Chapter 24

1.9K 74 8
                                    

Chapter 24

Tahimik lang si Vandale nang pumasok kami sa bahay. Para bang may malaking bagay na bumabagabag sa kanya. Nang tinanong ko siya ay nagkibit-balikat lang siya kaya lalo akong nagtaka.

Nasa sala lang kami at nanunuod ako ng tv habang siya ay lumalagpas ang tingin sa tv. Mukhang wala na siyang balak na turuan ako.

"Anak, linisin mo saglit ang kwarto mo. Doon na muna matutulog si Vandale. Tabi muna tayo matulog sa kwarto ko," sabi ni mama nang mapadaan siya sa sala.

May pagtataka sa mga mata ko nang nilipat ko ang tingin ko sa katabi ko. Seryoso ang mukha niya nang sumagot siya kay mama.

"Hindi na po muna ako matutulog dito," sabi niya. Tumango naman si mama at hindi na itinanong kung anong dahilan.

Pagkaalis ni mama ay siyang pagtanong ko kay Vandale kung niyaya siya ni mama na mag-sleepover sa amin.

"She didn't want you to stay in my house for the night that's why she asked me if I could just stay here." Habang sinasabi niya iyon ay nararamdaman ko na parang wala pa rin siya sa sarili.

Hindi na ako sumagot at nilabas ko na lang ang mga libro at ang calculator ko bilang hudyat na sisimulan na namin ang tutorial.

Habang tinuturuan niya ako ay mas lalo akong nalulungkot. Pakiramdam ko ay wala ang puso niya sa kanyang ginagawa. Pakiramdam ko ay napipilitan lang siyang gawin ang mga ito para sa akin.
Kasalukuyan niyang pinapaliwanag ang isang theory nang sinubukan ko siyang tingnan sa mata. Bahagya pa akong nagulat nang makitang nakatingin din siya sa akin na para bang may gustong hukayin doon. Wala pang limang segundo ay bigla nang umiwas ng tingin si Vandale.

Binitawan ko ang calculator ko at sinara ang librong gamit namin. Iniwasan kong mapansin niyang nagdadabog ako pero masyado akong halata.

"Pwede ka ng umuwi, Vandale," sagot ko sa kanya

"We're not finished yet," he told me.

Napailing na lang ako at niligpit na ang mga gamit ko.

"Ayaw ko sa lahat ay iyong napipilitan lang. Okay lang naman sa akin kung ayaw mo, mas okay pa nga kung agad mong sinabi sa akin na hindi ka naman para interasado na turuan ako," inis kong sabi sa kanya.

Napatingin siya nang matagal sa akin na para bang inaaral ang bawat galaw ko. Akala ko ay itatama niya ang mga sinabi ko pero lalo lang akong nainis nang bigla siyang tumayo.

"I guess I better get going," sabi niya sa akin at bahagya pang hinaplos ang ulo ko.
Aalis na sana siya pero mabilis kong hinila ang dulo ng shirt niya pagkatapos ay tumayo na rin ako nang huminto siya.

"Anong problema? Bakit biglang nag-iba ang mood mo?" I asked.

Ngumiti siya ng maliit at hinawakan ang pisngi ko, "May iniisip lang ako. Sorry if I can't teach you tonight."
Nadismaya ako sa sinabi niya.

"I am happy for what happened. Good night, Niana," bulong niya sa akin pagkatapos ay hinalikan ang noo ko.

Hindi ko na muli siyang pinigilan, napaupo na lamang akong muli sa sofa sa pagtataka. Sinundan ko siya nang tingin, sa paglapit sa mama ko hanggang sa paglabas niya ng pinto. Umaasa ako na muli niya akong lilingunin pero nabigo ako nang tuluyan na niyang sinara ang pinto.

Nakahiga ako sa sofa habang iniisip kung anong nalanghap na hangin ni Vandale at biglang nagbago ang timpla niya. Nakatulala lang ako sa kisame na tila hinahanap doon ang kasagutan sa tanong ko, nang biglang naramdaman ko ulit ang hangin na naramdaman ko kanina. Tumindig ang mga balahibo at nag-init ang mga mata ko nang maramadaman ko ang banayad na paghaplos sa ulo ko.

"Lee?" mahinang pagtawag ko sa kanya.

Naghintay ako ng kasagutan mula sa kanya pero matagal na katahimikan ang ibinigay niya sa akin. Hanggang sa napansin kong nawawala ang mga bagay sa paligid ko. At parang nalunod ako sa isang panaginip na kung saan nag-iisa ako sa isang madilim na lugar. Ang tanging ilaw na nasisilayan ko lang ay ang ilaw na nanggagaling sa isang sulok ng madilim na lugar na iyon.

"Lee? Ikaw na ba iyan?" nanginginig kong tanong.

Muli ko na namang naramdaman ang kakaibang hangin na iyon hanggang sa tuluyan nang tumulo ang mga luha ko, hindi dahil sa takot. Ang mga luha ko ay dahil sa labis na pangungulila ko sa kambal ko at sa kasabikan na makasama ko siyang muli.

Napahinto ako at napaangat ng tingin nang marinig ko ang sarili kong boses. Nagpatuloy iyon hanggang sa mapagtanto ko na boses iyon ng kakambal ko. Halos magkapareho kami ni Liana sa lahat, tanging mga ugali lang namin ang magkaiba. Lumaki akong nakatatak sa isip ko na siya ang laging mas mabait. Hindi ako kumokontra dahil matagal ko ng alam na siya ang pinakamabait na taong makikilala ko sa buong buhay ko.

Muli ko na namang narinig ang tinig niya, sa pagkakataong ito ay mas klaro iyon.

"Nee...wala akong magawa."

Naglakad ako palapit sa boses pero napahinto rin ako agad nang mapagtantong palapit nang palapit ang boses niya.

"Wala akong magagawa."

"I'm sorry."

Umapaw ang pagtataka ko mula pa kanina.

"Anong hindi mo magawa, Lee? Hindi kita maintindihan!" nanghihinang sabi ko

Lalo akong nanghina nang maramdaman kong niyakap niya ako. Napahagulgol na lang ako at napapikit habang pilit na sinasariwa ang mga panahong magkayakap kami noong mga bata pa lamang kami.

"Gusto kitang tulungan, gusto kitang sumaya. Pero wala akong magawa, Nee..."bulong niya sa akin.

Naiiyak, nagtataka, nangungulila...halo halo na ang nararamdaman ko. Pagkabitaw niya sa yakap ay muli kong nakita ang sarili kong nakahiga sa sofa, at kasalukuyang niyuyugyog ni mama.

"Anak...anak, ayos ka lang ba?" nag-aalalang tanong ni mama sa akin.

"Mama, si Liana po," humihikbing sabi ko.

"Alam ko, anak. Nagsasalita ka kanina," sagot niya sa akin kaya napayakap ako sa kanya at tulad ng dati ay naramdaman kong maaari ko siyang kapitan sa mga panahong tulad nito.

"Tahan na," malambing na bulong ni mama sa akin habang pilit akong pinapatahan.

Pa-ulit ulit na binubulong ni mama iyon hanggang sa makaramdam ako ng antok.

"Hindi talaga kita maintindihan, Lee. Pero kung anuman iyan, gusto kong malaman mo na ikakasaya ko rin ang magpapasaya sayo," bulong ko sa kanya bago pa man ako tuluyang makatulog.

Gusto kong marinig niya ako. Dahil ang pinaka-unang kahilingan na gusto kong matupad ay ang maging masaya ang kambal ko.

Two Worlds, One WordTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon