Chapter 18
Wala ako sa sarili nang lumabas ako ng kotse ni Vandale, ni hindi na nga ako nagpaalam sa kanya. Paulit-ulit kong naiisip ang mga nangyari kanina. Bakit hindi magawang magpakita ni Liana sa akin?
"Anak, ba't parang namumutla ka?" Narinig kong tanong ni mama.
"Ma, nakita po ni Vandale si Liana kanina," sabi ko sa kanya at hindi na ako nabigla nang makitang nag-iba ang emosyon sa mukha niya.
"Sumunod ka sa akin," utos ni mama. Bahagya akong nagulat dahil akala ko ay ipipilit na naman niya na ako ang namatay niyang anak.
Sumunod ako sa kanya hanggang sa loob ng kwarto ko kung saan may salamin na kitang kita ang buong katawan ko.
"Sa tingin mo ba talaga ay ikaw si Niana?"
Napatingin ako sa repleksyon ko sa salamin at wala akong napansin na kakaiba. Gusto kong sumagot na 'oo' pero nanahimik na muna ako dahil alam kong may gusto pa siyang sabihin.
"Anak ko kayo. Kahit na magkamukhang-magkamukha ko kayo ay alam ko kung sino sa inyo si Niana at Liana. At ikaw si Liana."
Nagsimula nang tumulo ang mga luha ko at napapikit na lamang ako habang unti unting dinudurog ni mama ang puso ko.
"Ma, ako po si Niana," umiiyak kong sabi at nagmamakaawa na sana'y maniwala na siya.
"Hindi ako nakapag-aral pero hindi ako ganoong ka-bobo. Pinagbigyan kita na gamitin mo ang pangalan ng kapatid mo sa pag-aaral dahil ayaw mong pumasok kapag hindi ko ginawa. Pero anak, hindi kita pwedeng pagbigyan na lang lagi," sabi ni mama na nagsimula na ring tumulo ang kanyang mga luha.
Sabi nila, ang pag-iyak ng mga magulang ang pinakamasakit na makita. Totoo iyon, doble doble ang sakit na naramdaman ko sa pagkakataong ito.
"Anak, ayaw kong mabuhay ka sa pagkakamali. Ikaw si Liana," sabi ni mama at hinawakan niya ang pisngi ko. Habang nagpapatuloy si mama at patuloy rin ang pagsaksak niya sa puso ko.
"Ma, hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Anim na taon kami nang mangyari iyong aksidente kaya alam ko po sa sarili ko na ako si Niana," umiiyak kong paliwanag. Magsasalita pa sana si mama pero nagpatuloy ako.
"Sana po tigilan niyo na po iyong pagpilit na ako ang kambal ko. Sobrang nasasaktan ako, Ma. Pakiramdam niyo ay ako ang gusto niyong namatay dahil mas gugustuhin niyong isipin na ako si Liana. Pagod na pagod na po ako."
Lalo akong napaiyak nang unti unting inalis ni mama ang pagkakahawak niya sa pisngi ko. Bakas sa mukha niya ang pagkalito at medyo nabigyan ako ng pag-asa nang may makita akong pagsisisi sa kanyang mukha.
Hindi ko na nakayang makita ang umiiyak na mukha ni mama kaya nagpaalam na ako at pumasok na sa kwarto ko.
Agad akong humarap sa salamin at pinilit kong isipin na ang kambal ko ang nasa harapan ko.
"Lee, magiging mas masaya ka ba kung ikaw ang nasa kalagayan ko?" tanong ko sa repleksyon ko sa salamin.
Saglit akong nanahimik at parang baliw na naghintay na may sumagot pero tulad ng dati ay wala pa rin.
"Lee, kung itatanong mo kung kumusta na ako, masaya naman pero laging may kulang e. Alam kong masakit din ang mang-iwan pero parang mas masakit ang maiwanan."
Matagal tagal akong nanatiling nakatayo doon pero nang hindi ko na makayanan ang antok ay natulog na ako. Muli kong napanaginipan ang nangyari sa araw na iyon.
Napabalikwas ako ng bangon nang may maramdaman akong humahaplos sa buhok ko. Si mama ang inaasahan ko pero nang idilat ko ang mga mata ko ay ang nakangiting mukha ni papa ang bumungad sa akin.
"Anak," nakangiting sabi niya pagkatapos ay bigla na lang itong naglaho.
Hawak ko ang dibdib ko sa sobrang kaba at pagkamangha. Ito ang unang pagkakataon na makita ko si papa kaya sobrang nagagalak ako. Ni hindi ako nakaramdam ng takot.
Nagdesisyon ako na h'wag na lang banggitin kay mama ang tungkol kay papa. Kung dati ay nagagawa ko pang salubingin ang susunod na araw na parang walang nangyari, sa pagkakataong ito ay hindi ko iyon magawa.
Sabado kinabukasan kaya laking gulat ko nang makita kong umagang umaga pa lang ay nasa bahay na si Vandale at nakaupo na sa dining table. Hindi nakaligtas sa paningin niya ang mga mata kong halatang magdamag na umiyak. Napakunot ang noo niya habang umuupo ako sa kanyang tabi.
Binigyan niya ako ng plato na may laman ng kanin at saka nilagyan ng scrambled egg ang plato ko. Pagkatapos ay bahagya niyang pinisil ang kamay ko na parang itinatanong kung okay lang ba ako. Umiling na lang ako bilang sagot.
"Kumain na muna kayo d'yan, mga anak, bago kayo umalis," sabi ni mama na bakas din sa mukha na hindi siya nakatulog.
"Sumabay na po kayo sa amin, Tita," magalang na sabi ni Vandale kaya napangiti ako ng bahagya.
Umupo naman si mama at tinitingnan lang niya akong kumain. Alam kong gusto niya akong kausapin at ganoon rin ako sa kanya.
Nang mapansin ni Vandale na awkward ay muli siyang nagsalita.
"Pormal po akong humihingi ng permiso para i-date ko si Niana."
Parehas kaming nakanganga ni mama sa kanyang pinahayag. Mahilig talagang magsurpresa si Vandale.
Imbes na sagutin ni mama si Vandale ay sa akin siya tumingin at tila sa akin humihingi ng permiso. Napatitig ako kay mama at hindi makapaniwala sa kanyang sinabi.
"Gusto ko si Vandale para sa iyo, Niana."
**Hello to @imagentalyana! Thank you for showing your talent. I had a great time
BINABASA MO ANG
Two Worlds, One Word
FanficThe moment I fell, I told myself not to hope for anything. Your world is different from mine.