Enjoy Reading!!!
CHAPTER 64
Zouie's POV
Agad na tinakpan ni Kuya ang mata ko at sunod sunod na putukan ng baril ang aking narinig kaya agad akong nag-alala.
Aalisin ko na sana ang kamay niyang nakatakip sa akin ay hindi niya ako hinayaan.
"Don't look." mariing sabi ni Kuya kaya naman napatigil ako sa pagbabaklas ng kamay niyang nakatakip sa mga mata ko.
"Okay lang ba sila?" nag-aalalang tanong ko.
Sana ay walang mangyari sa kanila please.
"Yes. We got it under control." sabi niya at makalipas lang ng ilang sandali ay tumigil na rin ang putukan ng baril kaya agad kong inalis ang kamay niya.
Pero ganun na lang ang takot ko ng makita kong lahat ng kasamahan nila Madam Sapphire ay nakahandusay at duguan na.
"Patay na sila?" tanong ko at si Asher naman ang sumagot.
"Yeah. We need to kill them. Kailangan natin silang patayin para manatili tayong ligtas at makalabas ng buhay." sabi niya at naiintindihan ko naman sila.
Doon ko naman napansing ilan sa mga kaklase ko ay may mga daplis.
Nag-alala naman ako dahil sa kalagayan nila.
"Kayo? Okay lang kayo? May mga sugat kayo." nag-aalala kong sabi at ngumiti naman sila.
"Okay lang kami. Malayo sa bituka."
Napatingin naman ako kay Kuya ng yakapin niya ako at doon ko napansing may hawak siyang baril na ngayon ko lang nakita.
"We need to move now." sabi ni Hance at kinuha ng mga kaklase ko ang baril na gamit ng mga kalaban kanina.
Halos puro dugo na ang makikita mo sa paligid at pati mga taong nakahandusay sa sahig.
Nilibot ko naman ang tingin ko at napansin kong wala sina Madam Sapphire at ang asawa niya.
Nasaan sila?
"T-Teka, nasaan pala sina Madam Sapphire?"
"Nakatakas sila. But don't worry, hindi na yun masyadong makakalaban dahil parehas sila ng asawa niyang may tama at medyo napuruhan." sabi ni Van kaya tumango naman ako.
Kung ganun ay napuruhan na namin ang kalaban.
Bigla naman akong napaisip. Nasaan na kaya sina Ate? Hindi man lang ba sila sinasaktan ng mga kalaban tulad ng sa amin?
"Are you okay?" tanong sa akin ni Hance at tumango naman ako.
"Ako nga dapat ang nagtatanong niyan e. Kayo kasi ang nagpoprotekta sa akin samantalang ako ay wala man lang magawa. Hindi man lang ako makalaban." sabi ko at nag-iwas ng tingin.
Naiinis ako sa sarili ko dahil parang pabigat ako sa kanila.
Napatingin naman ako sa kanya ng hawakan niya ang baba ko at hinaplos ang pisngi ko.
BINABASA MO ANG
Hades Academy ( Completed )
Tajemnica / ThrillerZouie Raine Martinez is so thirsty of love and care of a family and friends. Her family never treated her as a family that's why, she became a rebel and always got into fight in their school. And because she's always got into fight in the students i...