Chapter 9

2.9K 123 24
                                    

Chapter 9

"Ibaba mo na lang ako d'yan sa may terminal , Vandale."

Hindi ako pinansin ni Vandale bagkus ay nagtuloy-tuloy lang siya sa pagmamaneho ng sasakyan niya.

"Vandale, iliko mo d'yan sa terminal ng jeep," muli kong utos sa kanyan. Hiyang-hiya na kasi ako sa kanya dahil araw araw na niya akong hinahatid-sundo at isa pa ayaw kong makausap niya ulit si mama.

"Do you like to encounter a ghost again, Niana?"

Natahimik ako at muli na naming kinabahan nang dahil sa narinig ko na naman ang salitang iyon na nagpagulo sa utak ko ngayong araw.

"Since kalian ka pa nakakakita ng ganon?" tanong ko.

"I don't know. But I was tenwhen I realized that I actually talked to a ghost," sagot ni Vandale.

"Pa...paano mo ba malalaman kung ang nakita mo ay multo? I mean, ano bang pinagkaiba?" muli kong tanong.

"It is very easy to distinguish ghosts from humans, Niana. You just need to be very observant of the person you are talking to. You are a human, you should know your qualities as a human."

"Hindi ko alam pero hindi ko talaga alam," bigo kong sabi. "Sa tingin mo ba makakakita ako ulit ng ganon?"

"Let's see," sabi niya pagkatapos ay iniliko niya ang kotse sa may parking lot ng isang mall.

Nanlaki ang mata ko at napaayos ng upo. "Huy, Vandale. H'wag."

Binigyan lang niya ako ng tipid na ngiti pagkatapos ay tinuloy ang pagpapark ng kanyang sasakyan. Wala na akong nagawa nang lumabas siya ng sasakyan kaya lumabas na rin ako.

"Anong gagawin natin sa mall, Vandale?" tanong ko kahit na alam ko na naman kung anong binabalak niya.

Malapit na ang closing time ng mall pero marami pa ring tao. Hindi sinagot ni Vandale ang tanong ko, inalalayan niya lang akong umupo sa mga upuan sa labas ng Krispy Kreme.

"What do you want to eat?" tanong niya sa akin.

Sinubukan kong tumingin sa loob para tingnan kung may menu pero hindi ko naman makita iyong pangalan. First time ko dito kaya wala akong alam sa menu.

"Iyong mura na lang," sabi ko sa kanya.

Bahagya siyang umiling, "This is my treat."

"Again and again?" hindi ko naiwasang sabihin.

Tumaas ang isang kilay ni Vandale kaya napalunok na lang ako. Gwapo pa rin kasi siya kahit na nagsusungit, lalo pa nga itong gumagwapo.

Umiwas ako ng tingin sa kanya at kunwaring humanap ng kung ano sa bag ko. "Ikaw na bahala," sabi ko nang hindi man lang tumingin sa kanya.

Habang hinihintay ko siya ay iniisip ko na ang itetext ko kay mama. Kahit naman nagtatampo ako sa kanya ay ayaw ko pa ring nag-aalala siya para sa akin...para kay Lianne.

Nang bumalik si Vandale na may dalang tray ay agad akong nakitext sa kanya. Sinabi ko ang totoo kay mama na nasa mall ako kasama si Vandale. Pagkatapos kong isend ay ibinalik ko na kay Vandale dahil alam kong parehas kaming walang load ni mama.

Inilapag ni Vandale ang isang coffee at dalawang platito sa harapan ko na may chocolate flavor na doughnut na may nakatusok na kitkat at isa naman ay plain lang. Kung may camera lang ang phone ko ay kinuhanan ko na ng litrato ang mga doughnut na ito.

"Do you see that guy?" biglang tanong ni Vandale. Hindi siya tumuturo pero diretso ang tingin niya sa isang partikular na tao. Lumingon naman ako habang pasimpleng inaalis iyong pagkakalagay ng kitkat doon sa doughnut.

Two Worlds, One WordTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon