Chapter 27

3.7K 155 6
                                    

Enjoy Reading!!!

CHAPTER 27

Zouie's POV

Kasalukuyan akong nakaupo habang naghihintay na dumating ang prof namin.

As usual, ganun pa rin palagi ang nangyayari sa araw-araw at puro lang kwentuhan ang mga kaklase ko.

Medyo nawawala na rin ang mga galos at pasa na natamo nila sa pakikipag-away.

Nalaman ko na hindi naman talaga nila gustong makipag-away.

Napatingin ako sa isang lalaki na tumayo galing sa upuan niya at hindi man lang ako tinapunan ng tingin.

Sinundan ko siya ng tingin kung saan siya pupunta at nakita kong huminto siya kay Hance at parang sinabi niya na mag-usap sila.

Tumayo si Hance at sabay silang lumabas.

Gusto ko mang sundan sila at nakucurious din ako sa pag-uusapan nila pero mas pinili kong manahimik na lang sa kinaroroonan ko.

Tumigil muna ako sa kakasuyo kay KN dahil wala namang pagbabago.

Galit pa rin siya sa akin.

"Uy! Mukhang malalim ang iniisip mo ah." siko sa akin ni Vin at sinamaan ko naman siya ng tingin.

Makasiko naman 'to, wagas.

"Bakit, nasisid mo ba para malaman mong malalim?" pilosopo kong sabi at agad naman akong nakatanggap ng palatok sa kanya.

Maiyak iyak naman akong napatingin sa kanya.

Masakit!

"Ikaw, napakapilosopo mo talaga kahit kailan!" inis niyang sabi at inirapan ko naman siya.

Nasa mood akong mamilosopo e.

Napabaling naman ako sa mga kaklase kong nagkukwentuhan.

"Pre, nakita kita kanina, grabe yung tingin mo dun sa babae ah!" tudyo ni Asher kay Alex.

"Tss. E sa crush ko siya e." sabi naman ni Alex.

Oh. May crush pala ito. Sino naman kaya?

"Aba, hindi man lang dineny ah." sabad naman ni Van at natawa naman kami.

"Para saan pa?"

Nagkibit balikat naman si Asher sa tanong ni Alex.

"Dapat pre, banatan mo siya at baka mapansin ka niya." sabi ni Asher at agad naman siyang nakatanggap ng suntok sa braso si Asher.

Napadaing naman si Asher dahil mukhang malakas ata ang pagkakasuntok ni Alex.

"Gago! Bakit ko naman babanatan?! E di sinaktan ko lang siya!" inis na sabi ni Alex at nangunot naman ang noo ni Asher.

"Ha? Pinagsasabi mo diyan. Ang sabi ko, banatan mo siya. Yung bumanat ka sa kaniya." paglilinaw ni Asher at napatango naman siya.

Hades Academy ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon