Chapter 23

1.6K 87 10
                                    

Chapter 23

Tahimik lang ako habang pinapanuod siyang pinagpapaalam ako kay mama.

"Okay, tita. Salamat po."

Tumingin muna siya sa akin bago siya tumayo.

"Prepare your things now, Niana."

Nadismaya ako nang sabihin niya iyon. Mukhang hindi ako pinayagan at dito na nagtatapos ang date namin. Siguro, ganoon lang talaga ang date para sa aming dalawa.
Ngumiti na lang ako at pumunta na sa magara nilang living room kung saan ko iniwan ang dala kong bag.

"Vandale, cr muna ako."

Tumango siya pagkatapos ay sinamahan ako hanggang sa labas ng comfort room nila sa may first floor.

"May kukunin lang ako sa room and then I'll drive you home. Wait for me in the living room," sabi niya sa akin bago pa ako makapasok sa banyo.

Tumango na lang ako pagkatapos ay isinara na ang pinto. Maganda sa loob ng banyo nila at malawak din. Halos isang buong kwarto ko na ang banyo nila. Sila na ang mayaman.
Hinugasan kong mabuti ang kamay ko bago ako naghilamos ng mukha at pagkatapos ay lumabas na rin ako agad. Nasa living room ako nang nakita ko si Vandale na lumabas sa front.

Mabilis kong kinuha ang bag ko at patakbong sinundan siya. Nilapitan ko siya sa may garahe nila at nakitang may nilalagay siya sa compartment ng kanyang sasakyan.

"You ready?" tanong niya sa akin.
"Yep."

Pinagbuksan niya ako ng pinto pagkatapos ay siya namang pumasok at umupo sa driver's seat.
"Wala na ba tayong pupuntahan?" tanong ko sa kanya.

"Let's buy food."

Kumunot ang noo ko dahil nga kakatapos lang naming kumain.

"Pero kakatapos lang natin kumain."

"Para mamaya," sagot niya at tahimik na ring nagdrive.

"Vandale, anong sabi ni mama?" tanong ko sa kanya.

"She doesn't like the idea, Niana."

I shut my mouth. Kung ako si mama, hindi ko rin naman kayang payagan ang anak ko na mag-sleep over sa bahay ng manliligaw niya. It was just a desperate move. 

Dumeretso na kami sa bahay pagkatapos naming bumili nang pagkain. Nasa gate palang kami ay sobrang kinakabahan na ako. Paano kaya kung mali lang kami nang narinig ni Vandale kaninang umaga? Talaga bang tinawag niya ako sa pangalan ko?

"I knew it from the start, Niana. Stop worrying, all right?" mahinang bulong sa akin ni Vandale nang mapansing sobrang tensed ako.

"Hindi ko kasi maiwasan, ang tagal ko ring hinintay ang time na 'to."

"Exactly. That's why you have to stop worrying. You're just overthinking," sabi niya habang hinahawakan na ang kamay ko. 

Nakangiti si mama habang pinagbubuksan kami ng gate. Pero hindi ako sigurado kung totoo ang ngiti, parang may kakaiba kasi. Tama nga siguro si Vandale, this is just overthinking.

"Mga anak, kumain na ba kayo?" tanong niya sa amin ni Vandale.

"Opo, Ma," tipid kong sagot pagkatapos ay ngumiti na lang.

"Maiwan ko na muna kayo, magbabantay lang ako ng tindahan. Tawagan mo na lang ako kung may kailangan kayo."

Nakahinga ako nang maluwag nang makita ko na siyang papunta na sa maliit naming sari-sari store.

"Uhm, Niana?"

Pakiramdam ko naestatwa ako nang tinawag niya ako ulit. Hindi ako nakapagsalita at hinintay na lang ang susunod niyang sasabihin. Ang sarap pakinggan ng pangalan ko kapag si mama ang bumanggit. Kaninang umaga nang banggitan niyang muli ang pangalan ko ay parang hinayaan ko lang at hindi ko masyadong inisip. Hindi ko kasi talaga alam kung anong dapat kong maging reaksyon.

Naramdaman kong humigpit ang paghawak ni Vandale sa kamay kong nagyeyelo. Ramdam na ramdam ko din na hindi niya inaalis ang tingin niya sa akin.

Nang hindi na muli nagsalita si mama, mukhang hindi niya alam kung anong susunod na sasabihin niya ay ako na ang bumasag ng katahimikan.

"Bakit po, ma?" 

Napakagat ako sa labi ko nang makitang unti unting tumulo ang mga luha ng nanay ko. Ibang sakit talaga ang dulot kapag nakikita ang mga luha ng isang ina.

"Pasensya ka na, anak."

Naramdaman kong pinakawalan ni Vandale ang kamay ko kaya napatingin ako sa kanya. Nakangiti siya sa akin at may pinapahiwatig sa mga titig niya.

Hindi na ako nagdalawang isip at halos patakbo akong lumapit kay mama at mahigpit siyang niyakap. Napahagulgol si mama kaya naiyak na rin ako. 

"Okay lang po, ma. Salamat po," umiiyak kong sabi. Sinubukang ngumiti ni mama at hinalikan ako sa ulo.

"Mahal na mahal ko kayo ng kambal mo, Niana. Tandaan mo 'yan, anak."

Hindi ako nakasagot sa sinabi ni mama dahil bigla akong may naramdamang kakaiba sa paligid. Mukhang naramdaman din ito ni mama kaya napatingin siya sa paligid.

Tiningnan ko naman si Vandale dahil alam kong may makukuha akong sagot sa kanya. Tama nga ang hinala ko dahil nakatingin si Vandale sa may malapit sa kinakatayuan namin ni mama.

"Naramdaman mo din ba iyon, hijo?" biglang tanong ni mama kaya napatingin muli si Vandale sa amin.

Nagtatanong ang mga mata ni mama habang nakatingin kay Vandale. 

"Nakita ko po ang kambal ni Niana, tita."

Kalmadong kalmado ang mukha, maging ang boses ni Vandale habang sinasagot si mama. Ito lagi ang paraan niya para pakalmahin ang mga tao sa paligid niya kahit na sobrang nakakapanic ang sitwasyon.

Parehas kaming nangilabot ni mama pero alam naming dalawa na hindi iyon dahil sa takot. Dahil iyon sa unang pagkakataon ay nagparamdam si Liana sa bahay namin. 

I think my twin finally found her way home.

Napahawak si mama sa akin at muli na naman siyang umiyak. 

"Niana, nandito ang kambal mo," sabi niya habang patingin tingin pa rin sa paligid, umaasang masilayan si Liana.

Muling nabasa ang mga mata ko sa luha nang makita ang mama kong nasa ganoong estado. Tulad ko ay matagal na niyang inaasam na makita ang sumakabilang-buhay niyang anak.

"Opo, ma. Sa palagay ko ay masaya siya sa nangyayari ngayon."

Sa pagkakasabi ko nang mga salitang iyon ay napatigil ang pagtanaw ni mama sa kung saan-saan. Ang mukha ko na lang ang tiningnan niya na para bang hinahanap ang sagot doon.

Malungkot ang mukha ni mama, sobrang pangungulila ang makikita sa mga mata niya. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at tumingin siya sa mga mata ko. Hindi pa rin huminto ang pag-agos ng luha niya kaya hindi ko na napigilan ang sarili ko at pinunasan ang mga pisngi niya. 

Ngumiti si mama ng tipid. 

"Miss na miss ko na kayo, mga anak."

Two Worlds, One WordTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon