Chapter 17
"Cristel, okay ka lang ba?" tanong ko kay Cristel na tulalang nakatingin lang sa phone niya na parang may hinihintay na tumawag o magtext.
Umiling lang siya sa akin pagkatapos ay itinago na ang phone niya sa bulsa ng kanyang palda.
"Ikaw naman ang natutulala ngayon," sabi ko. Pero mukhang nainis lang siya sa sinabi ko.
"Masaya ka na kasi," she said coldly. Ramdam ko ang lamig kaya hindi ko na sinubukang magsalita pang muli.
Halos buong duty siyang wala sa sarili kaya ako na ang sumuporta gaya ng lagi niyang ginagawa kapag ako naman ang nawawala sa sarili.
"Alam mo ba nakakapagtaka si Cristel kanina," pagkukwento ko kay Vandale habang hinahatid niya ako pauwi ng bahay.
"What about her?"
"Ewan. Hindi ko siya maintindihan, actually," sagot ko habang iniisip ang mukha ni Cristel kanina. Napailing na lang ako at piniling h'wag na munang intindihin si Cristel.
"Vandale, bakit mo naisipang humabol ng USC President noong second year pa lang tayo?" pag-iiba ko sa topic.
"I simply got bored all the time in school. That's why I looked for some thrill," sagot niya na ikinangiwi ko. Bored? School? Sabagay.
Magtatanong na sa ako ulit ngunit biglang huminto ang sasakyan ni Vandale sa tapat ng playground malapit sa lugar namin kung saan kami madalas maglaro ni Liana noon.
"Niana, do you think you have a photo of your twin with you?" maingat niyang tanong habang hindi inaalis ang tingin siya sa harapan.
Sinubukan kong tingnan ang direksyon na tinitingnan niya pero wala akong maaninag na kahit anong kakaiba.
"Why, Vandale?" naiiyak kong tanong habang iniisip na baka nakikita ni Vandale si Liana. Nanginginig na kinuha ko ang photo sa wallet ko, ang last photo namin na magkasama. Six years old lang kami noon nang pinaghiwalay kami ng tadhana.
Ibinigay ko kay Vandale ang photo at saglit niyang tiningnan iyon. Hindi ko alam kung kilala niya kung saan ako sa dalawa dahil sobrang magkamukha kami ng kambal ko.
"She's here," sabi niya kaya tuluyan na akong naiyak. Hinawakan ni Vandale ang kamay ko at bahagya iyong pinisil.
"Liana." Narinig kong binanggit ni Vandale ang pangalan ng kambal ko.
"Lee, gusto kitang makita. Please," pakiusap ko.
"She's gone," muling sabi ni Vandale.
Wala akong nagawa kundi umiyak. Hindi ko alam kung bakit may naramdamam akong bigat sa dibdib ko. Hindi ko maintindihan kung bakit hindi ko siya nakita kahit na nakita siya ni Vandale. Pero mukhang alam ko ang kasagutan dahil naaalala ko pa ang sinabi ni Vandale dati na pinipili lang kung kanino sila magpapakita.
**The author of NEVER GIVE UP is back!!! Check her other stories too thecelandinefaerie
BINABASA MO ANG
Two Worlds, One Word
FanfictionThe moment I fell, I told myself not to hope for anything. Your world is different from mine.