Enjoy Reading!!!
CHAPTER 67
Third Person's POV
Abala pa rin sa pakikipaglaban ang mga estudyante sa mga kalaban.
Marami na rin sa kanila ang sugatan pero hindi sila sumusuko para sa buhay nila.
They fighting to survive.
"Kumusta na kaya sila?" tanong ni Vin kay Nyl.
"I don't know. Sana nasa mabuti silang lagay." sabi ni Nyl at patuloy sa pakikipaglaban.
Kung titignan mo ang kanilang itsura ay puro galos, tama ng baril, at nababalutan ng mga dugo.
Hinihingal na rin sila sa pakikipaglaban dahil halos ilang oras na rin silang nakikipaglaban.
"Damn! Bakit ba hindi sila maubos ubos!" inis na sigaw ni Jia habang patuloy na pinapatumba ang mga kalaban.
Makalipas lang ng ilang minuto ay napatumba na rin nila ang kalaban kaya naman napaupo sila sa kapaguran.
"Fuck! Para tayong naging mga sundalo sa pakikipaglaban." sabi ni Alex kaya naman natawa ang iba.
"Okay lang ba yung iba?!" sigaw ni Nyl at nagthumbs up naman ang lahat.
"Tara na. Kailangan na nating makalabas dito bago pa dumating ang ibang mga kalaban." sabi ni Asher at nagsimula na silang kunin ang mga baril ng kalaban at umalis na.
Sa kabilang dako naman, hinihikayat ni Kendra ang dalagang si Zouie na sumama sa kanila para wala ng mapahamak.
"Simple. Ayaw ka nilang ibigay sa akin kaya ikaw na lang ang sumama sa akin." nakangisi sabi ni Kendra kaya naman napailing ang dalawang kasama ni Zouie.
"No, Zouie. Huwag kang sasama." sabi ni KN kaya hindi maiwasang mapaluha ni Zouie.
Hindi niya na kasi kayang tignan ang mga kasama niyang nahihirapan ng dahil sa kanya.
"Sorry..." sabi ni Zouie at nag-umpisang humakbang papunta kay Kendrs pero agad nila itong pinigilan.
"No. Don't you dare do that." mariing sabi ni Hance kaya umiling si Zouie.
"I need to do this." sabi niya at agad na inalis ang kamay na nakahawak sa kanya.
'Ayaw ko na kayong mapahamak pa ng dahil sa akin. Hindi ko kayang makita kayong nasa ganyang kalagayan ng dahil sa akin' sabi ni Zouie sa kanyang sarili.
Pero hahakbang pa lang sana siya ng biglang may bumaril sa kanya. Hindi lang isang beses kundi limang beses.
Parang nag-slow motion ang mga balang unti-unting bumaon sa likod ni Zouie.
Nanlaki naman ang mga mata nila KN at Hance dahil sa nasaksihan lalo ng unti-unting matumba si Zouie.
"NO!!!" sigaw nila at agad na sinalo ang unti-unting natutumbang katawan ni Zouie.
BINABASA MO ANG
Hades Academy ( Completed )
Misteri / ThrillerZouie Raine Martinez is so thirsty of love and care of a family and friends. Her family never treated her as a family that's why, she became a rebel and always got into fight in their school. And because she's always got into fight in the students i...