Chapter 13
"May gusto ka bang sabihin, Vandale?" iritado kong tanong sa kanya.
Nasapamulsa siya habang nakasandal sa may pader. Walang tao sa hallway kaya malaya kaming nakakapag-usap doon. Kung dati ay sobrang humahanga ako kapag nakikita ko siyang kalmante kahit na sa mga nakakakabang sitwasyon, ngayon naiirita ako sa kanyang pagiging kalmado samantalang halos sumabog ako sa inis sa kanya.
Kumilos siya ng bahagya at may kinuha sa kanyang bulsa. "I know you want to see this," wika pa niya habang inaabot ang isang pilas ng papel mula sa isang tabloid.
Tahimik at nakakunot noo ko iyong binasa na unti unting nawawala dahil sa sobrang tuwa ko sa kanyang ibinalita.
"Totoo ba 'to?" tanong ko habang bahagyang nanlalaki pa rin ang mga mata. My goodness!
"Yes." Nang sumagot siya ay pinaypayan ko na ang sarili ko.
"My God, my good God!" I exclaimed.
I have no words. Mr. Joseph Mallari will be having a book signing, for the first time!
"Kailangan kong pumunta!" bakas sa mukha ko ang excitement. But then I remembered something.
"Don't just apologize, Niana. I will be observing you from now on."
Ayon sa article, kaya school day ang booksigning dahil isinabay iyon sa 50th death anniversary ni Ms. Alexandra, ang asawa ni Mr. Joseph, kaya hindi ako makakapunta. Pilit ang ngiti ko nang ibinalik ko sa kanya iyong papel.
"Hindi na pala ako pupunta," sabi ko at tinalikuran na siya. Mukhang nagtaka rin siya kaya hindi na niya ako nasundan.
Isang minor subject pa ang lumipas pero hindi na niya ako kinukulit, pero nararamdaman ko ang paglingon niya sa akin every minute.
"Paano ba 'yan, Niana? Makakatabi mo na ang fafa mo," pang-aasar ni Jasmin dahil major subject na ang kasunod at hindi na pwedeng lumipat ng seats.
"Act normal?" mahina kong sabi pero alam kong narinig niya dahil tinawanan niya ako.
Pumunta na ako sa assigned seats ko na katabi ni Vandale. He was already seating there comfortably.
"Niana."
Nang hindi ko siya nilingon ay naramdaman ko ang paglapit ng upuan niya sa upuan ko.
"I can give you a ride, later," bulong niya sa akin na nagpataas sa mga balahibo ko sa batok.
Vandale, what are you doing to me?
"Maraming jeep sa terminal, hindi ako mauubusan," malamig kong sabi. Nakita ko ang paglunok niya at ang reaksyon ng mukha niya parang hindi na alam kung anong gagawin sa akin.
"What's your problem, Niana?" He tried to ask camly but I still heard the frustration in his voice.
Hindi ako sumagot kaya narinig ko ang malalim niyang pagbuntonghininga. Nanahimik na lang ako at pasimpleng tinitingnan kung may nakakarinig sa amin. Nakita ko iyong seatmate sa kabila ko na nagpipigil na ngumiti habang pinapanuod kami.
Bumilis lalo ang tibok ng puso ko ng dahil sa kaba nang nilapit niyang muli ang bibig niya sa tainga ko.
"Whether you like it or not, we'll talk later, Niana," mahina pero mariin niyang bulong. Naramdaman kong nagyeyelo na ang mga kamay ko sa kaba.
Hindi na niya ako kinausap pagkatapos niyang ibulong iyon kaya lihim akong nagpasalamat. Natapos ang klase at dumiretso na ako sa office para sa duty ko.
"Huy, Niana. Ba't ka namumutla?"
Umiling na lang ako kay Cristel at nagpatuloy sa ginagawa ko. Naisip ko na naman iyong booksigning ng paborito kong author. Alam kong hindi pa ako pwedeng umabsent sa duty kaya alam kong hindi na talaga ako makakapunta sa booksigning na sobrang tagal ko ng hinintay.
BINABASA MO ANG
Two Worlds, One Word
FanfictionThe moment I fell, I told myself not to hope for anything. Your world is different from mine.