Chapter 25
Kinabukasan ay hindi nagparamdam si Vandale. Pinadalhan ko siya ng isang text message na nangangamusta pero hindi ito sumagot. Ilang oras ko ring inisip kung bakit biglang nag-iba ang mood niya at kung anong naging dahilan.
Akala ko ay hindi ako susunduin ni Vandale noong Lunes pero gaya ng dati ay maaga pa lang ay nasa bahay na siya. Kausap niya si mama nang bumaba na ako pagkatapos kong magbihis at mag-ayos. Mukhang seryoso ang pinag-uusapan nila pero bigla silang nanahimik nang nakita nilang palapit na ako.
"Anong pinag-uusapan niyo?" tanong ko habang tinitingnan si Vandale na nakatingin din sa akin.
"We talked about you and-"
"Maupo ka na para makakain na. Pinag-usapan lang namin kayo ng kambal mo," pagpapatuloy ni mama sa sinimulan ni Vandale.
Hindi ugali ni mama ang magsalita kapag may ibang tao pang kasalukuyang nagsasalita. Mas nagtaka pa ako doon kesa sa kung anumang pinag-uusapan nila.
Tahimik akong kumain habang palipat lipat ang tingin ko kina mama at Vandale na tahimik ding kumain.
Pagkatapos naming mag-almusal ay nagpaalam na kami para umalis at pumasok sa school. Pinauna pa ako ni Vandale kasi may sasabihin pa daw siya sa mama ko.
Hinayaan ko na lang siya kung anuman ang sinesekreto niya sa akin. Hindi ko naman kailangan malaman ang lahat.
Pagkaraan ng halos dalawang minuto ay lumabas na si Vandale at pinagbuksan pa ako ng pinto ng sasakyan niya.
"May problema ka ba?" tanong ko habang pinapaandar ang kotse.
Tahimik lang siyang umiling sa akin kaya lalong hindi napanatag ang loob ko. Pero tumahimik na lang ako sa upuan ko. Kaya kong maghintay hanggang sa kaya na niyang sabihin sa akin kung anuman ang bumabagabag sa loob niya.
Bago kami bumaba sa sasakyan pagkarating namin sa parking lot ng university ay sinubukan kong hawakan ang kamay niyang nakahawak pa rin sa steering wheel.
"Kung anuman 'yang bumabagabag sa'yo, alam kong kakayanin mo 'yan, Vandale," sabi ko at pilit na ginagawang cheerful ang tono ng boses ko.
Ngumiti naman si Vandale sa akin pero hindi iyon umabot sa mga magagandang mata niya. Pagkatapos ay siya naman ang humawak ng kamay ko at bahagya pang hinaplos iyon.
Ilang minuto rin ang nakalipas bago pakawalan ni Vandale ang mga kamay ko. Nakatingin lang siya sa akin na para bang may sinasagot siyang audit problems sa mukha ko.
"Vandale, baka malate ako sa duty ko niyan," biro ko sa kanya kaya pinakawalan na niya ang kamay ko at sabay na kaming lumabas ng sasakyan niya.
Gaya kanina ay tahimik din kaming naglalakad papasok sa Accountancy building. Sanay na akong tahimik siya pero hindi naman siya ganitong katahimik dati.
"Vandale, kinakabahan na ako sa'yo," pag-amin ko sa kanya. Pero hindi man lang siya tumingin sa akin at patuloy pa rin sa paglalakad.
Sinubukan ko na talagang manahimik na lang. Noong nasa elevator na kami ay kaming dalawa lang ang sakay dahil masyado pang maaga bago magstart ang morning classes.
Pipindot na sana ako ng floor nang maalala ko na sa ground floor lang pala ang Dean's office. Pinindot ko na lang ang open button para makalabas ako ng elevator. Nagtataka kong tiningnan si Vandale na nakatingin na rin sa akin.
"Bakit hindi mo man lang sinabi sa akin?" tanong ko pero alam ko namang nahawa lang ako sa pagiging absent minded niya.
Bahagya lang siyang ngumiti sa akin kaya napailing na lang ako at lumabas na ng elevator dahil may isang estudyanteng mukhang sasakay din. Pero bago pa man ako makalabas ay nahawakan na ni Vandale ang wrist ko.
BINABASA MO ANG
Two Worlds, One Word
FanficThe moment I fell, I told myself not to hope for anything. Your world is different from mine.