Chapter 2
Nang marinig kong padaan na si Vandale sa room namin ay pasimple kong hinanap ang eraser para burahin ang mga nakasulat sa white board.
Pero hindi ko makita kaya kunwari na hinahanap ko pa rin sa harapan pero sa totoo lang, hinihintay ko lang talaga ang pagdaan niya.
Nakita ko ulit ang mga kaklase kong may crush din sa kanya na nasa labas na ng room at kumukuha na ng lakas ng loob para kausapin siya. Pero kapag nasa malapit na si Vandale ay alam kong masasayang ulit ang araw na ito para sa kanila. Katulad ko ay natutulala rin sila at hindi makapagsalita kapag nasa harapan na nila si Vandale.
"Niana, kuha ka ng eraser sa Dean's. Mukhang may nag-uwi na naman," utos ng Class President namin.
Tumango ako at lumabas na ng room para pumunta sa Dean's Office. Mabilis ang lakad ko noong una pero nang makita kong makakasalubong ko siya ay naging mabagal na.
Gaya ng dati, maayos ang suot niyang uniporme at suot niya ang kanyang eyeglasses na lalong nagpapagwapo sa kanya. Seryoso ang mukha niya habang nakikinig sa sinasabi ng isang lalaking kasabay niyang naglalakad. Ang lalaki ang isa sa mga ka-partido niya sa election.
Nang malapit na sila ay iniwas ko na ang tingin ko at diretso nang naglakad. Sa peripheral vision ko ay nakita kong tinuro ako ng kasama ni Vandale kaya binilisan ko ang lakad ko.
Hindi naman nila ako tinawag kaya nakahinga ako ng maluwag. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin, kahit na gaano ko kagusto si Vandale ay mas gusto kong nakikita siya sa malayuan. Nawawala ako sarili kapag malapit lang siya at mas makakabuti para sa akin kapag ganito na lang.
Pagkakuha ko ng eraser ay bumalik na ako sa room. Nakita kong nagkukumpulan pa rin ang mga kaklase ko doon. Nang malapit na ako ay sinalubong ako ni Louisse.
"Hinahanap ka ni Vandale! Bakit hindi mo sinabi sa aming kakilala ka niya?" tanong niya sa akin.
Hindi ko siya ka-close kaya hindi ko alam kung bakit nakaya niyang itanong sa akin iyon. At lalong lalo na hindi ko naman alam na kakilala ako ni Vandale.
"Huh? Hindi ko alam," sabi ko at tinalikuran siya.
Nakita kong nakasandal sa may pader sa tabi ng door namin si Vandale. Umayos siya ng tayo nang makita niya ako.
Nakaramdam na naman ako ng kaba at hindi ko alam kung anong sasabihin ko.
"Hmm... hinahanap mo daw ako?"
Ngumiti ako sa kanya habang sinasabi iyon para maitago ko ang kaba na nararamdaman ko.
Tumango si Vandale at ni hindi man ako nginitian pabalik. Tumingin lang siya sa suot niyang relo pagkatapos ay muli akong tiningnan.
"I want to ask you something but classes will start in three minutes. Will it be okay with you if I ask you to meet me later after class?"
Nilunok ko na siguro ang lahat ng laway ko pero hindi ko pa rin alam kung anong isasagot ko.
"Ahh, kasi may duty pa ako mamaya," nahihiya kong sabi. Sino ba ako para tanggihan siya?
Tumango ulit si Vandale.
"Maghihintay ako. See you," he said, leaving me dumbfounded.
Nagising lang ako mula sa pagkakatulala nang yugyugin ako ng isa kong classmate.
"Nakakainggit ka, Niana! Buti ka pa kakilala niya."
"Hindi. Hindi naman talaga niya ako kakilala, may itatanong lang daw siya sa akin," sabi ko.
"Sus! Narinig naming niyayaya ka niya mamaya at hihintayin ka pa niya," singit ni Louise na crush na crush si Vandale.
Naiiling na lang ako sa kanila. Kung gusto nilang makilala sila ni Vandale, edi magpakilala sila.
BINABASA MO ANG
Two Worlds, One Word
FanfictionThe moment I fell, I told myself not to hope for anything. Your world is different from mine.