Chapter 36

3.7K 147 1
                                    

Enjoy Reading!!!

CHAPTER 36

Zouie's POV

Parang normal pa rin naman ang eskwelahan dito kahit na may nawawalang estudyante na.

Sobra rin ang pagbibilin nila sa akin palagi dahil nga sa nawawalang estudyante na hanggang ngayon ay hindi pa rin nahahanap.

"Nakakatakot naman at bakit may nawawalang estudyante." sabi ni Ysa habang nag-aalmusal kami.

"Oo nga e. Hindi ko inaakalang hindi pala ganun kasafe ang eskwelahan na 'to." buntong hininga ko at bigla na lamang siyang tumingin sa akin.

"Ako, hindi na ako magtataka pa. Umpisa pa lang ay may weird na 'tong academy na ito. Tingnan mo, sinong matinong tao ang magpapatayo ng isang eskwelahan sa gitna ng gubat, diba?" sabi niya kaya naman ay napatango ako.

Totoo naman kasi e.

Pero balewala na sa akin kasi nga gusto kong makapagpatuloy ng pag-aaral.

Tumingin naman siya sa akin at kumibot kibot pa ang kilay niya kaya naman ay napataas ako ng kilay.

"Anong ibig sabihin niyan?" takang tanong ko pero ngumisi naman siya.

"Samahan mo ako. Iimbestigahan natin ang nangyayari sa eskwelahan na 'to." nakangisi niyang sabi kaya naman nalaglag ang panga ko.

"Ano?! Nahihibang ka na ba?" tanong ko sa kanya pero sumeryoso naman siya.

"Mukha ba akong baliw? Gusto ko lang malaman ang totoong nangyayari lalo na't matagal na pala itong nangyayari." sabi niya kaya naman napaisip ako.

Alam kong delikado ito.

"Peri delikado, Ysa." sabi ko sa kanya pero umingos naman siya.

"Alam ko pero mag-iingat naman tayo e. Sasama ka o hindi?" tanong niya kaya napaisip naman ako.

"Tayong dalawa lang?" tanong ko at tinaasan naman niya ako ng kilay.

"Bakit? May gusto ka bang isama?" tanong niya at bigla kong naisip si Kuya Kurt.

"Hindi mo isasama ang pinsan mo?" tanong ko at bigla naman siyang napapitik ng daliri.

"Oo nga 'no! Buti pinaalala mo!" sabi niya.

"So deal na ha!" masaya niyang sabi kaya naman tumango ako.

Sana tama lang ang gagawin namin at sana hindi kami mapahamak.

"Sige. Pasok na ako, Ysa. Mag-iingat ka ha." sabi ko sa kanya at tumango naman siya.

"Ikaw din!" sabi niya at lumabas na ako.

Naglakad na ako paalis ng dorm namin ng magawi ang paningin ko sa boy's dorm.

Naningkit ang mata ko ng mapansin ko si Hance na hindi pa nakasuot ng uniform.

Hindi ko alam kung anong nag-udyok sa akin at namalayan ko na lang na naglalakad na pala ako patungo sa dorm nila.

At dahil abala ako sa pagtahak sa dorm niya ay hindi ko napansin na nakatingin pala siya sa akin.

"Zouie?"

"Ay kabayo!" sigaw ko at tinaasan naman niya ako ng kilay.

"Ang gwapo ko naman para maging kabayo." sabi niya pero umingos naman ako.

"May ipo ipo ata dito sa labas." sabi ko at kunyari ay nililingid lingid pa ang tingin ko.

"Tss. I'm just saying the truth." sabi niya kaya naman napatingin ako sa kanya.

Doon ko lang napansin na nakapull over siya at sweat pants at hindi nakauniform.

"Hindi ka papasok?" tanong ko sa kanya at nagulat naman ako ng makita kong namumutla siya at pinagpapawisan ng butil butil sa noo.

Agad kong nilapat ang kamay ko sa noo at ramdam kong nanigas siya sa kinatatayuan niya.

Agad ko namang naalis ang kamay ko ng maramdaman kong mainit siya.

"Nilalagnat ka!" sabi ko at nag-iwas naman siya ng tingin.

"I'm okay."

Napatingin naman ako sa likod niya.

"Sinong kasama mo?" tanong ko pero umiling siya.

"Nauna ng pumasok." sabi niya kaya nangunot ang noo ko.

Hindi man lang siya inalagaan at binantayan?

"Hindi ka man lang sinamahan?" tanong ko sa kanya at tumingin naman siya sa akin.

"He knows that I'm sick. Pero pinapasok ko na siya dahil sabi ko kaya ko naman." sabi niya kaya naman tinulak ko siya papasok na ikinagulat niya.

"What the fuck!" mura niya kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Huwag mo akong mamura-mura diyan. Huwag kang mag-alala at aalagaan lang kita." sabi ko at inilapag ko ang bag ko sa sofa nila.

Pambawi ko lang 'to kaya ginagawa ko 'to.

"Humiga ka diyan. Kumain ka na ba at uminom ng gamot?" tanong ko sa kanya at umiling naman siya.

"Tsk. Diyan ka lang at lulutuan kita saglit."

Hindi pa siya nakakasagot ay agad na akong lumabas at naghanap ng maaaring iluto.

Naisip ko na lugaw na lang ang lulutuin ko.

Nang matapos na akong magluto ay agad akong nagsandok sa mangkok at agad na dinala sa kwarto niya.

"Oh. Makakakain ka naman na e." sabi ko pero nagulat ako ng umiling siya.

"Medyo nahilo ako ngayon. Ikaw na lang ang magsubo sa akin." sabi niya at magsasalita pa sana ako ng mapansin kong mas namumutla siya kaya wala akong nagawa kundi subuan siya.

Pagkatapos kong pakainin siya ay agad na akong lumabas at naghanap ng gamot at agad ding bumalik.

"Inumin mo muna ito tapos matulog ka." sabi ko at ininom naman niya.

Pinahiga ko siya at kinumutan hanggang dibdib.

Lumabas muna ako para ligpitin ang mga gamit at naghanap ako ng thermometer at buti ay nakahanap agad ako.

Bumalik ako sa kwarto niya at napansin kong tulog na tulog na siya pero ang pinagkaiba ay masyado siyang balot na balot ng kumot.

Tinignan ko ang temperatura niya at nagulat ako ng ang lumabas ay 38.9 kaya agad akong lumabas para maghanap ng palanggana at pamunas.

Agad akong bumalik sa kanya at inumpisahang punasan siya.

Nang matapos ay nakita kong pinagpapawisan siya kaya agad akong naghanap ng damit niya at kahit labag sa kalooban ko ay hinubaran ko siya.

Isusuot ko na sana sa kanya ang nakuha kong damit ng magulat ako na bigla niya akong hatakin kaya napunta ako sa ibabaw niya habang nakadikit ang katawan namin.

Nanlalaki ang mata ko habang nakatingin sa unti-unti niyang dumidilat na mata.

"Thank you for taking care of me." sabi niya at inilapat niya ang labi niya sa noo ko.

Ganun na lamang ang bilis ng tibok ng puso ko at malapit ng lumabas sa katawan ko.

Oh my heart!

To be continued...

Hades Academy ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon