Chapter 20
Gusto ko sanang itanong sa kanya kung may ibang tao sa kanila pero mas pinili kong manahimik. Mahirap na baka may mali akong maitanong.
Hindi mainitin ang ulo ni Vandale. He's very calm. Minsan kahit may problema ka, nakikita mo lang siya ay parang gumiginhawa na ang pakiramdam mo.
That's one of the thing I liked about him. Sa pagkatao kong maraming issues sa sarili, I need someone who will comfort me. And Vandale came in to my life for that.
"We're here."
Napatingin ako sa labas at nakita ang malaking gate. Nang bumukas iyon ay pinasok ni Vandale ang kanyang sasakyan. Lalo akong namangha sa nakita ko.
Pagkaparada ni Vandale sa garahe nila ay inunahan ko na sa pagbukas ng pinto ng sasakyan si Vandale, kahit na hindi ko naman alam kung pagbubuksan niya ba talaga ako o hindi. Mabilis kong nilibot ang paningin ko sa paligid. I smiled to myself when I saw their pool.
"Ang ganda naman ng bahay niyo, Vandale. May pool pa kayo!" natutuwa kong sabi sa kanya.
Napangiti naman si Vandale at inaya na akong pumasok sa loob ng bahay nila habang hawak ang kamay ko. Modernong bahay ang kina Vandale, ganito madalas ang nakikita ko sa telebisyon. Halos puti at itim ang nakikita kong kulay sa paligid, mula sa labas hanggang sa loob. Malinis tingnan pero parang napakalungkot. Parang walang kulay.
"Hijo."
Napalingon ako sa kaliwa ko kung saan ko narinig ang boses. Isang lalaking nasa fifties na nakaupo sa may wheelchair ang bumungad sa mga mata ko.
Mabilis akong tumingin kay Vandale at sobrang nagulat ako nang mabasa ang poot sa kanyang mukha. Naramdaman ko din ang panlalamig ng kamay niyang nakahawak sa akin. Aalisin na sana niya ang kamay niya pero bigla ko iyong hinigpitan. Gamit ang isa ko pang kamay ay dahan dahan kong hinaplos ang kanyang kamay. Umaasang sa ganoong paraan ay mapakalma ko ang tensyong itinatago niya.
Unang beses ko siyang nakitang ganito kaya gusto ko sanang tumbasan ang pagpapakalma niyang laging ginagawa kapag ako ang nasa kalagayan niya.
Hindi sinagot ni Vandale ang lalaki pero hindi naman kami umalis doon sa kinatatayuan namin. Gaya ng lagi kong ginagawa ay pinili kong manahimik na lang.
"Hijo, hindi mo ba siya ipapakilala sa akin?"
Naramdaman ko ang paghigpit ng paghawak ni Vandale sa kamay ko at ang paghinga niy ang malalim.
"This is Niana, my girl."
Pagkatapos sabihin ni Vandale iyon ay umalis na kami doon at dumeretso sa magarang living room ng bahay nila.
"Vandale, pwede bang magtanong?" maingat kong tanong nang nakaupo na kami sa malambot nilang sofa.
Ngumiti sa akin si Vandale at bahagyang pinindot ang ilong ko.
"Matagal ko nang hinihintay na magtanong ka sa akin."
Uminit ang pisngi ko sa ginawa niya. Nang nakita niya ang reaksyon ko ay lalo siyang napangiti kaya bahagya ko siyang hinampas na ikinatawa naman niya.
"Vandale!" suway ko sa kanya para tumigil siya sa pagtawa dahil hiyang hiya na ako. Pakiramdam ko ay nabulgar sa lahat na crush ko siya.
"You're so cute, Niana," sabi niya sa akin at may pagkamangha pa sa kanyang mukha.
Nang dahil sa sinabi niya ay umuusok na sa init ang mga pisngi ko. Tumayo na ako at piniling kalimutan na muna ang pagtatanong, marami pa namang oras para doon.
"Where are you going?"
"Maglilibot ako," sabi ko. Ilang mabibilis na segundo lang ang lumipas ay nasa tabi ko na siya at nakahawak na naman sa kamay ko.
BINABASA MO ANG
Two Worlds, One Word
FanfictionThe moment I fell, I told myself not to hope for anything. Your world is different from mine.