaninag akong kaba sa kanyang mga mata sa unang pagkakataon.

Hindi siya sumagot kaya naisipan kong magtanong ulit.

"Bakit ganyan mukha mo? May gusto ka bang--"

"I like you, Niana."

Natulala ako sa biglaan niyang pahayag. Sa apat na salitang iyon ay halos sumabog ang puso ko. Hindi ko alam kung namali ba ako ng dinig o kung panaginip ba ito. Para makasiguro ay pasimple kong kinurot ang kamay ko.

Napalunok ako nang naramdaman ko ang sakit galing sa aking pagkurot. My God, so sweet.

"Anong sabi mo?" pautal kong tanong.

Huminga siya ng malalim pagkatapos ay uminom ng kanyang coffee.

"When he gave me that book this morning, I decided not to go to school to finish it. As I finished it, I realized that what I feel for you isn't ordinary. I've always wanted you as my friend or my sister that I never had. But my affection for you shows that I want you more than that. I do know nothing when it comes to romance." Huminto siya saglit para tingnan ako ng seryoso sa mga mata. 
"I didn't know before this day that what I feel for you is something very special." When he said that, I felt my hands as cold as ice.

Hindi ako makahinga. I didn't know what to say. Pakiramdam ko ay namumutla ako imbes na mamula sa kilig. Pero deep inside sobra pa sa kilig ang nararamdaman ko

Iyong mukha niyang kinakabahan ay napalitan iyon ng nag-aalalang mukha.

"Niana. Breathe," kalmado pero nag-aalala niyang sabi.

I want to breathe pero hindi sumusunod ang katawan ko sa utak ko.

"Niana, inhale," muli niyang sabi pero patuloy pa rin ako sa paghold ng breath ko.

What's happening to me?

Nagsimula ng niyugyog ni Vandale ang mga balikat ko.

"Goodness, Niana! Breathe!"

I heard panic in his voice. Hindi na niya alam kung anong gagawin niya. Wala na ang kalmadong Vandale na nakilala ko.

I was shocked when I felt his lips on mine. I felt him giving me air. And finally, I breathed properly.

Hinihingal pa si Vandale nang maayos na akong nakakahinga. Namumutla pa rin ang mukha niya pero bakas ang relief sa mukha niya.

Bigla naman niya akong niyakap ng sobrang higpit. Hinahaplos pa niya ang buhok na parang kinakalma ako kahit na hindi na kailangan.

"Niana, tinakot mo ako."

Napangiti ako habang nalalanghap ko ang pabango niya.

"Ano ka ba, sobrang pinakaba mo lang ako kasi naman pabigla-bigla ka e. Pero ayos na ako," sabi ko at natawa nang maalala ang natataranta niyang mukha pero namula naman ako nang maalala kung paano nagdikit ang mga labi namin sa unang pagkakataon.

"Are you sure?" paniniguro niya.

"Oo naman," sagot ko pagkatapos ay bahagyang lumayo sa kanya.

"Hindi mo alam kung gaano mo ako pinasaya, Vandale. Alam mo na siguro na matagal na kitang ano," sabi ko.

"Anong ano?" nakangisi na si Vandale habang tinatanong iyon.

"Iyong ano parang crush?" patanong kong sagot na ikinatawa niya.

"Crush lang?"

Pulang pula na ang mukha ko kaya hindi ko na siya pinansin at kumain na lang ulit ako. Ginaya naman niya ako pero malaki ang ngiti niya habang kumakain.

"May sasabihin pala ako," sabi niya.

"Oh?" kunwaring hindi interasado kong tanong.

"You're my first kiss."

Natulala na naman ako sa biglaan niyang pahayag.

Gusto mo ba akong patayin, Vandale?

Two Worlds, One WordTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon