Chapter 6
Pagkatapos ng tawag na iyon ay hindi ko na alam kung paano ko haharapin si Vandale sa susunod naming pagkikita. Nahihiya ako dahil narinig niya akong umiyak. Mababaw na kung mababaw pero iyon talaga ang nararamdaman ko dahil siguro hindi ako sanay magpakita ng weakness kahit na kanino, lalong lalo na sa lalaking hinahangaan ko. Wala rin akong matatawag na kaibigan na pwede kong mapagsasabihan ng lahat ng hinanakit na nararamdaman ko.
Sa tagal tagal ko ng gawain ang pagpunta sa may white board kapag alam kong dadaan na siya sa room, ito lang ang araw na talagang nagdalawang isip ako. Pero sa bandang huli ay nagpunta pa rin ako sa harapan at kunwaring binubura ang mga nakasulat doon.
Nang tumahimik ang mga kaklase ko sa labas ng room na naghihintay din sa pagdaan ni Vandale ay alam ko ng malapit na siya. Tulad ng dati, pasimple kong pinanuod ang paglakad niya kaya halos atakihin ako ng bigla siyang huminto at diretsong tumingin sa akin.
Halos mabitawan ko ang eraser sa sobrang kaba, lalo na ng nakita kong lumalapit na siya sa may pinto. Mabilis akong umiwas ng tingin at umupo sa upuan na pinakamalapit. Akala ko hindi na niya itutuloy 'yong pagpasok niya pero nagkamali ako.
Pumasok siya sa room namin ng walang paalam, hindi pa naman kasi nagsisimula ang klase namin for that period.
"Niana."
"Oh, hi!" sabi ko at nakakalokang ngumiti ng sobrang peke.
"Are you feeling better?"
Napalunok ako habang tinitingnan ang mga seryosong mata niya na deretsong nakatingin lang sa akin. Bakit ba ganito kalakas ang epekto sa akin ng lalaking ito?
"Ano...oo," natatarantang tumayo ako at lumipat sa assigned seat ko.
Walang reaksyon si Vandale sa kabastusang ginawa ko, nakatayo pa rin siya doon habang sinusundan ako ng tingin. Ngumiti na lang ako sa kanya at kumaway.
"Let's talk after your duty later." Iyon lang ang sinabi ni Vandale pagkatapos ay tinalikuran na ako. Pero bago pa siya makalabas ay siyang pagpasok naman ng professor namin.
"Oh, Vandale. What are you doing here?" tanong ni Mrs. Mallari.
Bahagya akong napapikit nang narinig ko ang tanong ni Mrs. Mallari. Pinagloloko ba ako ng tadhana at talagang naabutan pa siya ni Mrs. Mallari na kaisa-isang nakakaalam ang admiration ko para kay Vandale.
Knowing Vandale alam kong hindi siya marunong magpaligoy-ligoy sa pagsagot ng mga tanong.
"I needed to see Niana and checked on her, Ma'am," sagot ni Vandale at narinig ko ang pagsinghap ng mga kaklase ko. At nakita ang paglaki ng mga mata ng mga kaklase kong babae na nasa labas pa rin ng room namin.
Napapikit ako nang tumingin sa akin si Ma'am Mallari, I didn't want to see her teasing smile. Paniguradong kakantyawin niya ako at siguradong gigyerahin ako ng mga kaklase ko.
"I have to go, Ma'am." Narinig kong sabi ni Vandale kaya dumilat na ako. Tumingin muna siya sa akin bago siya lumabas ng room namin.
Nakakalokong tumikhim ang cute naming guro pagkatapos ay binigyan niya akong nanunuyang ngiti. Napakagat na lang ako sa labi at tahimik na kinuha ang libro ko sa kanyang subject na hiniram ko lang sa library.
Alam kong nakikinig ako pero wala akong naiintindihan sa lesson. Pinilit kong magconcentrate pero wala talagang pumapasok na matino sa utak ko. Puro replay lang ng nangyari kanina at ang perpektong mukha ni Vandale ang paulit-ulit na umiikot sa utak ko.
Niana, you have to pay attention. Accounting is not a joke.
Ilang beses kong sinabi sa sarili ko pero sadyang malakas ang epekto ng isang Vandale. Naririnig kong nagtatanong ang katabi ko about kay Vandale pero hindi ako sumasagot.
BINABASA MO ANG
Two Worlds, One Word
Fiksi PenggemarThe moment I fell, I told myself not to hope for anything. Your world is different from mine.