Chapter 22

1.7K 83 8
                                    

Chapter 22

Kumakain kami ng lunch sa dining nila nang maisipan kong itanong sa kanya ang tungkol sa pagkamatay ng mama niya. Pero mas okay siguro kung pagkatapos na lang niyang kumain.

Inaasahan kong kasama naming kumain ang papa niya pero hindi siya bumaba para makisabay sa amin. Ang sabi ni Vandale ay mas gustong kumain na mag-isa ng papa niya.

Masarap ang pagkain nila sa bahay, pero iba pa rin talaga kapag luto ng isang nanay. Sobrang nalulungkot at nasasaktan ako kapag iniisip ko na wala na ang kanya mama. Alam ko ang pakiramdam ng mawalan ng magulang. Nang mawala si papa ay hanggang ngayon ay nakakaramdam ako ng pagkukulang sa katauhan ko.

Lagi kong iniisip na kung nandyan pa kaya si papa ay ihahatid-sundo niya ako sa paaralan? Kung buhay pa kaya si papa ay papayagan niyang manligaw si Vandale sa akin? Magugustuhan niya rin kaya si Vandale? Ang mga tanong na ito ay hanggang sa imahinasyon ko na lang.

"What are you thinking?" narinig kong tanong ni Vandale.

"Iniisip ko lang kung paano kaya kung iyong mga nangyari sa nakaraan ay hindi naman talaga nangyari?"

Napakunot ang noo ni Vandale kaya napailing na lang din ako. Kahit kasi ako ay hindi ko naintindihan ang sinabi ko.

Para hindi kalimutan na lang niya ang tanong ko ay nagbukas na lang ako ng ibang topic about school.

"Sobrang hirap ng Cost Accounting, Vandale. Hanggang ngayon hindi ko pa talaga magets," reklamo ko. "Ikaw ba?" tanong ko kahit na alam ko na ang isasagot niya.

Sabagay, paano ko maiintindihan kung inuuna ko ang mga problema ko sa bahay?

"Naiintindihan ko naman. Anong part ba ang hindi mo naiintindihan?" tanong niya sa akin habang tinatapos na ang kanyang pagkain.

"Madami," sagot ko pagkatapos ay sinabi ko ang mga topic. Tumatango-tango na lang si Vandale. At nang natapos akong sabihin lahat ay uminom ito mula sa baso ng orange juice bago magsalita.

"Do you want me to tutor you?" he asked.

"Okay lang ba sa'yo?" tanong ko.

Seryoso niyang tiningnan ang pagkain ko pagkatapos ang mukha ko, para bang may malalim siyang iniisip.

"I wouldn't ask if I didn't want to," sabi niya sa akin kaya napangiti ako.

"Kailan?" tanong ko. Hindi ko maiwasan ang aking excitement. Alam ko naman kasi na talagang marami akong matututunan mula sa kanya.

Ngumiti na rin si Vandale. "Finish your food and then I'll bring you home."

"Doon tayo sa amin?"

Halos kasabay ng pagtango niya ang pag-iling ko.

"Dito na lang, Vandale." Hindi ko pa alam kung paano ko haharapin si mama. Sobrang matutuwa ako na tanggap na niya na hindi ako ang namatay niyang anak. Pero hindi ko pa rin maalis sa isipan ko na kung paano ako maiilang pagka-uwi.

Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Kung kailan nangyari na ang gusto kong mangyari, naiilang naman ako. Siguro naninibago lang. Mahigit isang dekada niya akong hindi kinilala sa totoong ako.

"If that's what you want," ngumiti siya sa akin bago niya kunin sa bulsa kiya ang kanyang phone.

"Excuse me, Niana. I will just call your mom. Do you want to talk to her?" tanong ni Vandale.

Umiling ako at sinabing okay lang sa akin na tawagin niya si mama. Akala ko tatayo siya at aalis pero tinawagan niya si mama sa harap ko mismo.

"Hello po, Tita," magalang na bati ni Vandale sa mama ko.

"Ipapaalam ko lang po si Niana. Magrereview po kasi kami, opo."

Tumingin sa akin si Vandale habang nakadikit pa rin ang phone niya sa kanyang tenga. Mukhang nakikinig siya sa mga sinasabi ni mama.

"Opo, Tita. Nasa harapan ko po siya, nakikinig," sabi ni Vandale na may mahinang tawa sa huli.

"Salamat po."

Pagkababa ni Vandale sa phone niya ay tinanong ko na kung anong sabi ni mama.

"Your mom said-"

Hininto ko ang sasabihin niya kaya nalukot ang kanyang noo.

"Tagalog."

"What?" nagtatakang tanong niya sa akin.

"Kaninang kausap mo si mama nagtatagalog ka. Bakit kapag ako, English?" may himig na tampong sabi ko. Ewan ko kung bakit big deal iyon para sa akin.

Tinawanan lang ako ni Vandale.

"I don't think you should-"

"Tagalog," muli kong sabi.

Ngiti-ngiting itinaas niya ang kanyang dalawang kamay, ipinapahiwatig niya ang kanyang pagsuko.

"Walang ibang meaning-or should I translate this as well?" Napatigil si Vandale sa pagsasalita nang mapagtantong nagsalita ulit siya sa English, para siyang biglang nafrustrate. Mukhang hindi talaga siya sanay sa pagsasalita ng Tagalog.

"Ayaw ko naman na maging makata ka. Okay lang na mag-english ka paminsan-minsan. Pero h'wag madalas," sabi ko at napangiti naman siya.

"Masusunod, aking Niana."

Namula ako sa sinabi niya. Iba pala ang epekto kapag tinagalog niya.

"Anyway, ang sabi ni Tita ay pwede kang," tumigil si Vandale at saglit na nag-isip. "Pwede kang dumito, ihahatid na lang kita pauwi."

"Pwede bang dito ako matulog?" maingat kong tanong.

Kitang kita ang frustration sa mukha ni Vandale. Napapansin kong napapadalas nang nawawala ang kalmado niyang ekspresyon kapag kasama niya ako. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o hindi.

"Niana..."

Napasubo ako sa pagkain ko at ipinagpatuloy na muna iyon. Hindi naman inalis ni Vandale ang tingin niya sa akin hanggang sa pag-inom ko ng tubig.

"Napag-isipan mo na ba?" tanong ko.

"Why?" tanong niya sa akin kaya bahagya kong nakagat ang labi ko.

"Sa tingin ko kasi kulang ang time sa pagtutor mo sa akin. Matagal akong umintindi," palusot ko pero mukhang hindi siya satisfied kaya naitaas niya ang isang kilay niya.

"I can tutor you again tomorrow," sabi pa niya.

"Busy kasi ako bukas," sabi ko at inisip si mama. Balak kong kausapin bukas si mama.

Napabuntong-hininga si Vandale at parang hindi niya alam kung anong gagawin niya. Tuluyan nang nawala ang pagiging kalmado niya ng dahil sa akin.

Tinitingnan ko lang siya at tiningnan na medyo may pagmamakaawa para payagan niya ako.

Matagal bago siya nagsalita at palipatlipat ang tingin niya sa akin at sa kanyang phone na nasa mesa.

Mabagal ang pagkuha ni Vandale sa kanyang phone, halatang hindi pa rin siya sigurado sa gagawing desisyon. Napakagat na rin siya sa sarili niyang labi, gaya ko.

Pero sa huli ay nagpipindot siya sa kanyang phone at muling inilagay iyon sa tenga niya.

"I'm going to ask your mom for permission."

Two Worlds, One WordTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon