Enjoy Reading!!!
CHAPTER 40
Zouie's POV
"Sigurado ka ba dito, Ysa?" tanong ko sa kanya habang inaayos ang hood ng suot kong hoodie jacket.
"Oo nga." sabi niya habang inaayos ang sapatos niya.
"Dala mo ba ang mga kailangan natin?" tanong niya at tumango naman ako.
Inayos ko na ang mga gamit ko dahil balak niyang suyurin ang kagubatan. Ayaw ko man pero sumama pa rin ako.
"Handa ka na?" tanong niya sa akin at napipilitan naman akong tumango.
"Good. Then let's go. Dadaanan pa natin si Kurt." sabi niya at lumabas na kami.
Sabado ngayon kaya malaya kaming magawa ang pag-iimbestiga kuno. Kaming tatlo lang ang pupunta at aaminin kong kinakabahan ako sa gagawin namin.
Agad kaming pumunta sa boy's dorm na nasa kabila lang at agad siyang kumatok sa pinto.
"Ano ba yan! Ang tagal naman nung lalaking iyon." inis niyang sabi at kakatok ulit ng bumukas na ang pinto.
"Huwag ka ngang maingay. Baka may makarinig sa'yo." saway ni Kuya Kurt pagkabukas niya ng pinto.
Inirapan naman siya ni Ysa at bumaling naman sa akin si Kuya Kurt at nginitian ko naman siya.
"Hi, Zouie!"
"Hi, Kuya Kurt." ngiti kong bati at agad naman kaming sinita ni Ysa.
"Mamaya na iyan. Tara na't mag-umpisa na tayo." sabi niya at nauna ng naglakad.
Agad naming siyang sinundan at agad na tinahak ang malagubat sa likod ng eskwelahang ito.
Ang halos maririnig ay ang mga yapak namin sa mga tuyong dahon.
"Huwag na kaya tayong tumuloy?" tanong ko pero sinamaan naman ako ng tingin ni Ysa.
"Ssh. Huwag kang maingay." sabi niya at nagpatuloy sa paglalakad.
Habang naglalakad ay dinidikitan niya ng bubble gum ang mga puno para raw kung sakaling maligaw kami ay makabalik kami.
8:00 na ng umaga at medyo umiinit na rin.
"Wala namang kakaiba dito e." reklamo ko pero sinamaan niya ulit ako ng tingin.
"Isa pang reklamo mo, Zouie at iiwan kita dito." sabi niya kaya naman napasimangot ako.
Narinig ko namang natawa si Kuya Kurt.
"Pabayaan mo na iyang si Ysa at mahilig 'yan sa mala-detective." natatawa niyang sabi kaya wala kaming nagawa kundi sumunod sa kanya.
Mahigit isang oras na ata kaming naglalakad pero wala pa rin kaming nakikita.
"Pahinga muna tayo!" reklamo ko at agad na umupo sa isang bato at tumabi naman sila sa akin.
Agad akong uminom ng tubig na dala ko. Hingal na hingal ako at daig ko pa ang umakyat sa bundok pero ang pinagkaiba ay hindi kami umakyat.
"Sa tingin ko ay may purpose kung bakit may gubat dito. At saka malay mo, daan ito patungo sa labas ng academy na ito." sabi niya na ikinaisip namin.
Pwede rin kasi yung sinasabi niya dahil bakit hindi man lang ito inalis at parang nagsilbing harang ang gubat na ito.
Wala rin ang may gustong pumunta dito dahil sino naman ang may gustong pumasok sa gubat na ito diba?
"Tara! Balik na tayo sa paglalakad!" sabi niya sa amin kaya kahit ayaw ko pa ay pinilit kong tumayo at sumunod sa kanya.
"Pagod ka na?" tanong sa akin ni Kuya Kurt kaya naman tumango ako.
"Sobra. Parang gusto ko na lang matulog." sabi ko kaya naman natawa siya.
Nagpatuloy kami sa paglalakad ng biglang humarap sa amin si Ysa na nanlalaki ang mata.
"Bakit?" takang tanong ko sa kanya at agad niya akong hinanap.
"Oh my god! Sabi na't magiging worth it 'to." ngiting ngiti niyang sabi kaya nga nagulat ako ng makita kong may isang lumang building sa gilid.
Agad niya kaming hinatak papasok ng building at hindi namin hinayaang makagawa ng ingay.
"Hindi ko akalaing may lumang building dito." sabi ko sa kanya at tumango naman siya.
"Ako rin e."
Nauna namang naglakad si Kuya Kurt at siya ang naunang sumuri sa loob.
Tinignan namin ang isang kwarto sa baba at nakasarado lahat ng pinto.
Aakyat na sana kami sa second floor ng biglang may marinig kaming mga yabag kaya agad kaming nagtago.
"Kailangan niyong bilisan na iyan, okay. Naiinip na si boss." sabi ng isang babae.
"Yes ma'am."
Agad namang nawala na ang yabag kaya agad kaming umalis pero nagulat kami nung lumabas kami ay nakatingin sila sa amin.
Shit! Tangina! Huli pero hindi kulong.
"What are you doing here?" mataray na tanong ng babae.
Tumikhim naman si Ysa at siya na ang sumagot.
"Sorry po. Uhm-- may hinahanap lang po sana kami tapos saktong nakarating po kami dito." sabi niya at agad naman akong nakisabad.
"Huwag po kayong mag-alala dahil aalis din naman po kami. Hindi po namin sinasadyang pumunta po dito." dagdag ko.
Tumango naman ang babae.
"It's okay. Umalis na lang kayo dito dahil hindi kayo pwede dito. This is a restricted place." sabi niya at humingi naman kami ng pasensiya.
"Sorry po talaga. Aalis na po kami." sabi namin at tumango naman siya.
Agad kaming umalis habang nangangatog ang mga tuhod namin.
Nang nasa daan na kami ay nilingon ko sila na dapat hindi ko na ginawa dahil seryoso silang nakatingin sa amin.
Agad akong nag-iwas ng tingin at naglakad na.
"Shit! Muntik na tayo dun!" sabi ko at pati sila ay kinabahan din.
Binilisan namin ang paglalakad hanggang sa makarating na kami sa dorm namin.
Sa dorm muna kami nag-stay na tatlo.
"Delikado ang pinapasukan natin, Ysa." sabi ko sa kanya at tumango naman siya.
"Talagang ganun pero.... nakakapagtaka na bakit may lumang building dito na hindi natin alam na nag-eexist?" tanong ni Ysa sa amin at napaisip naman din kami.
Ayun din ang pinagtataka ko dahil ang alam namin ay wala ng ibang building dito.
"Babalik tayo dun." sabi niya na ikinalaki ng mata ko.
"Ano? Hindi nga raw tayo pwede dun tapos babalik pa tayo. At saka baka mahuli na naman tayo." sabi ko sa kanya pero umiling lang siya.
"May kakaiba talaga e kaya kailangang malaman natin kung anong tinatago ng eskwelahan na 'to." sabi niya na ikinapikit ng mata ko.
Jusko po. Matapang ako at kaya kong makipag-away at makipaglaban pero hindi yung ganito.
"Tutuklasin natin kung anong misteryo at nililihim ng eskwelahan na ito." sabi niya na ikinabuntong hininga ko.
Sana lang ay hindi kami mamatay ng maaga ng dahil dito.
To be continued...
BINABASA MO ANG
Hades Academy ( Completed )
Mystery / ThrillerZouie Raine Martinez is so thirsty of love and care of a family and friends. Her family never treated her as a family that's why, she became a rebel and always got into fight in their school. And because she's always got into fight in the students i...