Chapter 4

2.9K 138 10
                                    

Chapter 4

"Anong kailangan mo?" kinakabahang tanong ko pero minabuti kong huwag iyon ipahalata.

"I should be the one asking that," sagot ni Vandale.

Bahagyang nanlaki ang mga mata ko sa gulat pero agad akong yumuko para hindi niya mahalata ang gulat sa mukha ko. Tiningnan ko na lang ang bote sa may paa ko.

"Wala naman akong kailangan," nag-aalangan kong sabi. Hindi ko ma siya narinig na nagsalita. Ang muli ko na lang narinig ay ang pag-andar ng kanyang sasakyan palayo.

Ay, bastos na bata. Hindi man ako pinilit.

Umiiling kong pinulot ang bote at itinayo sa may gilid ng pader. Masakit pa rin ang paa ko dahil sa pagkakatalisod pero pinilit ko pa ring maglakad para makauwi na. Ang dami namang ibang araw para malasin pero ito talaga ang pinili ng tadhana.

Siksikan na ang mga tao sa terminal dahil nga oras na ng labasan ng isang factory. Tumayo na muna akp sa may gilid dahil sa takot na baka mas lalong lumala yung injury noya kapag pinilit ko pang makipagsiksikan.

Nagmumuni-muni ako nang bigla akong mapasigaw dahil may kung sinong kumuha ng bag ko pagkatapos ay bigla akong binuhat. Nagsisigaw ako doon pero biglang natahimik nang makitang pinasok ako ng lalaki sa sasakyan ni Vandale.

Did...he just wrap his arms around me?

I was too shocked to believe. Nakatingin lang ako sa kanya habang nagmamaneho ito at naghihintay na magsalita siya. Pero hindi pa rin siya nagsasalita.

"Hmmm, ano." Should I thank him?

"Sa susunod kasi pwede mo naman akong kausapin ng matino kaysa sa pabuhat-buhat ka pa. Akala ko katapusan ko na kanina! Nakakaloka ka talaga. Hindi mo ba alam na gawain din ng mga rapist 'yung mga ganong estilo?!"

"Okay," he said without looking at me.

"Hmm, ano. Pwede bang pakitabi sa may tindahan ng bulaklak?"

Hindi sumagot si Vandale pero ginawa rin naman niya. Lumabas ako saglit at bumili ng single rose.

Pagkabalik ko sa loob ng kotse ay masungit na tinitingnan ni Vandale ang hawak kong rose. Hindi ko na lang siya pinansin pero sa totoo lang ay sobrang kaba na ang nararamdam ko sa bawat minuto na kasama ko siya sa loob.

Maingat kong inilagay ang rose sa bag pagkatapos ay itinuon ang pansin ko sa nakakabinging katahimikan sa loob ng kotse hanggang sa nasa tapat na kami ng bahay ko.

"Ahm, salamat," sabi ko pero hindi siya sumagot kaya nakaramdam na naman ako ng hiya.

"Salamat kahit na hindi ko naman hiningi na ihatid mo ako--"

"You're welcome. Now, get out."

I gaped at him and when his eyes turned to me, nagmadali na akong lumabas ng kotse niya. Kahit na sobrang inis ako ay hindi ko ibinalibag ang pinto ng kotse niya. I think gawain lang ng mga mayayaman iyon.

Paglalabas na pagkalabas ko ay pinatakbo na ng mabilis ni Vandale 'yung kotse niya. Gusto kong mapapadyak sa asar pero sa bandang huli ay natagpuan ko na lang ang sarili kong nakangiti at wala sa sarili.

"Thank you, Vandale."

Bumulong muna ako sa hangin bago paika-ikang pumasok sa loob ng bahay.

"Ma, uminom ka na ng gamot?" tanong ko kay mama habang lumalapit sa kanya upang magmano.

"Hindi pa ako kumakain, hinintay na kita."

Ngumiti na lang ako at kinuha ang mga plato para ihanda na sa hapag-kainan. Ramdam ko ang tingin ni mama sa paa ko.

"Anong nangyari? Natalisod ka?"

"Opo, ma," sagot ko habang kumukuha ng mga baso at kutsara. "Kain na po."

Umupo na ako sa upuan at inilapag anv bag ko sa may mesa. Hinintay ko munang makaupo si mama bago alisin ang takip ng nga putahe.

Napangiti ako nang makitang kare-kare ang niluto ni mama. Alam niya kasing ito ang pinakapaborito ko sa lahat.

Maingay kaming kumain ni mama dahil kinukwento ko sa kanya lahat ng kaganapan sa loob ng classroom namin dahil sadyang maloloko kasi talaga mga ka-blockmates ko.

Nang matapos nang kunain si mama ay binuksan ko ang bag ko para kunin doon ang rose at iniabot sa kanya.

"Salamat po sa pag-ire sa akin, ma."

Tumawa si mama at naiiyak na kinuha ang rose. Nilapitan niya ako at hinalikan sa pisngi.

"Happy birthday, Lee."

Two Worlds, One WordTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon