Enjoy Reading!!!
CHAPTER 43
Zouie's POV
"Announcement to all of the students of Hades Academy, kindly proceed to gymnasium for some important announcement. Thank you." sabi ng isang babae na narinig namin sa speaker.
Agad naman kaming tumayo at inayos ang gamit namin at lumabas.
Ano naman kayang important announcement ang iaannounce nila?
"Let's go." sabi ni KN at Vin sa akin sabay akbay sa akin.
Halos magsiksikan din kami dahil halos lahat ng estudyante ay sabay sabay na lumabas matapos marinig ang announcement na iyon.
Agad naman kaming nakapasok ng gymnasium at naghanap ng upuan.
Umupo naman kami bandang likod dahil pinauna namin ang mga higher sections.
"Ano na naman kaya 'yang iaannounce nila?" tanong ni Van at nagkibit balikat naman kami.
Nang makaupo na lahat ng mga estudyante ay siyang paglabas ni Madam Sapphire at ang kanyang asawa.
"Good morning, Hades Academy's students. So we're gathered here for some important announcement. But before that, we will introduce first, if who are the owner of this academy." sabi ni Madam Sapphire at agad namang nagbulungan ang mga tao.
Sino kaya 'yung owner? Ngayon ko lang siya makikita e.
"Oh. Sino kaya ang owner ng academy na ito? Ngayon lang namin makikilala kung sino ang owner kapag nagkataon." sabi ni Asher kaya naman nagtaka ako.
Sa tagal nilang nag-aaral dito ay hindi pa nila kilala ang owner? Akala ko ay ako lang dahil baguhan ako dito.
"So here they are."
Pero laking gulat ko kung sino ang dalawang naglalakad patungong podium.
Sina Mommy at Daddy!
Sila ba ang may-ari nito? Pero naisip ko na rin na parang may involvement sila dito dahil nga sa bahay namin ko nakuha ang mapa.
Dapat hindi na ako magulat pero hindi ko pa ring maiwasang hindi magulat dahil sila pala ang owner nito.
"Good morning everyone, so I'm Kendra Martinez and this man beside me is my husband, Kenzo Martinez." pakilala nila at mas lalong lumakas ang bulungan.
"So, sila pala ang magulang ng kambal. Sila pa talaga ang may-ari ha." umiigting ang panganga sabi ni Nyl.
Humarap naman sa akin si Asher habang nakakunot ang noo kaya nagtaka ako.
"Teka, Zouie. Bakit parang lahat sila ay nag-i-start sa K ang pangalan nila samantalang ikaw ay Z?" tanong niya sa akin na ikinasang-ayon ng iba.
Napakagat naman ako sa ibabang labi ko dahil kahit ako ay hindi ko alam ang sasabihin.
"Hindi ko alam e." tanging sabi ko.
"Hindi mo rin sila kahawig." dagdag niya pa.
"Sa side ni daddy ko nakuha ang ibang features ko." agad kong sabi at napatango tango naman siya pero pansin kong may kakaiba kay Asher pero hindi ko lang mapagtanto.
Patuloy lang sila sa pagsasalita hanggang sa may iaannounce ulit sila.
"The halloweeen is near and for the very first time, we will have a halloween party." sabi niya na ikinatuwa ng mga estudyante.
"Sasabihin niyo kung anong gusto niyong costume and kami na ang magpoprovide." dagdag nila na mas ikinahiyaw nila.
Masaya ako kahit papaano dahil first time kong makakaranas nito pero nakapagtataka na parang hindi man lang excited ang mga kasama ko.
Agad ko namang siniko si KN at tinanong.
"Hindi man lang ba kayo masaya o excited?" tanong ko pero sumimangot naman siya.
"Hindi naman kami babae para maging masaya o excited diyan. Hindi kami mahilig sa mga ganiyan." sabi niya na ikinalabi ko.
Oo nga pala. Bakit ba hindi ko naisip iyon?
"So that's all for today. You can now go to your perspective rooms. Thank you." sabi nila at agad silang tumayo at umalis.
Aalis na sana kami ng makita ako ni Kuya Kurt at kinawayan.
Kinawayan ko naman siya pabalik at sinenyasan niya akong lumapit.
"May kakausapin lang ako. Mauna na kayo sa room at susunod na lang ako." sabi ko at tumango naman sila pero si Hance ay seryosong nakatingin sa akin kaya pinandilatan ko siya ng mata.
Parang napipilitan pa siyang umalis kasama ang mga kaklase ko.
"Hi!" bungad niya sa akin ng makalapit siya sa akin na binati ko rin pabalik.
Sabay naman kaming naglakad palabas.
"Kumusta ka na?" sabay naming tanong kaya hindi namin maiwasang hindi matuwa.
"Ayus lang ako. Ikaw?" tanong niya habang nakatingin sa akin.
"Mm. Ayus lang din."
Tumigil naman siya sa paglalakad ng nakarating kami sa garden.
"Medyo busy pala si Ysa ngayon kaya hindi raw siya makapag-ayang balikan ang nakita natin nung nakaraan."
I just groaned because of what he said.
"Bakit ba hindi na lang tigilan ni Ysa? Delikado itong ginagawa natin e." sabi ko at natawa naman siya.
"Masanay ka na kay Ysa. Ganiyan siya talaga. Wala naman din akong magawa kaya sinasamahan ko na lang siya para kahit papaano ay maprotektahan ko rin siya." sabi niya kaya napabuntong hininga naman din ako.
"Wala nga talaga akong magagawa. Ayaw ko namang hindi sumama dahil parang konsensiya ko pa kung may mangyari sa kaniya. Kahit bago pa lang kami ay kaibigan na ang turing ko sa kaniya kaya hindi ko kakayanin kong may mangyaring masama sa kanya." sabi ko at ginulo naman niya ang buhok ko.
"I'm glad to hear that."
Namayani naman ang katahimikan sa amin na agad ko namang binasag.
"Pero delikado pa rin talaga ang ginagawa natin. What if may mangyaring masama sa atin, diba?" sabi ko habang nakasimangot.
"I'm just here so you don't have to worry. I can and I will always protect you." sabi niya na biglang ikinahawak ko sa ulo ko ng biglang makaramdam ng sakit.
Kuya is always here so you don't have to worry. I can and I will always protect you.
Kuya is always here so you don't have to worry. I can and I will always protect you.
Kuya is always here so you don't have to worry. I can and I will always protect you.
Nagpaulit-ulit ang mga katagang iyan sa ulo ko habang may nakita akong isang napakalabong pigura.
Isang lalaki na nakaakbay sa akin ni hindi ko makilala.
"Hey, are you okay?" tanong sa akin ni Kuya Kurt habang bakas sa mukha niya ang pag-aalala.
Tumango naman ako kahit hindi totoo.
Ano ba talagang meron at biglang may nag-pa-pop na ganung memory sa utak ko?
To be continued...
BINABASA MO ANG
Hades Academy ( Completed )
Mystery / ThrillerZouie Raine Martinez is so thirsty of love and care of a family and friends. Her family never treated her as a family that's why, she became a rebel and always got into fight in their school. And because she's always got into fight in the students i...