Chapter 29

3.6K 160 2
                                    

Enjoy Reading!!!

CHAPTER 29

KN's POV

Now I get it. Kaya pala nakakagulat na bigla na lamang nakipagkaibigan ang mga kaklase ko pati na rin si Hance kay Zouie dahil may plano sila.

Hance told me everything and now I know.

I agreed to their plan pero hindi ako makikipaglapit kay Zouie. I'm still mad lalo na't may connection siya sa mga taong kinamumuhian ko.

The reason why I suffered a lot.

Kasalukuyan akong nandito sa paborito kong tambayan dahil napakapayapa dito at tanging galaw lang ng mga dahon ang maririnig mo.

May narinig akong isang kaluskos kaya agad akong napatayo at nakita ko si Khendrick kasama ang kanyang mga alipores.

Tangina naman oh. At may gana pa talaga itong magpakita sa akin. After everything he done!

"Well, well, well. Look who's here." nakangisi niyang sabi at nakatiim bagang naman akong tumingin sa kanya.

"What do you want." seryoso kong tanong sa kanya at tumawa naman siya.

At nakuha mo pang tumawang hayop ka.

"Chill. Seryoso mo naman." nang-uuyam niyang sabi kaya mas lalong napatiim bagang ako.

"Hindi ako nakikipaglokohan sayo ha!" inis kong sabi at sumeryoso naman siya.

"Well, balak ko lang naman sanang kamustahin ka matapos ang torture na ginawa sa'yo hahaha!" sabi niya at tumawa ng malademonyo.

Nagtagis naman ang bagang ko sa sinabi niya.

"You know what, hindi ko alam kung bakit... hinahayaan nilang makapasok ang isang demonyong katulad mo sa eskwelahan na ito. At ginawa pang hari ah. Sabagay, baka hari ng impyerno." nakangisi kong sabi at ngumisi rin naman siya.

"Huwag ka ngang magmalinis diyan. Baka nakakalimutan mo..." Unti unti siyang lumapit sa akin at hindi man lang ako gumalaw paatras.

"Ikaw nga, ikaw ang dahilan kung bakit hindi mo kasama ang kapatid mo. Kasi... pabaya kang kapatid." sabi niya kaya hindi ko naiwasang hindi siya suntukin.

"Anong sabi mo?!" sigaw ko at pinagsusuntok ko siya.

Lumapit naman agad sa amin ang mga alipores niya at agad siyang inalalayang tumayo.

"Gago ka! Wala kang karapatang sabihan ako ng ganiyan!" galit kong sigaw habang hawak ako ng mga dalawa niyang alipores.

"Masakit diba? Truth hurts ika nga." sabi niya at tumawa.

Tangina mong hayop ka. Kapag ako nakawala dito ay papatayin kita!

"Boys, alam niyo na kung anong gagawin niyo diyan." sabi ni Khendrick at umalis na.

Naalarma naman ako ng bigla nila akong bitawan at bigla silang umayos na tila ba'y makikipagsuntukan.

Hades Academy ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon